Chapter 74: "Happily Married"

11.1K 155 2
                                    

Gabbie’s POV

 

After 3 years..

 

Tatlong taon na ang nakalipas ng ikasal kami ni Nyx. Church wedding ang naging kasal namin, yun kasi ang gusto ko, gusto ko kaharap ang Diyos sa pag’iisa namin ng lalaking mahal ko. Ng ikasal kami lumipat na din kami sa bahay na binili ni Nyx para sa amin, binili niya daw talaga yun kahit nung time na hindi pa namin alam ang totoo. Kahit daw hindi kami ang magkatuluyan o biglang dumating ang totoong ama ni Ethan, gift niya pa rin daw samin yung bahay.

May anak na din pala sila Trina at Cyril, isang taon na yung anak nilang babae na si Cyrene Tara. Si Ethan naman apat na taon na, nag’aaral na nga siya sa kinder eh at matalinong bata ang anak ko, dahil para na siyang binata minsan kung magsalita, matatas na din. As expected nagmana talaga sakin yang si Ethan, medjo masungit siya at serious type. Kapag hindi kayo close wag ka ng umasang kakausapin ka niya  ng matino. May pagka’bookworm nga siguro si Ethan paglaki, jan magkasundo ang anak ko at anak nila Trina. Kahit isang taon pa lang si Cyrene, mahilig na daw humawak ng libro para paglaruan, at si Ethan pa ang nagbibigay ng mga librong hinahawakan ni Cyrene.

Si kuya, may anak na din yang kambal eh, isang taon na din. Babae’t lalaki, at si Angel ang napangasawa niya. Biruin niyo yun, pero madami ding pinagdaanan yang dalawang yan. Nung una nga ang akala ko si Angel at Alex na ang magkakatuluyan eh. Nagulat na lang ako ng malaman kong nagkakalapit pala sila, then ayun nainlove sa isa’t isa.

“Mom, Cyrene is here again.” – sabi sakin ni Ethan ng makalapit siya sakin. Nandito kasi ako sa kusina ngayon at nagpeprepare ng pagkain, alam ko ng pupunta sila Trina ngayon. Nagsabi kasi sila na pupunta sila kahit nandito lang din sila kahapon. Haha!

“Sis?” – tawag sakin ni Trina.

“Yes sis, nandito ako sa kusina. Hinahanda ko lang pagkain natin.”

“Tulungan na kita jan, nandun yung mag’ama ko sa garden eh. Nasan nga pala si Nyx?” – tanong ni Trina.

“Nasa trabaho pa, pero pauwi na din siguro yun.” Sa Wright pa rin naman nagtatrabaho si Nyx, pero napromote na siya. Siya na ang bagong CEO ng kompanya, ako? Nagresign na ko sa Hyacinth. Ayaw na kong pagtrabahuhin ni Nyx eh, pinag awayan pa nga namin yan dahil gusto ko magtatrabaho ako. Eh paano daw si Ethan atsaka ayaw niya na daw akong mapagod pa. In the end, siya nanalo. May point naman din siya, gusto ko din ako yung gagabay sa anak ko.

“Tita Trina, why is Cyrene always handle a book? Hindi niya naman binabasa, pinaglalaruan niya lang yung binibigay ko.” – tanong ni Ethan kay Trina.

“Eh kasi Ethan, gusto ka lang siguro niyang makalaro.” – sagot naman nito sa anak ko.

Lumakad na ulit papunta sa sala si Ethan para puntahan si Cyrene. Alam naman naming parang pinakikisamahan lang nitong anak ko si Cyrene eh, pero hinayaan lang namin kasi minsan hindi din matiis ni Ethan na hindi lumapit kay Cyrene.

“Sis patimpla ng kape ha, gusto daw ni Yats magkape dahil medjo may hang over pa. Pano nagpunta sa bahay kagabi yung katrabaho niya ayun nagkainuman sila.” – paalam ni Trina at lumapit sakin sa kusina.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon