Gabbie’s POV
Nandito lang kami sa bahay ngayon, pumasok si Dustin at Kuya eh. Kaya sila mama at papa lang ang kasama ko. Hindi muna ko pumasok, dahil gusto kong makasama si Ethan. Parang ayoko nan gang umalis ng bahay at gusto kong nasa tabi niya lang lagi eh, kaya lang hindi naman pwede dahil hindi kami mabubuhay na dalawa.
“Anak, baka gusto mo namang hiwalayan yang anak mo. Baka masanay yan, eh maging mama’s boy paglaki.” – sabi ni mama sakin.
“Eh, hindi ko po maiwasan ma. Gusto ko lang sa tabi niya, parang ayoko na ngang umaalis eh.”
“Hayaan mo na yang si Gab sa anak niya sweetheart, mag’iisang taon pa lang naman yang si Ethan dapat talaga nandiyan lang si Gab nakaalalay sa anak niya.” – sabi naman ni papa.
“Naku kayo talagang mag’ama. Oo na nga lang.” – sagot na lang ni mama. Nandito kami ngayon sa sala at nanunuod, karga ko lang si Ethan.
Napagdesisyunan kong bago na lang mag’birthday si Ethan ko pupuntahan si Nyx. Susubukan ko muna siyang kausapin kung pwede siyang umuwi dito, para maicelebrate ang first birthday ni Nathan. Gusto ko kasi dito sa Manila, at yun din ang gusto nila mama.
Ang bilis ng panahon, parang kalian lang nasa tummy ko pa si Ethan ngayon mag’iisang taon na siya. Hindi man ako mainip magbibinata na ang anak ko. Pero sisiguruhin kong bawat araw, pagmamahal at msayang pamilya ang kalalakhan ng anak ko. Sana makilala ko ang totoong ama niya, para naman hindi lumaki si Nathan na puro tanong ang isip niya.
“Someday we’ll know, if love can move a mountain. Someday we’ll know, why the sky is blue. Someday we’ll know, why I wasn’t meant for you..”
09783637457 calling…
Ringtone yan ng phone ko, may tumatawag. Buti na lang naibaba ko din dito phone ko. Kinuha ko sa table at tiningnan kung sino. Pero hindi nakaregistered yung number eh.
“Hello?”
“Hello, is this Gabrielle Benitez?” – tanong nung caller. Pero parang familiar yung boses niya, parang may edad na na babae.
“Yes, who’s this?”
“I’m Nyx’s mother. Nandito ako sa Manila ngayon, can we meet and talk? Are you busy?” – napatayo ako ng marinig kong si Tita Amy pala, bakit kaya siya nandito sa Manila? At mag’uusap daw kami, bigla naman akong kinabahan.
“Sure po. Hindi naman po ako busy. Sige po pupuntahan ko po kayo. Nasaan po kayong lugar ngayon?”
“I’m here at Café de Musica at Taguig. I’ll wait for you here, isama mo ang anak mo.” – sabi ni Tita Amy. Bakit niya kaya pinapasama si Nathan? Hmmm.
“Sige po Tita, papunta na po kami.”
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?