Chapter 68: "Destiny"

8.4K 130 1
                                    

Nyx’ POV

 

Nandito na ko sa beach na malapit kila Cara, dito lang naman ako madalas magpunta dati eh. Maaliwalas kasi ang lugar nato lalo ngayon walang masyadong turista.

“Sir Nyx!” May tumawag sakin sa likod ko. Paglingon ko si Mang Kaloy pala. Nandito pa pala siya, akala ko magreretire na siya eh.

“Uy mang Kaloy! Kamusta po?”

“Ayos lang naman po. Nakita ko kayong dumating kahapon, kaya nagpunta ako dito ngayon dahil alam kong pupunta kayo dito. Nasaan na ang mag’ina mo Sir? Sabi ko na sainyo may asawa kayo noon eh, nagkabati na ba kayo? May anak na pala kayo.” Sabi ni Mang Kaloy.

“Asawa ko noon mang Kaloy? Ngayon ko pa lang siya dinala dito sa atin ah, atsaka wala na siya bumalik na ng Manila.” Sagot ko.

“Huh? Hindi, siya yung sinasabi ko sainyong asawa niyo Sir. Yung kasama niyo kako noon, fiesta dito nun yun eh. Ang tagal niyo naman kasing bumalik.” Sabi ni Mang Kaloy. Teka, kasama ko noon? Fiesta? Hindi kaya si Ms.Stranger yung tinutukoy niya?

“Sigurado ka Mang Kaloy? Natatandaan mo pa yung itsura niya, eh sabi niyo po matagal na yun ah.” Paniniguro ko sakanya.,

“Ang totoo niyan, naalala ko na lang ulit siya ng makita ko siya kahapon karga ang anak niyo. Pinaluwas mo naman kaagad ng hindi mo dinadala dito ang mag’ina mo dito Sir.” Sabi ni Mang Kaloy. O___O God! Si Gab at si Ms. Stranger ay iisa? Siya lang din pala ang matagal ko ng hinahanap? Ako lang din ang totoong ama ni Ethan. Sa tuwa ko nayakap ko na lang si Mang Kaloy.

“Whooohooo! Yes! Hulog ka ng langit Mang Kaloy! Hahahaha!” Sabi ko sakanya habang yakap siya. After all this year, tapos na pala ang paghahanap namin. Dahil tadhana na ang mismong naglapit sa amin. Thank you God!

“Ay sir, nakakahiya na po.” Sabi ni Mang Kaloy at bumibitiw sa yakap ko. Haha!

“Sorry Mang Kaloy. Sobrang saya ko lang po. Hayaan niyo next month, makikilala niyo na ang mag’ina ko. Sisiguruhin kong babalik sila dito. Sige po mauna na ko.” Sabi ko sakanya at nagpaalam na. Hindi ko muna sasabihin sa bahay. Hahayaan ko muna si mama sa gusto niyang mangyari. Mananatili ko ng isang buwan dito, pero bago mag’birthday ang anak ko sisiguruhin kong luluwas ako pumayag man o hindi si Mama.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayong araw. Sinong mag’aakalang si Gab lang naman pala yun. Teka bakit hindi ko manlang nahalata? Pumunta ako sa kwarto ko at tingnan ang note ni Ms. Stranger, paano magiging si Gab to? Eh GJB ang signature? Kailangan kong makasiguro.

Renz dialing…

 

“Renz!”

“Yow! Hindi na ba uso mag’hello ngayon pare?” – sagot ni Renz, hindi kasi ako mapakali.

 

“Di ba may dinala jang documents galing sa Hyacinth? Meron ba jang file si Gab? O kahit anong pwede kong makita na tungkol sakanya?” – sunod sunod na tanong ko sakanya.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon