Chapter 11: "What Friends Are For"

12.8K 188 5
                                    

Gabbie’s POV

 

Knock! Knock!

Naalimpungatan ako dahil sa katok ng pinto sa kwarto ko. O_O Gabi na pala, 7:00 pm na. Ang tagal ko namang nakatulog. Bumangon na ko at agad na naghilamos, di naman na ganun kamaga mata ko di naman na siguro ko mahahalata. Pagkatapos ko binuksan ko ang pinto ng kwarto ko..

“Gabbie, bakit ang tagal mo? Kanina ka pa kaya namin kinakatok.” Si Trina, Cyril at Alex ang napagbuksan ko.

“Natutulog kasi ako, kagigising ko lang. Teka ano bang ginagawa niyo dito?”

“Myloves, bakit di ka pumasok? May sakit ka ba?” tanong sakin ni Alex.

“Wala akong sakit, pumasok ako kaninang umaga kaya lang umuwi din ako sumama lang bigla pakiramdam ko.” Sagot ko sakanya at inaya ko silang maupo sa kama, isa lang naman kasi sofa dito sa kwarto ko.

“Dude, tara bili muna tayo ng makakain mukhang kailangan nilang mag’girls talk muna eh.” Aya ni Cyril kay Alex. Umalis na sila para daw bumili ng pagkain. Ayos to bonding na din namin.

“Gabbie, Sis I’m sorry..” si Trina habang hawak ang kamay ko.

“Its ok Trina. I should’ve listen to you. After nung sinabi mo sakin, nagkita kami. Inamin niya yung totoo, 1wk.na niya ko niloloko sis.  Nakipagbreak na din siya sakin dahil hindi na daw siya masaya, kasi hindi ko maibigay sakanya yung hinhiling niya.” Di ko na napigilan at naiyak na ko sakanya, yinakap niya ko habang hinihimas likod ko.

“Sshhh.. Sige iiyak mo lang yan. Don’t you think it’s better na nagkaharap kayo, atleast nalaman mo sa sarili mo. Napatunayan mo sa sarili mong wala talagang kwenta yung lalaking yun.” Sabi ni Trina habang nakayakap sakin.

T___T

“P-pero ang sakit eh *sob*. I don’t think I can manage. S-sobrang sakit kasi kung kelang handa na ko. Alam mo nakikita ko na sakanya ang future eh, t-tapos biglang ganito.” Sabi ko habang umiiyak. Basang basa na tuloy balikat niya.

“You can Gabbie, andito pa ko ang kuya mo ang family mo. Sabihin mo lang sakanila yang nararamdaman mo. Natural lang na masaktan ka, nagmamahal ka eh. Pero makakaget’over ka rin, just trust and believe. Time can heal everything.” Pag comfort sakin ni Trina, I’m just lucky I have her. Humarap na ko sakanya habang pinupunasan ko luha ko.

“*sob* I don’t know sis, di ko alam kung kaya ko maging ok. After this, I don’t know what to do next.”

“Sa lahat naman kasi ng mamahalin yung kolokoy pa na yun, ewan ko ba sayo may pagkatanga ka rin kasi eh. Tsk Tsk!” Si Trina, napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya na yun.

“Ganun ata talaga sis eh. Hehe!” Nagulat kami ng biglang pumasok si Cyril at Alex. Ang dami nilang dala, mukhang food trip to ah. Ayan natigil na din yung luha ko. Salamat sa kanila dahil kahit papano gagaan naman pakiramdam ko.

“Wala ba kayong balak umuwi at mukhang binili niyo buong tindahan?” Tanong ko sa dalawa.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon