Gabbie's POV
Aga ko nagising, 6:30am palang 8:00am pa pasok ko. Monday pala ngayon at, Waaaa ! Monthsarry namin ngayon February 3, 1yr. and 2months na kami. Waaaa ^____^
Himala wala pa siyang bati. Hmm’ nasanay kasi akong siya lagi ang unang bumabati sa aming dalawa kapag monthsary namin. Ayaw niya din na ako ang mauna, basta gusto niya daw siya muna ang babati. Sweet niya no ^.^ Maaga pa naman, baka maya maya magtext o tumawag na din yun.
Makababa na nga muna, baka gising na rin sila mama. Magluluto na ng breakfast yun.
“Good morning Ma” Bati ko kay mama. Nasa kusina na siya nagluluto ng breakfast.
“Good morning Gab, aga mo ah di ba 8:00 am pa pasok mo. Tulog pa kuya mo.” Si mama.
“Opo 8 pa. Di ko din alam nagising na lang ako ng maaga, gabi na nga ako nakatulog kagabi eh.”
“Umupo ka na jan at malapit na ko makaluto. Ayy gisingin mo na pala mga kapatid mo para sabay sabay na tayong kumain.” Si mama.
“Sige po Ma, nasan pala si Papa?”
“Nasa labas may kausap lang sa phone niya.” Si mama.
Umakyat na ko sa taas para gisingin ang mga kapatid ko. Makakaganti na rin ako kay kuya sa pagsigaw sigaw niya sakin pag ginigising niya ko. Haha!
Pag bukas ko ng pinto ng kwarto ni kuya. Ayy ! anubayan, gising na siya. Kaasar ! Naabutan ko lang naman siyang nag’pupush up habang nakatopless. Gosh ! ang hot ni kuya. *o* I wonder kung bakit wala pa siyang matinong girlfriend, napakaworkaholic naman kase niyan.
“Good morning kuya ^.^”
“Morning. Aga mo ah. Bumaba ka na at gagayak na ko. Napanganga ka nanaman sa katawan ng kuya mo.” Sagot niya pagkatapos niya sa ginagawa niya.
“Ang kapal huh? Sige bumaba ka agad pag katapos mo.”
Si dustin naman ang gigisingin ko. Actually magkakatabi lang naman kami ng kwarto. Yung kwarto nila mama nasa ibaba. Simple lang naman bahay namin two storey with 4 rooms, 1 master bedroom kila mama at yung saming 3.
Bzzt Bzzt..
Nagvibrate phone ko. Sheyts! Baka babe ko nato. Yiii ^.^
Fr: Trina ni CyrilJ
Sis morning. Di kami makakapasok ni Bf may lakad daw kaming importante. Wala naman sigurong masyadong gagawin, bahala ka na muna. Haha’ thanks. Happy monthsary sa inyo ng Babe mong ewan. :D
Nubayan. Akala ko pa naman siya na, si Trina lang pala. Bakit kaya di pa siya nagtetext, supposed to be gising na yun dahil 7:00 am pasok niya. Di kaya nakalimutan niyang 3 ngayon. Di kaya napuyat siya kagabi kaya tulog pa siya. Hmm’ napapaisip nanaman ako.
Knock!... Knock!...
“Bhebe.. Dustin.. Gising na may pasok pa, bumangon ka na at ready na ang breakfast.” Tawag ko sa kapatid ko, kasi naman naglalock pa ng pinto kaartehan.
“Anjan na po ate, gumagayak lang ako.” Sagot niya, kaya bumaba na ko.
Pagbaba ko nakahain na at nakapwesto na sila Mama. Tumabi na din ako sa kanila at kasunod ko na rin pala yung dalawa. Pagkatapos namin kumain, nagready na kami para pumasok.
“Gab, tara na. Dustin sabay ka ba.” Inaaya na kami ni kuya.
“Hindi kuya, may dadaanan pa ko.” Sagot ni dustin. College na siya, freshmen sa university na pinanggalingan namin ni kuya.
“Bye Ma, Pa.” humalik muna kami sa kanila bago umalis.
Tahimik lang kami habang nasa byahe, ganito naman talaga lagi. May pagkaseryoso kasi tong kapre na to. Haha !
“Thanks kuya, ingat muah.” Naihatid niya na ko sa office.
Nakarating na ko at lahat wala pa rin paramdam si Emman. Hayy ! Ano kaya problema. Ako na kaya ang unang bumati. Pero baka magalit siya. Kasi naman ganun na ba siya kabusy at hindi manlang niya naalala na feb.3 ngayon at monthsary namen. Kainis naman!
Ang bilis lumipas ng oras gabi na, out ko na naman pero hindi parin siya nagtetetxt. Itext ko na nga. Baka sakaling maalala niya.
To: Babe ko <3
Hi babe happy monthsary. One year and two months na tayo ngayon.bakit po hindi ka man lang nagparamdam? Busy ka po ba babe? I love you babe. Txt mo ako pag my time ka na.
Nagpasundo na lang ulit ako kay kuya kasi mukhang d na niya ako masusundo. Hays, miss ko na si babe ko. Nakalimutan na talaga niya ang monthsary namin. Pero hindi, baka busy lang talaga siya. Babawi yun panigurado.
Nakatulugan ko na ang pag’iisip sakanya..
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?