Chapter 72: "Happiness"

10K 173 4
                                    

Nyx’ POV

 

I knew it, ngayon wala ng duda. Si Gab talaga yung nakasama ko nung gabing yun, si Gab yung matagal ko ng hinahanap. Nakita at nahawakan ko ulit yung scars sa dibdib niya tulad nung sa babae nung gabing yun, kaya alam ko si Gab talaga yun. All this time ng paghahanap namin, magkasama na din naman pala kami. Kaya ba simula ng makilala ko siya eh parang nawala sa isip ko ang paghahanap kay Ms. Stranger, dahil nakita ko na pala siya. At ngayong magkasama na kami hinding hindi ko na siya pakakawalan pa. Sinabi ko na kay papa yung plano kong pagpopropose, at gagawin ko talaga yun. Dahil tapos na din yung bahay na ipinagawa ko para sa amin.

Nakatitig lang ako sakanya habang natutulog siya sa tabi ko. Yung nangyari sa amin kagabi at yung nangyari noon, masaya ako. Pareho lang ang naramdaman ko. Balak ko ng sabihin kay Gab ang totoo pag gising niya. I wonder kung anong magiging reaction niya. Haha! Thank you God, for giving me so much happiness. With Gab and Ethan by my side, I feel complete now. Hinaplos ko ang mukha niya, pero inalis ko agad ang kamay ko ng gumalaw siya. Mukhang magigising na din naman siya dahil idinilat niya ang isang mata niya.

“Hi Hon *wink*” – bati ko sakanya at hinalikan siya. Ngumiti lang siya at humarap sakin.

“Hi. Kanina ka pa gising? O hindi ka talaga nakatulog?” – tanong niya.

“Ayokong matulog, dahil baka pag gising ko wala ka nanaman sa tabi ko tulad ng nangyari dati.” – sabi ko, kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng nagtataka. Haha!

“Nangyari dati Nyx? Eto ang una natin. Teka, ibang babae yan no?” – tanong niya at bigla siyang bumangon ng nakabalot sa kumot ang katawan.

“Hindi ah. Wala akong ibang babae Hon, isn’t it familiar? Yung pakiramdam habang nag’lalove making tayo kanina?” – tanong ko sakanya. Magkaharap kaming nakaupo sa kama ngayon, pareho lang kumot ang nakatakip sa amin ngayon. Tinatamad pa kong mag’brief baka may next round pa kami eh. Haha!

“Huh? Hindi kita magets.” – sabi niya. Nginitian ko siya at hinalikan. Inabot ko ang wallet ko sa bedside table at kinuha yung note na binigay niya dati. Inabot ko sakanya and she was like..

o___O

O______O

“Bakit nasayo to Nyx? O_O Teka, ibig sabihin ikaw si..” – di ko na siya pinatapos at sumagot na ko.

“Yes Ms. Stranger. *wink*”

“Oh god! Really?! Ikaw yung nakasama ko ng gabing yun? Ikaw lang din pala talaga yung ama ni Ethan?” – di makapaniwalang tanong niya, natawa na lang ako sa reaction niya at pinisil ang pisngi niya. Hihi ^_^ Kahit naman ako nung una kong malaman eh, hindi ako makapaniwala. Kaya kailangan ko muna siyang madala sa lugar kung saan kami unang nagkakilala para maipakilala ko siya kay Mang Kaloy.

“Opo Hon, ganyan din ang reaction ko ng una kong malaman. Ang galing din ng tadhana eh no, pareho tayong naghahanapan pero nagkita at nagkakilala na pala tayo matagal na. Kaya pala ng makilala kita, parang nawala na sa isip ko si Ms. Stranger.”

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon