Chapter 23: "Blessing"

10.7K 186 2
                                    

Gabbie’s POV

 

“Good morning Ma, nasan mga boys natin?” bati ko kay Mama ng makababa ako. Siya lang kasi mag’isa kumakain sa dining eh.

“Yung papa mo, umalis at may lalakarin lang daw. Si dustin pumasok na, kuya mo di pa bumababa. Gabi ng umuwi yun kagabi, baka tulog pa. Halika na sabayan mo na kong kumain. Hindi na ko nagluto ng sinangag at bacon, hindi mo naman makakain.” – Mama.

“Sige po Ma.”

“Kamusta pakiramdam mo anak? Ano bang pinaglilihan mo ngayon?” – Mama.

“”Ayos lang naman po ako. Ayun po kapag umaga nararanasan ko yung morning sickness, minsan po kahit hindi umaga kapag may naamoy akong kakaiba umaasim agad ang sikmura ko. Hindi ko pa alam kung ano talaga pinaglilihan ko Ma, basta gustong gusto ko yung Carbonara na may ketchup o hot sauce. Ganito pala kahirap magbuntis Ma, 9months mong dadalhin sa sinapupunan mo tapos kung ano ano pang symptoms ang maeencounter mo.”

“Ganyan talaga anak. Masarap naman din sa pakiramdam kapag buntis, kahit nahirapan ka ng 9months na nasa tiyan mo siya kapag labas niya ang sarap sa pakiramdam.” – Mama.

“Ganun po ba naramdaman niyo ng ipinagbuntis niyo kami Ma?”

“Oo, nahirapan nga akong maglihi nun sayo eh. Kung ano ano kasi hinahanap ko nung ipinagbubuntis kita, kung ano anong hinihiling ko sa papa mo. Buti na lang mahaba ang pasensiya niya sakin, swerte lang talaga ko sa papa niyo. Tapos ng lumabas ka, katulad ng naramdaman naming saya ng ipinanganak ko ang kuya mo ganun din ang naramdaman namin. Para kaming tumama sa lotto.” – Mama.

“*sigh* Pano kung maging ganyan akong maglihi Ma? Wala manlang pa lang bibili ng mga pagkaing gusto ko. Hay! Naiisip ko lang po, ang hirap pala maging single mother ngayon pa lang na nasa tummy ko pa lang siya. Eh pano pa kaya kapag lumabas na. Di ko alam kung kakayanin ko Ma, di ko alam kung kaya kong maging mabuting ina at ama sakanya.”

“Nandito naman kami anak, hindi ka namin pababayaang mahirapan. Katuwang mo kami. At magtiwala ka sa kakayahan mo. Ganyan din naman ako noon, nung ipinagbuntis ko ang kuya mo ang dami ko ding doubts sa sarili ko. Ang bata ko pa man din nung ipinagbuntis ko siya. Pero nung lumabas siya, kusa na lang nagmature ang isip at kilos namin ng papa mo. Wala kaming ibang inisip kundi ang kapakanan niya. Tapos nasundan pa at kayo yun ni Dustin. Siguro naman naging mabuting magulang naman kami sainyong magkakapatid.” – Mama.

“Oo naman po Ma, kayo po ang best parents para sa amin.”

“Nambola ka pa. Kumain ka na nga lang ng kumain jan. Basta wag mong iisiping mahihirapan ka o nag’iisa ka, lagi mong tandaang andito kaming pamilya mo. Anjan din ang mga kaibigan mo.” – Mama.

“Oo nga po eh. Ang swerte ko na rin sa kanila. Yung mga nakilala ko sa Davao, taga dito din pala sila sa Manila. Kapag nagkita’kita na ulit kami dadalhin ko sila dito para makilala niyo.”

“Oh sige ba. Ah, Gabbie kelan mo nga pala sasabihin sa kuya mo ang tungkol jan sa pinagbubuntis mo?” – Mama. Napatigil ako sa pagkain sa sinabi niya, oo nga pala hindi pa alam ni kuya. Pero ngayon ba yung tamang oras para sabihin sakanya? Hay!

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon