Chapter 59: "Shopping"

6.5K 125 0
                                    

Gabbie’s POV

Dialing Nyx Villafuerte…

“Hello? Gab?” – sagot ni Nyx.

“Nyx…”

“Bakit Gab? May problema ba? May masakit ba sayo? Teka pupunta ko jan, dadalhin kita sa – “ – pinutol ko na ang sasabihin ni Nyx, Masyado namang exaggerated tong lalaking to. Psh -_-

“Nothing’s wrong Nyx, ang OA mo. Tsss!”

“Sorry naman Gab. Alam mo namang pag dating sayo, ganito talaga ko. Teka bakit pala napatawag ka?” – si Nyx.

“Magpapasama lang kasi sana ko sayo sa mall Nyx.”

“Uhm.. Ngayon na ba Gab?” – tanong niya. Hmmm’ baka busy siya.

“Bakit busy ka ba ngayon? Sige wag na lang.”

“No. Hindi naman ako ganun ka’busy. Uhm.. Sige sasamahan kita, ano bang gagawin mo sa mall?” – si Nyx.

“Sure ka okay lang? Mamimili kasi ko ng gamit para kay baby. Hindi kasi pwede si kuya, eh wala akong kasama. Baka busy ka?”

“No. You and your baby are my priority now Gab. By the way, mamimili ka ng gamit ni baby at isasama mo ko? Really? Oh God! Thank you Gab! Sunduin kita jan, gumayak ka na. Bye!” – sabi ni Nyx, para yun lang tuwang tuwa siya? Psh -_- Baliw talaga yung lalaking to.

“Sige bye.” Pinatay ko na ang tawag at gumayak na ko.

Medjo naeexcite din ako at kinakabahan? Ewan ko ba kung bakit. Mamimili lang naman ako ng gamit ni baby na kasama si Nyx. Phews! Relax Gab, breath in breath out. Hmmm. Maya maya lang dumating na din siya, kaya bumaba na ko.

“Hi Gab. Let’s go?” – si Nyx.

“Yeah. Let’s go.” Inaya ko na siya palabas. Inalalayan niya naman ako makasakay ng sasakyan, at ng makasakay siya umalis na din kami.

Tahimik lang kami habang nasa byahe, pero nakikita ko minsan sa peripheral view ko na nakangiti siya at patingin tingin siya sakin. Ano kayang meron dito sa lalaking to ngayon at mukhang masaya? Hmmm.

Pagdating namin dito sa mall, pinark niya yung sasakyan at inalalayan niya ko makababa. Dito pala kami sa SM Aura nagpunta. Dumeretso agad kami sa Department Store.

“Ikaw Gab, wala ka bang bibilhin para sa sarili mo?” – si Nyx.

“Wala naman. Para kay baby na lang. Ayun Nyx, dun tayo sa Infants Section.” Aya ko sakanya, ng makalapit kami agad niyang kinausap yung saleslady. Hindi ko naman masyadong marinig dahil namimili na ko ng mga damit. Baby boy kasi ang baby ko, I wonder kung sinong magiging kamukha niya. Mamanahin niya kaya yung pagkaseryoso ko? Hmmm’ habang tinitingnan koi tong mga damit ng mga infants napapangiti na lang ako. Hindi ko alam na ganito pala kasaya maging soon to be mother.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon