Gabbie’s POV
Ngayon ang uwi ni Nyx, magkausap kami sa phone kagabi bago matulog. Napuyat nga ako ng dahil sakanya eh. Ang sabi niya ako daw ang una niyang pupuntahan ngayon pag dating na pag dating niya. Pero bakit ang tagal, kanina pa nakalapag ang eroplano niya ah. Hmm’ siguro nakatulog muna sa condo niya. Pagod nga pala yun sa byahe.
Balak kong bumili ngayon pumunta sa coffee shop malapit dito sa subdivision namin. Parang nagcrave ako sa green tea nila. Paalis na ko ng bahay, doon na lang din ako magbreakfast.
Ng makarating ako dito sa café, parang may familiar akong nakita sa loob. Nakatalikod siya sa may pintuan at may kausap na babae. Parang familiar yung built ng katawan niya. Hmmm’ teka lapitan ko nga baka kilala ko.
“Yes. Para sa misis ko yung ipapagawa kong bahay. Regalo ko sakanya, para kapag nanganak na siya doon na kami titira.” – sabi nung lalaki sa kausap niya.
O_____O
Si Nyx?
“N-Nyx?” – nagulat siya at napatayo ng makita kong nakatayo sa harap niya pero yung babae nakaupo lang at nakatingin saming dalawa. Akala ko ba ako ang una niyang pupuntahan pag dating niya? Pero bakit may kasama siyang babae? Kainis!
“Oh Gab? Bakit nandito ka?” – tanong ni Nyx ng makabawi siya. Nakangiti pa ang loko. Aish! At ano yung pinag usapan nila kanina? Nagpagawa siya ng bahay para sa asawa niya? What the hell?
“May asawa ka na Nyx? Nagpagawa ka pa ng bahay para sakanila?”
“Oo Gab, pero mukhang na’misinterpret mo. Let me explain, okay?” – si Nyx at hinawakan ang kamay ko pero agad ko namang binawa. Naiinis ako. Ano to? Niloloko niya lang ako?
“Explain? Hmm’ di ba sabi mo ako ang un among pupuntahan pag dating mo galing Davao? Tapos makikita kita dito, ng may ibang kasama?” – sigaw ko sakanya. Konti pa lang ang tao dito sa café kaya ayos lang, naiinis ako eh!
“Oo nga Gab, pero please let me explain first. Eto si Mrs.Domiguez, asawa ng architect na nakausap ko – “ – pinutol ko na ang mga sasabihin ni Nyx. Pakiramdam ko sasabog na ko sa inis at selos. Argh! Damn!
“Stop it Nyx. Argh! I hate you. Ayokong makita ka simula ngayon. Hays!” – sabi ko sakanya at umalis na ko. Nawalan na ko ng ganang magbreakfast dun. Ayoko na! Naiirita ako. Kainis!
Naglalakad na ko pabalik sa bahay, naririnig kong hinahabol ako ni Nyx. Hay nako! Ewan ko sakanya. Nabubwisit ako. Kainis naman talaga di ba? Alam ko para kong childish mag inarte ngayon, pero kasi nagsabi siya sakin na ako daw muna ang unang pupuntahan niya pag dating na pag dating niya. Tapos makikkita ko siya iba kasama, at mukhang wala pa siyang balak sabihin ah.
“Gabrielle Benitez!” – napatigil ako bigla sa sigaw ni Nyx. Ngayon niya lang ako tinawag sa buong pangalan ko, pero may kulang. Di niya kaya alam second name ko? Huminto ako pero hindi ako lumingon. Hinayaan ko lang siyang makalapit sakin. Hanggang sa naramdaman ko siyang hinawakan ako sa magkabilang balikat at hinarap ako.
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?