Chapter 53: "What If?"

6.6K 107 0
                                    

Gabbie’s POV

 

“Ayoko sabi sayo. Hindi kita mahal at hindi kita gusto kaya pwede ba layuan mo na ko!” – Sabi ko sakanya at tinalikuran na siya.

 

“No. Please Gab, give me a chance to prove you how much I love you. Please don’t do this, please don’t leave me Gab. Ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo, kahit ano. Wag lang ang tigilan ka ang layuan ka dahil hindi ko kaya. P-please Gab. *sob*” – umiiyak na sabi ni Nyx sakin kasabay ng pagluhod niya. Ano ba tong lalaking to, sobrang nakakahiya na. Nandito pa naman kami sa labas ng restaurant sa tapat ng kompanya.

 

“Pwede ba Nyx, ang tanging gusto ko lang naman ay layuan mo na ko. Ayoko sayo, bumalik na ang tatay ng anak ko at inaaya niya kong magpakasal.” – sagot ko sakanya.

 

“Paano naman ako Gab? Ilang buwan na kong nanliligaw sayo, ganun na lang ba yun huh? *sob* Please naman Gab, wag naman ganito.” – sabi niya sakin habang umiiyak at nakaluhod pa rin sa haap ko. Pinilit ko siyang itinayo.

 

“I’m sorry Nyx, pero itigil mo na yung panliligaw mo. Binubusted na kita. I’m sorry.” – sabi ko sakanya. Tumalikod na ko at tuloy tuloy na  lumakad pabalik ng kompanya. Pero tinatawag at hinahabol niya ko. Hanggang sa..

 

*Beeeep*… *Screeeeeeech*…

 

Anong ingay yun? May nagbanggaan kaya? Hanggang sa may narinig akong sumigaw.

 

“Yung lalaki nabundol. Tulong! Tulungan niyo siya. Dali! Puno ng dugo ang buong katawan niya.” – sigaw nung isang babae. Tumingin ako a pinanggalingan ko and I feel numb from what I saw.. I saw him lying across the road at naliligo siya sa sarili niyang dugo. Kaya hindi ko alam kung paano kong namanage na makatakbo pabalik sakanya.

 

“Nyx! Nyx, gising. Ano ba! I’m sorry, okay. Nyx!” – sabi ko paglapit ko sakanya, binuhat ko ang ulo niya at umupo ako sa kalsada. Bumukas pa ng bahagya ang mata niya at ngumiti ng bahagya kasabay ng pagsuka niya ng dugo.

 

“Ano ba tumawag kayo ng ambulansiya! Bakit mga nakatingin lang kayo jan? Hindi ito sine! Tulungan niyo kami! Ano ba!” – sigaw ko sa mga taong nasa paligid namin, hindi ko na napigilan ang umiyak habang kalong ko siya.

 

“Gab. B-bumalik k-ka. P-pero m-mukhang.. m-maiiwan n-na d-din.. k-kita. I-im s-sorry G-gab. I-I love y-you s-so m-much..” – sabi niya habang umiiyak, hindi pwede to. Bakit parang nagpapaalam na siya..

 

“N-no Nyx. *sob* Wag kang magsalita ng ganyan. Dadalhin kita sa hospital.” – sabi ko sakanya habang umiiyak, pero.. pero bigla siyang huminga ng malalim at sumuka ng dugo pagkatapos nun pumikit na siya at binitawan niya na ang kamay ko..

 

“Nyx! No!!!”

 

“Gab!” napabangon akong bigla dahil sa sumigaw. Oh my god! Panaginip lang ang lahat, nakita kong nakatayo sa tabi ko si Nyx at nag aalalang nakatingin siya sakin.

Destined With Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon