CHAPTER 11: Getting Closer
Inikot ni Bella ang kanyang paningin sa buong sementeryo.
"Grabe naman, nakakatakot dito." Saad niya.
"Malamang, sementeryo nga e." Sinamaan niya ng tingin si Kiro.
"Pilosopo ka." Sagot niya atsaka pinagpatuloy ang lakad.
Nandito sila sa sementeryo ngayon para bisitahin ang puntod ni Ella. Hindi na sana sasama pa si Bella ngunit pinilit siya ni Kiro kaya naman wala na siyang nagawa pa.
"Kiro malapit na ba? Ang sakit na ng paa ko." Pagod na sabi ni Bella.
"Dito."
Napatingin siya sa puntod ni Ella. Kahit na medyo may mga dahon na nakakalat ay malinis pa rin ito dahil laging pinapalinis nina Kiro.
"Bakit nga ba ako ang sinama mo dito? Bakit hindi na lang yung mga kamiyembro mo?" Tanong ni Bella kay Kiro habang tinatanggal yung mga dahon na nakakalat.
"Busy sila. May ginagawa." Ani ni Kiro.
"Welcome to my world. Lagi na akong iniiwan nina Lia kasi may mga manliligaw na sila, tss." Sambit ni Bella atsaka tumayo.
"Ahh, sandali... hindi ba dati ay nakita na kita dito na tumatakbo? May binisita ka ba dito?" Tanong ni Kiro kay Bella kaya hindi siya agad nakasagot.
"A-Ah... H-Hindi, naligaw lang ako nung mga panahon na 'yun." Sagot niya at ngumiti ng alanganin.
"Okay."
Tiningnan ni Bella si Kiro na naglapag ng bulaklak sa puntod ni Ella.
"Talaga bang miss mo na siya? Ilang buwan na ba siyang wala, ulit?" Tanong ni Bella kaya naman umiling si Kiro at yumuko.
"Malamang miss na miss ko na siya. Isang taon na siyang wala." Sagot ni Kiro kaya napayuko si Bella.
"Ah, ganun ba? Kaya pala nung nakita niyo ako..." Ani niya kaya tumingin sa kanya si Kiro at may iniabot na papel galing sa bulsa niya.
"Iyan ang huling sulat na ibinigay niya sa akin. Isang taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin iyan magawang itapon." Napatingin naman si Bella sa papel at mabilis itong kinuha para basahin.
Dear Kiro,
Hi Kiro! Alam kong magagalit ka kapag sinabi ko sa'yo na pinakelaman ko ang diary mo. Pero sana huwag kang magalit hehe. Gusto ko lang sanang magsulat dito dahil nahihiya ako na sabihin ito sa'yo nang harap-harapan kasi alam kong yelo ka. Taong yelo ka. Haha. Nung una kitang makilala sobra talaga ang init ng dugo ko sa'yo.
Lagi akong naiinis kapag andyan ka pero unti-unti na nagbago ang lahat.
Tama nga sila. Kapag nagmamahal hindi mo ito mapapansin at mararamdaman mo na lang.
Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo. Hindi ka pwedeng mamatay Kiro. Alam mo 'yan. Kailangan ka pa ngbmaraming tao dahil alam kong napakabuti mong tao.
Sadyang sobrang nasaktan ka lang ng dahil sa nangyari sa mga magulang mo.
Pero may isa akong tanong na gusto kong malaman ang sagot bago ako mamatay.
Bakit namatay ang mga magulang mo Kiro? Bakit sila pinatay nina Gon?
Napangiti na lamang ng palihim si Bella at ibinalik ang papel kay Kiro.
"Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa noh?" Nakangiting sabi ni Bella at tumango naman si Kiro.
"Pero nagsisisi ako. Hindi ko manlang nasagot yung mga tanong niya. Alam mo ba na hindi ko mabuksan yung diary ko kasi nasa kanya yung susi? Kailan ba siya babalik? Kailangan niyang bumalik." Lumuluhang sabi ni Kiro.
Niyakap naman siya ni Bella.
"Ngayon ko lang ito gagawin ah? Nakakaawa ka kasi e. Pero huwag kang mag-alala, kung nasan man si Ella ngayon, sigurado akong masaya siya. Kasi alam niyang isa kang mabuting tao kahit na medyo cold-hearted ka. Atsaka sa tingin mo ba, magiging masaya si Ella kung nakikita ka niyang malungkot? Malamang hindi." Saad ni Bella kaya kumalas ng yakap sa kanya si Kiro at tinignan siya ng seryoso.
"Paano mo naman alam 'yun?"
"Lets just say na parehas lang tayo. Pero ang pinagkaiba natin ay buhay pa yung taong mahal ko." Nakangiting sabi ni Bella.
"May mahal kang i-iba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kiro.
"Oo pero huwag kang mag-alala, hindi naman niya alam e." Natatawang sabi ni Bella.
"Don't say that..." Malungkot na sabi ni Kiro.
Natigilan si Bella at tinitigan ang binata.
"Hey! D-Don't cry!"
"It's like Ella saying that she's in love with someone else." Kiro sighed.
"Hey! No! Hindi naman kami iisa..."
Kiro shook his head. Ngumiti ng tipid. "I know... But somehow, I'm hoping..."
Hindi nakaimik si Bella. She felt guilty.
"Let's go home. I'm sorry at dinala pa kita rito. I should've respected you."
"A-Ayos lang..."
"Gabi na, ihahatid na kita. Ayos lang ba?" Tanong ni Kiro pero umiling si Bella.
"Huwag na. May gagawin pa kasi ako. See you!" Sigaw ni Bella atsaka naglakad pa ulit pero napatigil siya ng sumigaw si Kiro.
"Salamat!"
"You're welcome gangster!" Nanlaki ang mga mata ni Kiro sa sinabi ni Bella.
"G-Gangster?"
"Oo, gangster. Sabi kasi nila, 'yun yung tawag sa'yo ni Ella. Kaya 'yun na rin ang tawag ko sa'yo para hindi ka makamove-on. See you!" Natatawang sabi ni Bella at tumakbo paalis.
"Parehas lang sila..." Kiro whispered. "Ella miss na kita. Hindi ko alam, pero pwede na ba akong magmahal ulit? Handa na ba ulit ang puso kong magbukas para sa iba?" Tanong ni Kiro pero ngumiti lang siya.
"Fine. Mahal kita e."
Falling in love again? With someone who has the same face as her? Who am I kidding? Nagkakagusto ako sa ibang tao dahil lang... kamukha niya ang babaeng mahal na mahal ko.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017