CHAPTER 43: Desperate
"Sigurado ka ba na dito 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Giro habang iniikot ang paningin sa buong paligid kung nasaan sila ngayon. Puno ito ng mga puno. Sa harapan nila ay may isang abandonadong pagawaan at pinaliligiran ito ng kagubatan.
"Oo, ito nga 'yun." Paninigurado ni Zico habang tinitignan ang address na ibinigay sa kanya ni Arian.
"Ano pang ginagawa natin? Pumasok na kaya tayo?" Pangungulit ni Ron.
Kasalukuyan silang nasa sasakyan pa. Hindi pa sila bumababa at medyo may pagkalayo sa lugar. Kailangan muna nilang mag-plano. Hindi pwede padalos-daos lamang ang kilos nila kung ayaw nilang may masamang mangyari kay Ella.
"Hindi ako makapaniwala na naulit na naman ang bagay na ito." Napapailing na sabi ni Mark kaya naman napangisi si Kiro.
Ako rin, hindi ko inaasahan ito.
Gustong-gusto na ni Kiro na sumugod sa loob at ibalik si Ella. Gusto na niyang sapakin sina Arian, kakalimutan na niyang babae ito lalo na't inapi nito ang babaeng mahal niya.
"Basta, mag-iingat kayo. Tinawagan niyo na ba yung mga pulis?" Tanong ni Zico habang matalim na nakatingin sa pasukan ng abandonadong pagawaan.
Ngumisi si Ron. "Anong tingin niyo sa akin hindi mapagkakatiwalaan? Kinausap ko na si Blade, iyong kaibigan mo. May koneksiyon siya sa mga nakatataas at nagpadala na siya ng mga pulis."
"Sabihin mo huwag muna silang lumabas." Ani ni Kiro.
"Copy."
At...
Nagising si Ella dahil sa malakas na paghampas sa kanya ng tubig. Dang it! Ilang oras na ba siyang nakakulong dito at pinaparusahan ng hinayupak na babaeng iyon?
"Hey, gumising ka nga!" Naiinis na sigaw ni Arian sa kanya habang nakataas ang kilay at nginisian siya.
"You! Hindi ka ba gigising?!" Pag-uulit nito at sinabunutan siya.
She wants to cry her heart out. Gusto na niyang makabawi sa kahayupan na ginagawa sa kanya ni Arian ngayon, she is desperate to kill this annoying woman.
"Miss Arian, dumating na po si Zico." Pagsasabi ng isang taga-sunod nito kaya naman nanlaki ang mata ni Ella.
Ngumisi naman si Arian at nginisian siya tsaka binitawan ang buhok nito.
"Nice. Makakaalis ka na." Nakangiti niyang sabi at mabilis na sumunod ang kanyang alipin.
Tinignan nito si Ella at ngumisi. "Mahal na mahal ka talaga ng kapatid mo. Ouch naman, naiingit ako. But pagkatapos nito... Akin na siya. Kawawa ka naman."
"You-" bago pa man matapos ni Ella ang kanyang sasabihin ay lumabas na sa kwartong iyon si Arian.
"Bantayan niyo ang babaeng 'yan. She's wicked and cunning."
Nang sumara ang pintuan ay lumayo siya ng tingin. A tear dropped from her eyes. How long do I have to endure all the pain?
"Please kuya... Please be safe."
Dahan-dahan na lumabas sa van si Zico atsaka naglakad papasok sa building. He is hoping na sana maayos ang lagay ni Ella. Sana.
"Woah Zico! My love." Nakangiting sabi ni Arian at lalapitan na sana si Zico ngunit tinulak siya nito papalayo.
"Asan ang kapatid ko?!" Galit nitong sigaw.
Ngumisi naman si Arian.
"Ouch. Akala ko pa naman ako ang ipinunta mo dito."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017