Chapter 15: "Vacation (part 2)"

10.6K 181 2
                                    

Gabbie’s POV

 

Ang aga naming nagising, andito na kami sa tabing dagat. Maganda daw kasing maglakad lakad sa tabing dagat kapag ganitong kaaga pa lang, 6:00am pa lang kasi ng umaga. Maya-maya punta daw kami sa carnival sa kabilang kanto,meron daw kasing mga tiangge dun kahit maaga pa tapos sa gabi nagbubukas yung mga rides. Fiesta daw kasi next next week, pero isang buwang may carnival.

After naming maglalakad lakad, papunta na kami ngayon sa carnival. Naglalakad lang din kami para exercise. Ng makarating kami, di pa naman ganun karami tao. Infairness, tiangge pa lang ang nakabukas pero may nagpupunta na din agad kahit mejo maaga pa pano pa kaya mamayang gabi kapag nagbukas na din ang mga rides panigurado mas madaming tao mamaya.

“Sis, punta muna ko dun sa kabilang tiangge my titingnan lang ako. Balikan ko na lang kayo dito ah.” Paalam ko kay Trina. Maglilibot libot muna ko, iniwan ko muna sila dun sa bench na pinwestuhan namin kaninang pag dating namin dito.

Swerte ko naman, maabutan ko pa yun fiesta next next week. Saturday daw kasi yun, eh Sunday ang uwi ko. Makikihalubilo ako sa mga tao dahil may okasyon, para naman masulit ko ang bakasyon ko. ^__^

Ang daming tinda, ang sarap mamili. Bago ko umuwi mamimili ako ng pasalubong dito. ^___^ Makabalik na nga muna kila Trina, nagugutom na ko para makauwi na kami.

Bzzt.. Bzzt..

Nagvibrate phone ko. Baka hinahanap na nila ko.

Fr. Kuya LouisJ

            Gab, kamusta ka jan? I’enjoy mo bakasyon mo, wag mo munang alalahanin ang Manila. Ingat ka jan Sis.

 

Katamad talaga netong si kuya, kinamusta ko pero nagbilin na rin para bang sinasabing wag na kong magreply. Katamad talaga. Replyan ko na nga rin.

To: Kuya LouisJ

            Ayos lang ako kuya. Don’t worry about me. Mukhang mag’eenjoy talaga ko dito. Ingat din kayo jan, sila Mama, si Dustin.

 

*BOOOGSSH*

Aray! Sh*t. Natapunan ako ng juice, ano ba naman tong nakabunggo sakin di manlang tumitingin sa dinadaanan. Well.. Kasalanan ko din pala, partly. Nagtetext kasi ako.

“Oh God! Miss, are you okay? I’m so sorry, di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko natapunan pa kita ng juice. I’m really sorry Miss.” Sabi nung babaeng nakabunggo sakin, mukha naman siyang mabait.

“Its okay Miss, di din naman ako tumitingin sa dinadaanan ko nagtetext kasi ako eh. Pero ayos lang naman.” Sabi ko sakanya at ngumiti.

“Sorry talaga. By the way, I’m Alaura Shainah Vasquez pero Ash lang tawag sakin. This is my fiancé Jon Henry Cabrera, at eto naman friend ko si Angel Klein Cortez.” Pakilala niya at sa mga kasama niya.

“Ayos lang. I’m Gabrielle Jamie Benitez, pero Gabbie lang tawag sakin. Sorry din, sige una na ko ah. Baka hinahanap na ko ng mga kasama ko.”

“Sige, nice to meet you Gabbie. See you when we see you.” Sabi pa nila bago ko umalis.

Ang lagkit ko tuloy. Ayain ko na muna silang umuwi. Gutom na rin ako eh.

“Uyy sis, anong nangyari sayo?” tanong sakin ni Trina ng makalapit ako sakanila.

“Eh may nakabangga ako, natapon sakin juice. Pareho kaming di tumitingin sa dinadaanan namin eh.” Sabi ko sakanila.

“Tara uwi na tayo ng makapagpalit ka na. Mag’empake na din kami, maaga flight namin bukas.” Sabi ni Trina. Naglalakad na kami pauwi, tanghali na pala tirik na araw.

Ng makauwi kami, wala na parents ni Trina pumasok na siguro sa trabaho. Nakaluto na sila ng pagkain, kaya nakakain na kami agad. Kagutom din pala maggala, tapos naglalakad lang kami.

Nagpahinga lang kami dito sa bahay maghapon. Di na muna kami lumabas, mag’eempake na din daw sila sa gabi para bukas eh.

Nakahiga na kami ni Trina, di pa lang kami makatulog kaya pareho kaming nakatitig sa kisame habang nagkkwentuhan.

“Basta, ingat ka dito Sis ah. Enjoy ka lang din, I’enjoy mo ang lugar, wag mo muna isipin mga nangyari sa Manila.” si Trina.

“Oo naman Sis, kaya nga ako nagbakasyon eh para makapag’relax. Matulog ka na maaga pa flight niyo bukas. Baka di ko na kayo maihatid sa airport ah.”

“Oo wag na, di ka na namin gigisingin bukas pag alis namin. Text na lang tayo, pag nagkaproblema tawag ka lang agad. Andito naman din sila Mamang, though gabi mo lang sila makakasama.” Trina.

“ Sige tulog na ko Sis, matulog ka na din. Goodnight.” Dugtong ni Trina.

“Goodnight din Sis, ingat kayo bukas.” Sabi ko bago kami pumikit. Dinalaw na din ako ng antok, kaya di ko na namalayan nakatulog na din ako agad..

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon