Chapter 73: "Double Celebration"

9.8K 152 0
                                    

Gabbie’s POV

 

Ngayon na ang birthday ni Ethan, naiayos na namin lahat ni Nyx kahapon pero actually umalis siya nung hapon at hindi niya sinabi kung saan siya nagpunta. Hindi naman masyadong magarbo, relatives and some friends lang ang pupunta. Medjo rush din kasi yung preparation namin. Gusto ko lang talaga maicelebrate ng maayos ang first birthday ni Ethan.

Ng mag’alastres ng hapon, nagsisidatingan na ang ibang bisita. Yung mga kaibigan ko lang at kaibigan ni Nyx, dumating na din pala sila Mama kaninang umaga fresh from Davao. Actually, nagpa’cater lang kami, at dito namin gaganapin sa clubhouse ng subdivision namin.

“Hi friend! Nasan na si baby Ethan?” – si Angel. Kadarating niya lang at kasama niya si Ash. Teka bakit parang magkahiwalay na dumating si Alex at Angel? May problema kaya sila? Hmmm.

“Nandun kay Nyx, nilalaro nila ng kapatid niya. Mukhang ayaw niya sa ganitong party eh, parang naiirita.”

“Nako! Mukhang magiging bookworm yang si Ethan, Gabbie ah.” – sabi ni Ash.

“Ayos lang sakin. Haha! Teka Angel, bakit hindi yata kayo magkasamang dumating ni Alex. Magkaaway kayo?”

“Huh? Ano.. Sige friend upo na kami. Magpakain na kayo ah, gutom na ko. Haha! Tara na Ash.” Sabi ni Angel at hinila na si Ash makahanap ng pwesto. Hmmm’ mukhang may problema nga ang dalawa. Mapuntahan na nga ang mag’ama ko.

“Hon, dumarami na ang bisita. Etong anak natin wala pa rin sa mood oh.” Sabi ni Nyx. Nakakunot lang naman ang noo ni Ethan habang nakatingin sa mga bisita niya. Halos wala din kasing masyadong bata.

“Kiddo, today is your birthday. Ngumiti ka naman jan, paano kang makakakuha ng chicks niyang lagi kang nakasimangot?” – sabi ni Nyx kay Ethan. Hinampas ko nga sa braso kung ano anong pinagsasabi sa bata.

“Baby pa lang yan Nyx, kung ano ano ng pinagsasabi mo jan.”

“Hahaha! Sorry na Hon. Halika na puntahan na natin ang mga bisita, halos lahat naman pala dumating na.” – Aya sakin ni Nyx. Nagpunta na kami sa pinaka’main ng clubhouse kung saan nandun ang mga bisita.

Tumayo bilang kunwaring host si Angel at siya ang nag’entertain sa aming lahat. Nagpalaro siya sa ilang batang bisita at kahit kila Trina nagpalaro din siya. Pinakantahan si Ethan, then pinakain na namin ang bisita. The usual lang naman ang nangyari. Ngayon patapos na ang party ni Ethan, pero bago pa makapagpaalam ang mga bisita nagulat ako ng biglang namatay lahat ng ilaw sa buong clubhouse. At bigla ding may tumugtog ng gitara kasabay ng pagkanta ng pamilyar na boses.

(Play niyo na lang: All Of Me by John Legend)

My head’s underwater

But I’m breathing fine

You’re crazy and I’m out of my mind..

 

May biglang lumapit sakin at kinuha si Ethan. Inalalayan niya din ako papunta sa gitna. May biglang tumapat saking spotlight at kay Nyx habang naggigitara siya at kumakanta habang palapit sakin.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon