Chapter 50: "Apologize"

7.5K 116 0
                                    

Nyx’ POV

 

Ano kayang pwede kong gawin para makabawi sa pinsan ni Gab? Hay! Nakakahiya ako. Tsk! Nakakahiya ng humarap sakanila pagkatapos ng lahat ng nasabi at nagaw ko, pero kailangan ko silang harapin. Kailangan ko din kasing humingi ng permiso sakanila lalo sa kuya ni Gab, at siyempre pati sa parents niya na manliligaw ako sakanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ni Gab na hindi na daw kami bata para sa mga ligaw ligaw, eh di pa naman din kami ganun katanda ah? Hindi pa ko matanda no, bata po ang twenty three na edad. Sus!

Hindi ko lang alam kung paano ko mag’uumpisa manligaw, eh hindi naman kasi ako nanliligaw. Nakakahiya mang aminin pero hindi talaga, kasi yung samin ni Cara eh sadyang pagkakaunawaan naming pareho yun nag simula kami sa pagiging matalik na magkaibigan then isang araw mahal pala namin ang isa’t isa at kami na. Tapos yung mga naka’fling ko naman, siyempre hindi din. Fling nga lang di ba.

Teka, text ko muna nga si Louis. Ayain ko na lang mag’bar mamayang gabi. Kasama si Rendelle.

 

To: Louis Benitez

            Tol ! Mga anong oras uwi mo? Tara gimmick tayo nila Rendelle. Kailangan ko din kayong makausap eh. Nyx Villafuerte of Wright Company here.

 

SENT.

Kinuha ko yung number ng kuya ni Gab kay Cara, para sa mga ganitong pagkakataong kailangan kong ng contact sakanila.

Kring… Kring…

Louis Benitez calling…

 

Hala! Bakit kaya siya tumatawag? Wala naman akong nasabing mali di ba? Nag’aya lang ako ng gimmick. Psh, sagutin ko na nga.

“Hello tol! Napatawag ka?”

“Nagtext ka eh. Tinatamad akong magtype ng reply.” – Louis.

 

“Nag’cellphone ka pa? Tamad ka naman palang magtext. Haha!”

“Loko! Kaya nga tumawag na lang ako. Anong meron at nag’aya ka gumimmick? Ano yan suhol? Hahaha!” – Louis.

 

“Grabe ka naman. Hindi, gusto ko lang kayong makausap ng pinsan mo. Ano tara mamayang gabi?”

“Saan ba?” – Louis.

 

“Eh, sa GoodTimes na lang tol. Anong oras ba kayo pwede?”

“Anytime pwede kami. Haha! Sige magkita na lang tayo dun ng seven pm, manggagaling pa ko sa trabaho eh. Ay paano pala si Gab, walang susundo sakanya.” – Louis.

 

“Ako ng bahalang sumundo sakanya tol, bago pumunta dun. Sige maya na lang.”

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon