Gabbie’s POV
“Guys, saan kaya magandang pumunta? Pinagbabakasyon kasi ako ni Mama. Palagay ko, kailangan ko din yun para naman matahimik muna kahit sandal yung isip ko.” tanong ko kila Trina.
Nandito kami ngayon sa canteen, lunch break na kasi. Hindi nga dapat ako kakain dahil may tinatapos pa ko, pero ayaw nilang pumayag na hindi ako kumain. Kaya eto sumama na rin akong maglunch. Baka kasi himatayin nanaman ako, mag’alala pa sila mama.
“Samin na lang sis!” masiglang sabi ni Trina.
“Saan nga ba yung sainyo? Ang tagal na nating magkaibigan pero yung inuuwian mo lang jan ang alam ko.”
“Sa Davao kami, maganda dun makakapagrelax ka. May malapit na beach samin, saka mejo tago yung lugar namin pero hindi naman nakakatakot. Peaceful pa ngang tingnan eh. And para makilala mo na rin parents ko.” Trina.
“Oo Gabbie, maganda dun kila Yats. Magugustuhan mo dun, di ka maiinip. Naisama niya na kasi ko dun minsan ng ipakilala niya ko sa parents niya.” Cyril.
“Oyy, sama ko jan ah. Kelan ba Myloves?” Alex.
“Sige dun na lang sainyo sis. Gusto ko nga din beach resort ang pagbakasyunan ko eh. Nagpaalam na k okay Ma’am Liza na magleave ako ng two weeks. Ayos lang daw, basta bumalik daw ako agad after two weeks.”
“So what’s the plan? Naexcite naman ako bigla. Mauuwi na kasi ulit ako samin ^_^. Pero hindi din pala kami magtatagal dun, for sure hindi kami papayagan ni Ma’am Liza magleave ng two weeks.” Trina.
“Talagang hindi! Ano kayo sinuswerte? Hayaan niyo ng si Gabbie lang ang magbakasyon.” Ma’am Liza. Nagulat kaming apat ng biglang sumulpot si Ma’am Liza at narinig pa huling sinabi ni Trina, ayan mukhang magsusungit nanaman tuloy.
“Eh ma’am, baka naman po pwedeng kahit two days lang. namimiss ko na din parents ko eh. Para bonding na din naming apat, matagal mawawala si Gabbie eh. Sige na ma’am.” Trina.
“*sigh* Fine. Two days lang kayong mawawala huh.” Ma’am Liza.
“^__^ Yehey! Thank you po Ma’am. Bibilhan na lang namin kayo ng pasalubong. Thank you po ulit.” Si Alex. Ang kulit talaga ng isang tao, parang bata na binilhan ng laruan. Tuwang tuwa ng pinayagan sila ni Ma’am Liza.
“So ano? Kelan alis natin? I’m so excited! ^___^” Trina.
“Bukas sis, Friday naman na ngayon. Para weekend sama sama tayo. Makakapag’empake naman na siguro tayo ng gamit mamayang gabi.”
“Ayos! ^__^” Sabay sabay pa nilang sabing tatlo. Di halatang excited, sabagay excited na din ako. First time ko pa lang mag’Davao eh. Sana maenjoy ko bakasyon ko..
BINABASA MO ANG
Destined With Stranger (Completed)
RomanceIsang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the future? Or they just forget what happened that night?