Gabbie’s POV
Ang weird talaga ng kilos nila kuya at Rendelle ngayon, lalo na kahapon. Hindi ko alam kung anong trip nila. Psh. Ang sweet sweet sakin ni Eps, tapos si kuya naman parang kakaiba din. Si Nyx naman parang may problema. Hays! What’s going on with them?!
“Hoy kuya! Anong meron?”
“Huh? Anong meron Gab?” – tanong ni Kuya Louis. Psh, nandito kasi kami sa sasakyan. Ihahatid nila ko papasok, eto namang si Eps sumabit nanaman.
“Anong meron sainyong dalawa ni Eps? Kahapon pa, pansin ko parang ang weird ng kilos niyo.” Napansin kong natigilan silang dalawa at nagtinginan.
“Wala naman Pams. Adik ka ba?” – Rendelle.
“Ako pa naging adik ngayon. Psh’ ewan ko sainyo ni kuya. Ang weird niyo.” Nagtinginan lang sila at nagtawanan. Hay naku! Lakas ng trip ng dalawang to. Hindi ko alam na ganito din pala sila kaclose.
Ano nga kayang problema ni Nyx kagabi. Hmmm’ pagkatapos kasi ng walk out moment niya habang kumakain kami di na niya kami kinausap. Sila Alex lang kinakausap niya, habang nag iinuman sila. Hanggang sa umuwi sila, nagpaalam lang samin tapos nagmamadali ng umalis. Hay naku! Isa pang weird yung taongyun. Kainis!
Baka yung babaeng gusto niya problema niya, baka nakita niyang may ibang kasamang lalaki yung babae. Sino nga kaya yung gusto ni Nyx? Hmmm’ Care mo? Er.. Curious lang ako. Tsss!
“Oy tara na Pams. Tulala ka jan, nandito na tayo. Hatid na kita sa loob.” – sabi ni Rendelle, nasa labas na pala siya at nakabukas na yung pinto sa backseat. As usual ihahatid nanaman ako hanggang sa lobby, akala siguro ng mga nakakakita samin asawa ko tong unggoy na to.
“Eps, dito mo na lang ako ihatid. Okay na ko dito, sige na umalis ka na.” nandito pa lang kasi kami sa entrance.
“Bakit Pams? Ayos lang namang ihatid kita hanggang sa loob. Saka mukhang di naman nagmamadali kuya mo.” – Rendelle.
Nagulat nako ng bigla akong yakapin ni Rendelle, mejo nakalayo siya sakin kasi baka maipit si baby. Hindi ako gumaganti ng yakap dahil in shocked pa rin ako, anong trip nitong lalaking to bigla na lang nangyayakap. Psh.
“Problema mo Eps?” tanong ko kay Rendelle.
“Eherm.. Kung tapos na kayo jan, Gab pumasok ka na sa loob.” – si Nyx, nakalapit na pala siya samin.
“Nanjan ka pala Nyx, eto kasing si Eps kinakausap ko pa.”
“Sige na Gab, pumasok ka na sa loob hinihintay ka na ni Ma’am Liza.” – sabi ni Nyx na masamang nakatingin kay Rendelle? Hala! Problema neto.
“Uhm.. Pams, sige alis na ko. Ingat ka huh, kumain ka on time. Bye Pams, see you later.” – paalam ni Rendelle, humalik muna siya sa pisngi ko bago umalis.
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomansaIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?