Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
(Alpha Academy #2)***
PROLOGUE
Isang taon.
Isang taon na ang lumipas magmula nang nawala si Ella.
Isang taon na punong-puno ng luha.
Isang taon na punong-puno ng galit.
Pero sa isang taon na iyon, kahit makalimutan man siya ng lahat... Hinding-hindi pa rin siya makakalimutan ng taong patuloy siyang minamahal.
Kahit na hindi sigurado kung buhay pa siya.
Kahit na hindi sigurado kung namatay talaga siya.
Dahil kahit anong gawin ng kahit sino sa kanya.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang babaeng nagpatibok ng puso niya kahit wala na itong buhay.
Nandito ngayon sa puntod ni Ella si Kiro.
Umuulan ngayon at wala siyang dalang payong. Nakatingin lamang siya sa puntod ng babaeng pinakamamahal niya.
"Ella... Alam mo bang muntikan na akong magpakamatay? Kung hindi lang talaga ako pinigilan nina Hyung e. Edi sana magkasama na tayo ngayon." Naluluhang sabi ni Kiro.
"Kailan ka kaya babalik sa akin? Kapag ba namatay rin ako? Kapag ba pumanaw na ako sa mundong ibabaw?"
Napangiti si Kiro ng mapait.
"Pero kahit ganun hindi magbabago ang bagay na mahal na mahal pa rin kita."
Napatingin si Kiro sa babaeng naglalakad dito sa gitna ng ulan.
Nanlaki ang kanyang mga mata...
"Ella?!"
Tinakbo niya ang babae at iniharap sa kanya.
"Ella buhay ka!" Sigaw niya.
Tinignan siya ng babae na para bang nagulat sa sinabi ni Kiro.
"Sorry sir pero hindi kita kilala. Ako si Bella, Bella Alvarez." Paglilinaw ng babae.
Napailing si Kiro.
"Hindi! Ikaw si Ella! Kamukhang-kamukha mo si Ella! Buhay ka!"
"Sinabi ng hindi ako ang Ella na sinasabi mo e! Ang kulit mo! Bella Alvarez ang pangalan ko!" Sigaw ulit ni Bella kay Kiro.
"Ako si Kiro! Kiro Minlay! Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong ni Kiro.
"Hindi. Atsaka hindi tayo close. Ang alam ko lang ay isa kang gangster."
"Saan ka nag-aaral?"
"Transferee lang ako sa Alpha Academy."
Mariing napapikit si Kiro.
"Atsaka ako? Kamukha ko yung Ella? Siya yung Alpha's Princess diba? Hindi pwedeng maging ako 'yun. Matagal na ako dito. At hindi mo ba nabasa yung article na sinabi?" Dagdag ni Bella.
Umiling si Kiro.
"So totoo nga yung ibig nilang sabihin na sa laki ng mundong ito... Marami kang kamukha." Natatawang sabi ni Bella na umiiling pa.
"H-Hindi—"
"Bye!"
Mabilis naman na tumakbo si Bella papaalis upang hindi na siya mahabol pa ni Kiro.
"Ngayon na nakita ko na siya muli... Babawiin ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali, magkamukha sila."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017