Chapter 52: "Hidden Kilig"

7.1K 110 2
                                    

Gabbie’s POV

 

Dalawang araw ng hindi nagpapakita si Nyx ah. Hmmm’ sabi niya liligawan niya daw ako. Sabi mo kaya bigyan ka ng space and time. Oo nga. Psh’ anong oras na ba? Tiningnan ko ang relo sa bedside table ko. Hmmm’ seven am pa lang naman pala. Pero makabangon na, nawala na antok ko eh.

Gumayak na muna ako bago ko bumaba kahit maaga pa. Pagbaba ko, parang walang tao. Pero may narinig akong mahinang tawanan sa may kusina. Ah, nagluluto pa lang si mama pero sino namang kasama niya dun.

“Goodmorning anak. Aga pa ah.” – bati sakin ni mama ng makita kong nakababa ng hagdan.

“Goodmorning ma. Nyx?!” – nagulat ako ng biglang lumabas si Nyx mula sa kusina, nakasuot pa siya ng apron at may dalang fried rice at nakangiti pa sakin. Gaaad! Ang cute niya ngayon.

“Goodmorning Gab. Goodmorning baby, ako si Tito Nyx mo. Kain na. Ako nagluto ng breakfast. ^___^” – sabi ni Nyx habang nakangiti at hinawakan pa ang tummy ko. Hmmm (^///^)

“Teka, a-anong ginagawa mo dito ng ganitong kaaga?”

“In case you still didn’t notice, pinagsisilbihan kita. Eto na ang simula ng panliligaw ko sayo Gab, kahit ayaw mo wala ka ng magagawa dahil ito ang gusto kong gawin. Upo na, para makakain ka na. Gumagayak lang si Louis at Dustin.” – sabi ni Nyx at ipinaghila pa ko ng upuan.

“Salamat.” Umupo na din ako.

“Goodmorning. Aga mo Nyx ah. Ayos, dumadamoves talaga.” – sabi ni Kuya ng makalapit siya sa amin.

“Kain na tol. Upo na Dustin. Wala pala si Rendelle, maagang umalis. Tinawagan daw siya ng girlfriend niya. Tita, kain na po.” – aya ni Nyx. Bakit ganito siya ngayon? Hays! (^///^) Ng makaupo kaming lahat, siya nakatayo lang sa gilid namin. Para tuloy siyang katulong -_-

“Huy Nyx, umupo ka na din kaya. Sumabay ka na, wag ka ng mag’inarte jan.”

“Talaga? Ayos lang Gab? Sige ^___^” – sabi ni Nyx at umupo siya sa tabi ko, narinig kong nagtatawanan sila mama at nung tingnan ko sila kunwaring painosente pa. Tsss!

“Teka Gab, kakain ka pa ba talaga?” – biglang tanong ni Nyx.

“Oo naman, bakit hindi?”

“Eh kasi, binubusog na kita sa pagmamahal ko eh baka kako masobrahan ka naman kung kakain ka pa. *wink*” – sabi ni Nyx at kinindatan pa ko. Kyaaa! (^///^) Pakiramdam ko biglang nag’init ang mukha ko, lalo na ng marinig kong parang kinikilig pa sila mama. Kyaaa! Hindi ako kinikilig.

“T-tigilan mo nga yan Nyx. Kumain na tayo. Psh -_-

“Ayos makabanat tol ah. Haha!” – si Kuya Louis, naku naman!

“Havey kuya Nyx ^__^ Tinatago ni ate kilig niya oh. Haha!” tiningnan ko si Dustin ng masama at ayun nanahimik naman pati si kuya. Binilisan ko na ang pagkain ko para makaalis na. Gaaad!

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon