Chapter 8: "Misunderstanding"

11.9K 191 2
                                    

Gabbie's POV

Nagkasabay sabay lang kami ng kapatid ko na bumaba para kumain. Nakagayak na din kaming tatlo papasok.

Beeeeeep!

Nagulat kami ng biglang may bumusina sa harap ng bahay. Sino naman kaya yun, kaaga aga. Hmm’ Baka may inaasahang bisita sila Mama.

“Dustin silipin mo nga kung sino yun.” Utos ko sa kapatid ko.

"Ma may inaasahan po ba kayong darating ngayon?" tanong ko kay Mama.

"Wala naman. Oh boyfriend mo pala bisita natin eh." si Mama.

Hindi ko inaasahan yung kasama niya pagbalik dito sa dining. Kasama niya kasi boyfriend ko na may dalang flowers at chocolate. ^.^

“Ate, ikaw ang hanap kaya pinapasok ko na. Di ka sigurado sasabay pumasok samin, una na kami.” Sabi ni dustin sakin at inaya na si kuya paalis.

“Hi Tita, Tito. Goodmorning po.” Bati ni Emman kila Mama.

“Goodmorning din. Kumain ka na ba?” si Mama.

“Opo tapos na po. susunduin ko lang po si Gabbie, ako na po maghahatid sakanya pag pasok.” – Emman

Nagpaalam na kami kila mama at umalis na. Ihahatid niya daw ako sa work ko ngayon. Tahimik lang ang naging byahe namin, tahimik lang siya parang may iniisip.

Nandito na kami sa tapat ng company. Mukhang bumabawi siya ^_^, kasi naman pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse at hinatid pa ko hanggang dito sa lobby ng company.

“Babe, sorry nga pala hindi kita nabati kahapon. Busy lang talaga ko.” si Emman at hinalikan ako ^.^

“Ayos lang babe, sige na alis ka nab aka malate ka pa sa trabaho. Salamat sa pag hatid. Ingat ka.” Hinalikan ko din siya pero sa cheeks lang.

Paalis na sana siya ng makita namin sila Trina at Cyril na kadadating pa lang. Nakita kong parang biglang namutla si Emman, parang bigla siyang kinabahan na ewan.

“Langya kang lalaki ka! Ang kapal naman pala ng mukha mong magpakita pa dito pagkatapos ng nangyari kahapon.” Sugod ni Trina kay Emman. Teka, nangyari kahapon?

“A-ano babe, una na ko papasok pa ko eh. B-baka malate na ko. Bye babe *tsup*” biglang paalam sakin ni Emman na parang kinakabahan.

“Sige babe, Bye” sagot ko na lang. Saka ko binalingan si Trina.

“Trina, bakit bigla mo siyang sinugod. Ano yung sinasabi mong nangyari kahapon?” naguguluhan kong tanong sakanya. Mukhang galit talaga siya.

“FVCK! Gabbie, niloloko ka lang ng gag*ng yun. Ano hindi ka niya binati kahapon di ba ? Nakita namin siya sa Trinoma, may kasama siyang babaeng hipon. Dun din sila kakain sa restaurant na kinakainan namin. Kinompronta ko pa nga sila nung babae eh. Halos wala lang siyang nasabi sakin.” Gigil na sabi ni trina sakin. Teka, si Emman niloko ako? Parang namanhid bigla yung katawan ko pero ayoko munang maniwala. Mahirap magconclude baka mamaya nagkakamali lang sila.

“Teka, Trina baka naman nagkakamali ka lang. Sinundo pa nga niya ko kanina at nag’apologize siya. Busy lang daw talaga sila kahapon. Baka naman nagkakamali lang kayo ng nakita. Hindi magagawa ni Emman sakin yun.” Sabi ko sakanila.

Kinuha ni Trina yung phone ni Cyril at may kinalikot siya dun pagkatapos hinarap niya sakin. Picture ni Emman na may kaholding hands na ibang babae, namamanhid na talaga buong katawan ko at parang gusto ko ng umiyak sa harap nila. Pero ayoko munang maniwala, gusto ko munang marinig ang side niya. Baka mamaya pinsan o tropa niya lang yung babae.

“H-hindi. B-baka naman pinsan niya lang yan o kaya tropa lang.” sabi ko sakanila, pinipilit ko pa ring huwag umiyak at hindi maniwala.

“What? Hindi ka naniniwala samin? So satingin mo gumagawa kami ng kwento at niloloko ka lang namin? Gaaaad ! Gabbie, wake up and open your eyes. Ginag*go ka na ng lalaking yon. Wag ka naman masyadong magpakatanga.” Gigil pa rin na sabi sakin ni trina.

“Magpakatanga? Porket ba lagi kayong magkasama ni Cyril sigurado ka na sakanya? Satingin mo ba hindi ka magpapakatanga sakanya kung sakaling minahal mo siya ng sobra? Mahal ko siya trina, at hindi ko sinasabing gumagawa kayo ng kwento. Ang sakin lang hindi ko pa naririnig yung side niya. Ayoko muna maniwala sainyo pero kakausapin ko siya. At saka umpisa pa lang alam kong hindi niyo masyadong gusto si Emman para sakin di ba.” Sagot ko sakanya, pero nangingilid na luha ko.

Hindi ko gustong ganito kami ni trina, dahil bestfriend na din turingan namin at alam kong concern lang siya sakin. Pero hindi rin kasi siya boto kay Emman umpisa pa lang.

“Bakit biglang binaling mo samin ang usapan? Hays, Bahala ka na nga Gabbie. basta ako concern lang sayo, ako pa napasama. At oo hindi namin siya gusto para sayo pero ng makita ka naming masaya hinayaan ka lang namin. Tapos ngayon makikita naming niloko ka lang niya. Hays! Bahala ka na nga kung ayaw mong maniwala. Tara na Cy.” Sabi niya sakin sabay walk out. Tiningnan ako ni Cy, na mukhang nagtatanong kung ok lang ako. Nginitian ko na lang siya ng pilit.

Sh*t! Hindi ko na napigilang tumulo luha ko. Nanginginig na umupo muna ko sa upuan ng lobby ng company. Namamanhid yun katawan ko. Parang gusto ko na ring maniwala dahil hindi naman makakapag sinungaling ang picture. At isa pa, ng mga nakaraang araw hindi niya na ko nasusundo, kinalimutan niya pa yung monthsary namin kahapon. Pero ayokong magconclude, kailangan makausap ko muna siya. Teka yung phone ko, makikipagkita ako sakanya.

Bzzzt.. Bzzzt..

 

Fr. Babe Ko <3

            Gabbie, pwede ba tayong magkita? Sa park malapit sa company niyo. Hintayin kita, papunta na ko. Importante lang.

 

Sakto namang nagtext siya. Pero bakit Gabbie tawag niya sakin. Bigla akong kinabahan parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.

I’m sure namiss lang ako netong babe ko, kaya hindi ako dapat kabahan. O kaya baka magpapaalam lang siya, baka may outing sila ng mga kasamahan niya sa trabaho. Oo yun nga, ganun lang yun kaya gusto niya makipagkita. Hindi ako dapat kabahan, wala kaming problema. Walang mangyayaring hindi maganda. Pinahid ko ang luha ko at nireplyan siya.

To: Babe Ko <3

            Sige babe. Papunta na ko, may gusto din akong itanong eh.

 

Inayos ko na sarili ko at umalis na ko papuntang park. Nagtaxi lang ako mejo malapit lang naman eh.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon