CHAPTER 36: Drunk & Lost
Isang araw na ang nakakalipas ng huling mangyari ang awayan nina Ella at Kiro ng dahil sa pinsan nina Kiro na si Evares.
Ang pinagtataka ng dalaga ay kung bakit ganon ganon na lamang ang galit ni Kiro ng magpakilala siya kay Evares. Unang-una wala naman siyang ginagawang masama.
Pangalawa, gusto lang naman makipagkaibigan ni Evares kaya ano nga ba talaga ang problema ng binata?
Tahimik na nagbabasa ngayon dito sa kanyang kwarto si Ella. Walang pasok ngayon kaya naman nagpapahinga siya. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang away nila ni Kiro pero kahit ganun hindi siya ang unang magso-sorry.
Dahil una palang, wala siyang kasalanan.
*ring ring*
Kinuha ni Ella ang kanyang cellphone na nakapataong sa kanyang bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello-"
"Ella please naman oh! Puntahan mo dito sa bahay si Kiro. Kahapon pa kasi naglalasing tapos kami pa yung pinagbubuntungan ng galit! Kung may problema kayo- Shocks! Masakit Kiro- a-ayusin niyo. Hindi yung kami 'yung-ahh! Aray!"
"Giro ano bang problema?"
"Pinahihirapan kami ng boyfriend mo dahil sa away niyo. Kanina pa niya sinasapak 'yung-isa talaga Kiro susuntukin na kita! Huwag mo akong batuhin ng sapatos!" Naiinis na sabi ni Giro habang halata sa boses ang nahihirapan.
Rinig na rinig ni Ella sa background ang malalakas na sigaw. At pagkasira ng bagay.
"Giro naman-"
"Ella please! Alam kong nakasalo ka na ng gunshot pero alam mo ba yung pakiramdam na sapatos ang ibato sa'yo?! Please! May anger issues 'yun kapag nagseselos."
Wala nang nagawa pa si Ella kundi ang tumango. I will sue you, gangster.
Nang makarating si Ella sa bahay nina Kiro aya agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Giro.
"Good! Buti naman at nandito ka na. Shoot!" Agad naman akong hinila ni Giro para yumuko at narinig ko na lang na may lumipad na vase sa taas namin at nabasag ito sa lapag.
"What the heck is the problem of that guys?!" Naiinis na sigaw ni Ella at dumiretso sa sala.
Nakita niya si Kiro na umiinom ng bote ng alak. Sa tabi nito, ay halos tatlong bote na ubos at walang laman.
"Damn. Buti naman andito ka na." Hingal na hingal na saad ni Zico.
Napatingin siya sa likod niya at nakita niya na halos lahat ng miyembro ng ALPHA bukod kay Kiro ay nagtatago sa kanyang likuran at kinakabahan at humihingal na nakatingin kay Kiro.
"Kuya ano bang meron?"
"Yung boyfriend mo. Kapag nagselos, daig pa si King Kong." Naiinis na sabi ni Zico.
"Pasalamat siya dahil lasing siya! Dahil kung hindi kanina ko pa sinapak 'yan." Naiinis na sabi ni Ron.
Lumapit si Ella kay Kiro.
Tinignan niya ang buong kabuuan ng binata. Magulo ang kanyang buhok, amoy alak ito, at para bang galing sa sapakan.
"Kiro..." Tinignan niya ito at lalapit na sana ngunit bigla siyang tinulak nito papalayo.
"Huwag kang lalapit sa akin! Dun ka sa Evares na 'yun! Diba magkaibigan kayo? Anong ginagawa mo dito? Ha?!" Inis na sabi ni Kiro.
"Ibang magselos ang gangster maknae natin ah." Nakangising sigaw ni Giro.
"AHHH!" Galit na sigaw ni Kiro at ibinato ang hawak niyang mga libro. Tumama ang mga ito sa ulo nina Giro, Zico, Ron, Mark, Ethan, at Francois na ginagawa ang lahat para maiwasang mabagsakan.
Hinampas naman ni Ella si Kiro kaya natuon ang pansin nito sa kanya.
"Kung magwawala ka pala ng ganyan dahil lang sa simpleng away-"
"Hindi 'yun simple! Not for me!"
Napatigil sa pagsasalita si Ella at tinignan si Kiro.
"Bakit ba, ha? Ano bang problema mo sa pinsan mo?!"
Tinignan siya ni Kiro. Ngayon ay may nakikita siya sa mga mata nito. May gusto siyang sabihin.
"I'm jealous. I'm deeply jealous!" Galit niyang sigaw.
"Alam mo Kiro ang sarap mong iuntog sa pader. Para 'yun lang pagseselosan mo-"
"Stop-"
Sinamaan siya ng tingin ni Ella. "DO NOT CUT ME OFF WHEN I'M SPEAKING!" Galit nitong giit na ikinagulat naman nilang lahat pati si Kiro na lasing.
"KAPAG NAGSASALITA AKO HUWAG KANG SASABAT! KUNG AYAW MONG IUNTOG TALAGA KITA SA PADER! NAKAKAINIS KA NA! Wala ka bang tiwala sa akin?! Nagpanggap na ako't lahat. Nagsakripisyo ng isang taon tapos sasabihin mo pa na hindi kita mahal?! Manhid ka ba Kiro? Manhid ka ba?!" Sigaw niya na ikinatahimik ng binata.
"Guys chillax-" pagpigil sa kanila ni Zico ngunit matalim siyang binigyan ng tingin ni Ella.
"SABI KO HUWAG SASABAT KAPAG AKO ANG NAGSASALITA." Seryoso niyang sabi. Napaatras ng kaunti si Zico sa takot.
"S-Sabi ko nga."
Binalik ni Ella ang tingin niya kay Kiro. "Sa ngayon aalagaan kita. Pasalamat ka na kahit galit ako sa'yo may konsensiya pa rin ako. Kapag inulit mo ulit 'to Kiro ako na mismo ang bubugbog sa'yo." Ani nito at hinila pataas si Kiro.
Pumasok sila sa kwarto nito at inihiga siya sa kama. "Magpahinga ka muna diyan. And don't you ever think of doing any inappropriate thing kung ayaw mong batukan kita. May kukunin lang ako sa labas."
Nang makaalis si Ella ay malalim na bumuntong hininga si Kiro.
What happened to me? I'm just drunk and lost.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Fiksi Remaja(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017