Chapter 33: "Seriously?!"

9.3K 153 7
                                    

Nyx POV

 

Nandito na ko sa opisina ngayon, an gaga ko nanaman. 7am pa lang, may sunod sunod kasi akong meeting ngayong araw eh. Di nga din ako makakapunta sa Hyacinth eh, saying! Di ko makikita si best Gab. Tsk! Naalala ko yung itsura niya kagabi nung sinabi kong magbestfriend na kami eh. Wala namang kakaiba, natulala lang. Haha!

Pero seryoso ko sa sinabi ko kagabi ah. Gusto ko maging bestfriend niya kasi gusto ko mas mapalapit sakanya. Para mas may karapatan na kong maging concern sakanya at alagaan siya tulad ng ginagawa ni Cara. Ewan ko, pero yun ang nararamdaman kong gusto kong gawin kay Gab. Ang weird nga eh. Wala naman sigurong masama mag’alala para sa kaibigan.

“Sir, the meeting will get started. Kayo na lang po ang hinihintay.” – sabi sakin ni Angel.

“Okay, susunod na ko.”

Inayos ko lang yung laptop at mga documents na gagamitin namin, at nagpunta na din ako sa conference room. Yung mga business man sa branch sa Davao ang ka’meeting ko, lumuwas sila kagabi dito sa Manila.

“Goodmorning. I’m sorry I’m late, inayos ko lang yung mga documents. So, let’s start. Ash, please..” sabi ko ng pumasok ako sa conference room, sinabihan ko si Ash na ii’start na yung presentation. Siya kasi ang secretary ko.

After almost 2hrs.of meeting. Natapos din, may susunod pa mamayang after 11am at mamayang 3pm. Ano bang meron ngayong araw, at puro meeting yata ako? Psh.

“Sir, yung meeting po ng 11am nacancelled. Merong hindi makakapunta, bukas na lang daw ituloy.” – sabi ni Ash ng makalabas kami sa conference room. Buti naman, mamayang 3pm na ulit ang meeting ko. Pero di na muna siguro ko punta ng Hyacinth.

“Okay. You want to go somewhere to take a break? Kayo ni Angel?”

“Kayo po? Hindi ba kayo pupunta sa Hyacinth?” – Ash.

“Hindi na muna. Mamaya na lang after nung last meeting natin.”

“Okay po. Dito na lang din muna kami, Sir. May ginagawa din si Angel eh. Sige po, punta na ko sa table ko. Sabihan niyo lang po ako agad kung may kailangan kayo.” – Ash.

“Okay. Thank you.” Pagkatapos ay lumabas na si Ash sa office ko.

Susunduin ko na lang sila mamaya para maihatid ko na din si Gab mamayang pauwi..

 

Gabbie’s POV

 

“Gabbie, tara lunch na tayo.” – aya sakin ni Trina. Lunch time na kasi, Hmmm. Bakit pakiramdam ko may kulang ngayong araw?

“Sige tara. San tayo?”

“Jan lang sa canteen sa baba. San pa ba?” – Trina. Aba, badmood yata ang isang to ah.

“Problema mo Sis?!

“Wala.” – Trina.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon