Gabbie’s POV
Ang bilis ng araw, dalawang linggo na ko dito. Bukas uuwi na ko ng Manila, back to normal na ulit. Saturday ngayon, inaya ako nila Ash sa party mamayang gabi fiesta daw kasi kaya may beach party mamaya. Nakakasama ko sila kapag naglilibot ako, nagkita kasi ulit kami nung naglibot ako pag alis nila Trina. Ayun naging kaibigan ko na rin silang tatlo, feeling ko nga matagal ko na din silang kilala eh.
Bzzzt.. Bzzzt..
Fr. Ash(Davao) J
Uyy friend, gayak ka na ng 5pm ah. Di ka na namin masusundo. See yaa laterJ.
To: Ash(Davao) J
Sige, 2pm pa lang naman eh. See yaaJ
2:00pm pa lang naman, maaga pa. Makapaglaro na lang muna sa phone ko ng temple run. Na’enjoy ko naman din bakasyon ko dito, sa two weeks kahit papano nakalimutan ko naman yung nangyari pero di na ata siya mawawala sa sistema ko. Pero atleast malinaw naman na isip ko ngayon, hindi na ko papayag na masaktan ulit.
Hala! Masyado ko nalibang paglalaro, 5:00pm na pala. Makagayak na. Simpleng dress lang na hanggang tuhod ang isusuot ko, trip ko mag’make up ngayon kaya naglagay ako, naglagay din ako ng red lipstick at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Di naman masyadong makapal yung make-up, bagay naman. Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko sa malaking salamin, I’m ready to go.
“Hi friend, ganda mo naman ^.^ Buti yan at madaming pogi dito malay mo makabingwit ka.” Salubong sakin ni Angel ng makarating ako sa venue.
“Thanks, ganda mo rin naman. Baka ikaw pa nga makabingwit satin jan eh ^.^” sabi ko naman sakanya.
“Tara na kaya sa loob no baka magkabolahan pa kayo jan eh pare-pareho naman tayong magaganda.” Sabi ni Ash at inaya na kami sa loob, mejo naiingit ako kila Ash at sa boyfriend niya ganyan din kasi kami dati ni Emman lagi niyang hinahawakan kamay ko. Hay!
Pagpasok namin sa loob madami ng tao karamihan couples, merong nag’iinuman sa tabing dagat meron ding nasa cottage lang pero hindi naman magulo. Pagdating namin dito sa cottage namin, binigyan na kami agad ng drinks. Sanay naman akong uminom ng alak, kaya walang problema.
“Ayos ka lang ba friend? Last day muna pala ngayon no, I’enjoy mo tong gabi na to para naman maging masaya huling araw mo dito.” Ash. Ang layo ng nickname niya sa name niya no. Yun A daw kasi sa Alaura at yung SH sa Shainah galling, kaya Ash.
“Hon, tara sayaw muna tayo. Iwan muna natin sila Angel at Gabbie jan.” aya ni Jon sa fiancée niya. Nagpunta na sila sa dance floor di naman kalayuan samin, ang sweet nilang tingnan habang nagsasayaw nagtatawanan pa sila halatang mahal talaga nila isa’t isa. Naiisip ko nanaman tuloy si Emman..
“Hello? Earth to Gabbie? Ayos ka lang ba friend, natulala ka na jan. May namimiss ka no? Boyfriend mo?” si Angel. Nawala na ko sa sarili ko kaiisip sakanya.
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?