Chapter 60: "Davao"

7.3K 130 1
                                    

Nyx’ POV

“Nyx, anak! Mabuti naman at nauwi ka dito.” – salubong sakin ni mama pagdating ko sa bahay. Nasa sala sila ni Papa.

“Kamusta ang Maynila, Nyx?” – si Papa. Bumeso ako sakanila, at umupo.

“Ayos lang naman po, kamusta kayo dito? Nasan si Aly?”

“Nandoon sa kwarto, natutulog siguro. Magpahinga ka na muna anak, siguradong pagod ka. Ipagluluto kita ng masarap na hapunan mamaya.” – sagot ni Mama. Medjo napagod nga ako sa byahe ah.

“Sige po, pahinga muna po ako sa kwarto. Kwentuhan na lang tayo mamaya.” – sabi ko kila Mama. Bago ko pumunta sa kwarto ko, dadaanan ko muna si Aly. Magkatabi kasi yung kwarto namin. Yung bahay namin. Isang palapag lang pero medjo maluwang. Ako nagpagawa nito, ayaw kasi nila mama ng may itaas pa. Kaya isang floor lang pinagawa ko ng makaipon na ko. May tatlong kwarto, yung kwarto nila mama at tig’isa kami ni Aly. May maliit din na garden sa gilid, gusto kasi ni mama sa mga halaman. Pinalagyan ko din ng dalawang bench dun para may tambayan.

Hindi naman kami mayaman, pero may kaya naman sa buhay kasi maganda naman sinasahod ko mula ng magtrabaho ako. Tapos si Aly, nag part time job din. Gusto niya daw kasi siya na magpapaaral sa sarili niya, pinayagan naman namin kasi matino naman pinapasukan niya. Waitress siya sa isang restaurant dito sa Davao malapit sa school niya. Kaya maluwag lang kami pero malaki laki na din ang ipon ko ngayon. Kasi naghahanda na talaga ko para sa magiging pamilya ko kung sakali. Pero mukhang may paggagamitan na talaga ko ngayon. Dahil magkakapamilya na ko, soon…

Knock! Knock!


“Pasok!” – sigaw ni Aly, ano kayang pinagkakaabalahan. Hindi naman pala natutulog, pero nagkukulong dito sa kwarto niya. Ng buksan ko yung pinto, nakadapa sa kama at nakaharap sa laptop niya.

“Ano namang pinagkakaabalahan mo Alysson?”

“Kuya! Oh, nasan na si Ate Trina? Namiss kita ah!” – ng makita niya ko bumaba agad siya sa kama, at ang unang hinanap ay si Cara? Tsss! -.- Ganun kasi talaga kaclose si Cara, sa pamilya ko eh. Kaya kahit alam nilang hiwalay na kami lagi pa rin nilang bukambibig.

“Alam mo namang matagal ng wala yung samin di ba?”

“Oo nga kuya, pero namimiss ko na din kasi siya. Di ko na din kasi siya makontak minsan. Di mo manlang siya sinasama dito.” – sabi ni Aly, nakaupo na kami sa kama niya ngayon.

“Busy kasi siya, atsaka may boyfriend na siya Aly at may ibang babae na kong nililigawan. Kaya sana naman wag niyo ng ipilit ni mama sakin na magkabalikan kami. Kasi hindi na pwede, matagal ng tapos yung samin at pareho na kaming nakamove on. Mag move on na din kayo.”

“Ok fine Kuya! Ang drama mo, hindi ko naman kaya pinipilit na balikan mo siya. Masama bang mamiss si Ate Trina? May pinagsamahan din kaya kami. Dami mong nasabi. Yan ba nagagawa ng pagmamaynila mo? Tsk!” – sabi ni Aly pagakatapos ay tinalikuran ako at humarap nanaman sa laptop niya. Hmmm’ ano kayang pinagkakaabalahan nito. Silipin ko nga..

“Aha! Ano yan ha? Bakit profile yan ng lalaki? May boyfriend ka na ba Alysson?”

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon