CHAPTER 30: Gangster's Date
Katatapos pa lamang ng klase nina Bella. Oras na ng lunch kaya halos lahat ng estudyante ay nagsilabasan na.
Wala siyang balak na kumain dahil busog pa siya. Marami siya kinain kaninang agahan dahil nagpadala pa si Francois ng luto niya.
"Bella!" Napatingin siya sa sumigaw at nakita niya si Kiro na naglalakad papalapit sa kanya.
"Oh bakit gangster? May kailangan ka ba?" Agad niyang tanong. Umiling si Kiro atsaka iniabot ang isang maliit na envelope kay Bella.
"Pumunta ka. Date kita." Sambit ni Kiro at mabilis na naglakad papalayo.
Napatingin na lamang si Bella sa envelope na iniabot ni Kiro at dahan-dahang itong binuksan.
Alpha Academy: Masquerade Ball
Date: 5/26/17
Time: 6:00 PM - 12:00 PM
Attire: Wear a formal/fancy clothing and a mask.
Napangisi na lamang si Ella. Kaya naman pala may lakas siyang loob na gawin akong partner niya kasi nakamaskara. Pero diba't medyo delikado?
Kailangan kong bantayan ng buong gabi si Arian dahil baka may gawin na naman iyong baliw.
Sana wala.
Napabuntong hininga si Bella at wala ng nagawa kundi ang itago na lang ang invitation.
Mabilis siyang nagtungo sa canteen upang kumain. Hindi pa siya nakakaupo sa lamesa na uupuan niya ay bigla na lamang siyang hinila ni Lia.
"Aray! Uy, bitawan mo ako." Gulat niyang sabi.
"Sabay ka na sa amin. Wala namang makakaalam." Saad ni Lia atsaka pinaupo si Ella sa tabi ng ALPHA.
"Tsk." Wala nang nagawa pa si Ella kundi ang sumabay sa kanila. Gustuhin man niya na laging makasabay ang ALPHA sa break time ay hindi pupwede dahil baka may makahalata na close AGAD sila. Kailangan niya pa ring magpanggap. Mahirap man pero kailangan niyang magtiis... Kailang nilang lahat na magtiis sa sitwasyon na ito.
Komplikado man, malay nila. Maging maganda naman ang kalabasan...
"Oh! Bella!" Sigaw ni Giro at palihim na ngumiti na nang-aasar kaya sarkastikong natawa si Ella.
"Sumabay ka na sa'min, may gagawin ka ba?" Tanong ni Mark.
Umiling naman si Ella at umupo sa tabi ni Zico at Kiro.
"Wala naman, may kailangan ba kayo?" Ani niya.
Napatingin naman agad si Ella kay Ethan na bigla na lamang pumalakpak ng malakas. Tiningnan siya ng lahat na para bang naguguluhan.
"Ayos! Magsho-shopping daw tayo mamaya ng damit para sa ball!" Masaya niyang sabi kaya naman mahina siyang hinampas sa likod ni Francois.
"Anong TAYO?! Silang babae lang! Ikaw pa itong excited, bakit ikaw ba magsho-shopping? Ha?!" Galit na sigaw ni Francois kaya naman napayuko na lamang si Ethan at napasimangot.
"Bakit hyung?! Masama ba? Ha?!" Kunwari't nasaktan pa siya at umarteng ang sakit sa ulo pero tinawanan lang siya ni Althea.
"Grabe kayo, tigilan niyo na si Ethan hahaha! Iiyak 'yan!" Tiningnan naman ni Ethan si Althea.
"Hahalikan kita d'yan kapag hindi ka nanahimik." Nakangiti niyang sabi kaya naman mabilis na tumayo si Althea at sumigaw.
"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" Asar niya kay Ethan at mabilis na tumakbo kaya nagtakbuhan sila sa buong canteen. Napahawak na lamang ang iba pang miyembro ng ALPHA sa mga ulo nila dahil sa sobrang stress.
"May dumagdag na naman sa childish couple. Jusko, mga bata ba kayong kaibigan namin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Francois at natawa na lamang silang lahat.
Tahimik silang kumakain at nagtatawanan ng bigla na lamang sumigaw si Arian mula sa likod.
