Louis’ POV
Nakagayak na ko pati tong si Rendelle. Pupuntahan niya daw kasi girlfriend niya mamaya. Ihahatid namin si Gab, alam kong nandun si Nyx ngayon. At alam ko ding maghihintay yun sa labas. Actually wala akong masyadong gagawing trip ngayon, dahil likas na dito kay Rendelle ang pagiging sweet kay Gab. Kaya for sure, gagana nanaman ang pagseselos nitong si Nyx.
“Oy Del, tawagin mo na nga yung pinsan mo dun at baka malate yun. Maaga daw meeting nila ngayon eh.”
“Sige. Oh ayan na pala eh. Bilisan mo kaya Pams.” – Rendelle. Sakto namang paglabas ni Gab sa kwarto niya.
Papunta na kami ngayon sa Hyacinth company. Nagkukwentuhan lang tong dalawa. Nag’iisip kasi ako ng pwede kong pang’trippings kay Nyx, kaya nananahimik ako habang nagdadrive.
“Nandito na tayo. Uy Del, alalayan mo yang pinsan mong buntis. Ihatid mo ulit sa loob, hintayin na lang kita dito sa sasakyan.” Natanaw ko na si Nyx sa tapat, mukhang naghihintay. ^__^
“Tara na Pams.” – dinig ko pang sabi ni Rendelle. Ayos! Magkaakbay ulit sila. Haha! This time, niyakap din ni Gab si Del. Nilagay niya kasi yung isang braso niya sa bewang ni Rendelle. Ayos! Haha. Kung di mo alam na magpinsan sila aakalain talagang may relasyon sila.
Nakita kong nilapitan ni Nyx sila Gab, binitawan naman agad ni Gab si Rendelle at lumayo ng bahagya? Hmmm’ Ano kayang pwede kong gawin ngayon? Hmmm.. Aha! Haha. Lumabas ako ng sasakyan at sumunod sakanila papasok. Nandito na sila sa lobby.
“Oh kuya. Bakit?” – tanong ni Gab ng makalapit ako sakanila. Nakakunot ang noo ni Nyx na tumingin sakin.
“Ah ano. Gab, bakit di mo sila papuntahin sa bahay mamaya. Pinapasabi nila mama, magluluto daw siya ng hapunan. Ano, papuntahin mo daw mga kaibigan mo.”
“Bakit anong meron? Pati sila Trina?” – tanong ni Gab. Argh! Anong idadahilan ko? Pambihira naman.
“Ah ano, ewan ko. Nagtext lang sakin si Dustin, pinapasabi daw yun ni mama. Sige na, alis na kami. Umakyat na kayo. Ren tara na. Nyx, si Gab ah.” – paalam ko sakanila, inaya ko na din si Rendelle. Tinanguan ako ni Nyx at bahagyang ngumiti.
“Uy tol, anong meron mamaya? Wala namang may birthday ah.” – tanong ni Rendelle ng makasakay na kaming sasakyan.
“Argh! Lagot ako neto. Kasi naman pinsan. Hays! Teka itetext ko lang sila mama.”
To: Mama
Ma sa bahay daw kakain mga kaibigan sila Alex mamaya kasama nung ibang mga kaibigan nila. Magluto daw po kayo ng hapunan. Kapag po tinanong kayo ni Gab, sabihin niyo na lang na kayo ni papa ang may gustong kumain sila jan satin ah.
SENT.
“Ano nga tol?” – Rendelle.
“This is so embarrassing. Argh! Del, may sasabihin ako pero wag na wag mong sasabihin kay Gab ah.”
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?