Louis’ POV
Ano kayang magawa ngayong pang’aasar kay Nyx? Haha! Nag’eenjoy ako sa pang’aasar sakanya, pagpasensiyahan niyo na. Alam ko naninibago din kayo sakin, eh kasi naman napagkatuwaan ko talaga yang si Nyx. Actually wala naman akong planong asarin siya ng todo, kaya lang may mga nakatulong ako eh kaya ayan nasarapan kami. Haha.
“Oy tol! Ano na plano mo ngayon?” – tanong sakin ni Rendelle, nandito kami sa Starbucks. Kasama namin girlfriend nitong si Rendelle.
“Di ko pa nga alam eh. Teka tanong ko si Trina.” Kinuha ko ang phone ko para itext si Trina.
To: Trina Madrigal
Hi Trina! May plano ka ba? Wala na kaming idea ni Rendelle eh.
SENT.
“Hon, kuya. Alam niyo, kapag pinatagal niyo pa yang kalokohan niyo baka mapalayo sainyo ang loob ni Gabbie. Magagalit yun sainyo, basta ako walang alam jan ah.” – sabi ni Lalaine kay Rendelle. Kakakilala ko pa lang sa girlfriend niya ngayon, pero nakukwento na pala kami ni Gab nitong si Rendelle sakanya kaya kilala na kami.
“Hayaan mo na Babe, si Louis na bahala jan. Haha!” – sagot naman ni Rendelle.
“Oo nga naman Lalaine, papaliwanagan na lang namin si Gab.”
“Hay! Ewan ko sainyo, bahala kayo. Umorder na kaya tayo di ba? Psh.” – sabi ni Lalaine, oo nga naman kani’kanina pa kami nakaupo dito. Haha!
“Sige ako na oorder, mukhang di kayo mapaghiwalay na dalawa eh.”
Tumayo na ko umorder, iniwan ko muna yung dalawa. Ako na ang nagkusa at nakakahiya sakanila. Nakaka’Op nga eh, para kong chaperone sakanila. Psh -,- Bakit nga ba kasi single pa ko ngayon? Tsss’ masyado ko na nga yatang in’stuck sarili ko kay Lorraine at sa trabaho. Pero hindi ko pa kasi nakikita yung The One eh, ayoko namang magmadali. Naputol ang pag’iisip ko ng may narinig kaming mahinang pagsigaw, may nag’aaway? Paglingon ko..
*booggsshhh!*
“G*go ka pare, niloloko mo lang si Gab? Loko’loko ka pala eh.” – si Nyx? Anong ginagawa niya dito? Lumapit na ko sakanila bago pa makapagsalita si Lalaine, dahil masama na ang pagkakatingin niya sa dalawa.
“Nyx? Hey tol! Anong problema?”
“Tol, di mo alam na nandito din yang g*gong yan? At may kasama pang babae? Ang lakas ng loob oh. Pare, hindi ka na nahiya nandito yung kuya nung nililigawan mo oh tapos may kasama ka lang ibang babae? FVCK!” – galit na sabi ni Nyx. Pigil na pigil ko yung tawa ko sa nangyayari lalo na sa reaction nitong si Nyx eh.
“Pare tama na yan. Nakakahiya oh.” – awat ng kasama ni Nyx.
“Tol relax ka lang. Magkaka’kilala kami – “ – hindi ko na natapos sasabihin ko ng magsalita ulit si Nyx.
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?