"Grabe ha? Ang bilis niya! Huwag mong sabihin na porket kamukha mo lang si Ella, kabarkada mo na ang mga kaibigan niya? Gosh! Naawa ako sa kanila." Nagpaparinig na sabi ni Arian kaya naman lahat ng ALPHA at mga babaeng girlfriend nila ay napatingin kay Bella na mahigpit na nakahawak sa tinidor niya at nagpipigil ng galit.
Mabilis naman na nilapitan ni Zico si Arian at sinigawan. "Pwede bang umalis ka dito?! Nakakaistorbo ka sa pagkain namin!" Sigaw niya.
Natawa si Arian sa sinabi ni Zico sa kanya at tinuro si Ella na nakatalikod sa kanya habang nakaupo at kumakain.
"Ah, so kinakampihan niyo pa ang babaeng plastik na 'yan? Nagpapanggap na kunwari siya si Ella." Natatawa niyang sabi.
Napailing na lang sa galit si Ella. Hindi niya maintindihan kung ano bang problema ni Arian sa kanya at lagi na lamang siyang inaaway. War freak na nga ang landi pa. Kawawa ang future boyfriend ng babaeng 'yan...
"Manahimik ka nga! Para kang sirang plaka!" Sigaw ni Hannah.
Hindi siya pinansin ni Arian at tinignan si Ella.
"Ano Bella? Magpapakahina ka ba? Akala ko malakas ka? Sabi na nga ba't fake ka." Sarkastikong sabi ni Arian habang nakangisi.
Tatayo na sana si Kiro para paalisin si Arian ngunit bigla na lamang tumayo si Ella na ikinagulat ng lahat.
Tinignan niya ng masama si Arian.
"Yung totoo? Kailan ka mananahimik? Ang ingay mo kasi e, naaabala 'yung pagkain namin. Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo at lagi ka na lang nagyaya ng away?" Bored na sabi ni Bella.
Nginisian naman siya ni Arian.
"Pasalamat ka nga at ikaw ang pinapansin ko—" Hindi naituloy ni Arian ang sasabihin niya ng humikab si Ella at idinuro sa mukha ni Arian ang hawak niyang tinidor.
"Ang daldal mo. Kung tusukin ko na lang kaya 'yang bibig mo para manahimik ka? Tatahimik ka ba? Nakakaantok kasi 'yung mga sinasabi mo. Puro walang kwenta." Sambit niya.
Hinampas naman ni Arian ang hawak na tinidor ni Ella kaya tumalsik ito sa lapag.
"Ang yabang mo! Nakakainis ka!" Sigaw ni Arian at sasampalin na sana si Ella ngunit mas nauna si Ella sa pagsampal.
"Ako, mayabang? O sadyang insecure ka lang sa akin kasi inggit ka?" Panimula ni Ella.
"Ang kapal—" Magsasalita pa sana si Arian ngunit mabilis siyang sinampal sa kabilang pisngi ni Ella at tiningnan siya ng walang emosyon.
"When I talk, you respect me and shut your mouth. Wala akong pakelam sa mga sasabihin mo. Kung galit ka sa akin, sa akin lang, huwag mo nang idamay ang ibang tao. Alam mo minsan iniisip ko sana ako na lang sana talaga si Ella para pwede kong ingudngod 'yang mukha mo sa pader. Nakakabwisit kang makita araw-araw alam mo 'yun?" Sabi ni Ella at naglakad na palayo.
Halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.
"I HATE YOU BELLA ALVAREZ!"
Napatigil sa paglalakad si Ella atsaka lumingon kay Arian na galit na galit. Nginitian niya ito at tinaasan ng kilay.
"The feeling is mutual!" Sigaw niya at umalis na.
Naiinis na tinignan ni Arian ang nga tao na kanina pa nakatitig sa kanya.
"Anong tinitingin niyo d'yan?! Baka gusto niyong masampal?" Masungit niyang sabi at dali-dali na umalis sa lugar na 'yun.
Agad naman na nag-apir sina Ethan at Giro. "Swaeg men!"
"Infires!" Dagdag pa ni Ron.
Nagtawanan na lang silang lahat bukod kay Kiro na kanina pa nakatingin sa kawalan at inaalala si Ella.
Kamusta na siya?
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017