Chapter 42: "Jealousy?!"

8.1K 140 3
                                    

Nyx’ POV

 

Argh! Kainis! Sino ba kasi yung lalaking yun? Bakit ganun sila ka’sweet ni Gab. Boyfriend niya bang bago yun? Bakit wala naman akong nabalitaang manliligaw niya? Yun kaya yung tunay na tatay ng baby niya? Argh! Mababaliw na ko sa kakaisip kung sino yung lalaking kasama niya..

“Pare, kawawa naman yung lata oh. Tamana yan.” – Si Renz. Naputol ako sa pag iisip ng magsalita si Renz. Tiningnan ko yung hawak kong beer in can. Hala! Anong nangyari dito bakit napiyot? Buti na lang wala ng laman.

“Damn! Ano nangyari dito bakit nagkaganito?”

“Obviously, nagseselos ka dahil nakita mo si Gabrielle na may kasamang ibang lalaki. At yang lata ng beer na walang kamuwang muwang ang napag’initan mo. Tsk tsk! Pare, you’re totally madly deeply inlove with that woman. I’m sure of that.” – Renz.

“Hindi ako nagseselos no. Akala ko kasi may hawak akong bola.” – ako magseselos? Over that guy? Eh hamak namang gwapo ko dun. Tsss!

Nandito nga pala kami sa The Fort nitong si Renz. Nagpasama kasi tong bumili ng mga gamit sa Market Market, pero dumaan muna kami dito sa starbucks. Nasa kompanya ko ng Hyacinth kanina, at tumawag si Gab para magpaalam na di siya makakapasok. Tapos makikita ko lang siya dito na may kasamang ibang lalaki? Umabsent siya para makipagdate? Sino ba kasi yung lalaking yun ? Hays!

“Tsk tsk! Deny pa pre, kaya pala kanina pa natin sila sinusundan no. Kaya pala nung nakita mong ang sweet nung guy kay Gabrielle eh halos madurog na lahat ng mahawakan mo. Hay nako pare! Wag mo nga akong ginagag*.” – si Renz.

“Pero biruin mo yun pare, may taste ka pala talaga sa pagpili. Maganda siya. Yung pagkasimple niya nagpaganda sakanya, kahit buntis siya.” – dugtong niya. Loko-loko pala to eh.

“Gag*, ikaw lang naman walang taste sa babae. Basta basta ka na lang pumapatol.”

“Tsk tsk! Wag ako problemahin mo. Yang pagseselos mo problemahin mo. So, hahayaan mo lang?” – Renz, anong hahayaan ko lang?

“Alin ang hahayaan ko?

“Si Gabrielle, hahayaan mo lang siya dun sa lalaking yun? Bakit hindi mo kilalanin kung sino yung lalaking yun. Baka mamaya manliligaw niya na pala yun. And worst, yun pala yung tatay ng baby niya. Naku pare, kung sakali wala ka ng laban.” – si Renz. Paano nga kaya kung yung lalaking yun ang tatay ng bata? Argh! H      indi pwede!

“Hindi. Hindi pwedeng yun yung tatay ng baby niya. Sabi sakin ni Cara,hindi nakilala ni Gab yung nakabuntis sakanya kahit itsura o pangalan manlang.”

Nakakainis! Sino ba kasi yung lalaking yun? Magkaano’ano sila ni Gab? Bakit ganun sila kasweet? Anong meron sakanilang dalawa? Oo, sinusundan namin sila. Gusto ko lang namang masigurong safe siya sa lalaking kasama niya.

“Oh ano? Aaminin mo na bang nagseselos ka pare?” – si Renz. Ako nagseselos?! No way! I’m just curious kung sino yung lalaking yun.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon