CHAPTER 27: Ex?
"Sinabi ng ayaw kong sumama! Mali ba 'yun?! Atsaka hindi naman kami close ng Jane na 'yun ah." Angal ni Francois.
Kanina pa siya pinipilit ng buong ALPHA kasama sina Ella at ang iba pang babae dahil nga bibisitahin nila ngayon si Jane na nasa ospital.
Oo, dapat talaga ay magkikita-kita sila sa bahay nina Jane ngunit kahapon lang ay pagka-uwi niya ng bahay ay nahulog siya sa hagdan at nagka-sprain siya sa paa.
"Grabe ka naman hyung! Naaksidente na nga yung tao e." Saad naman ni Giro.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Francois.
"Aba! Mabuti lang 'yun sa kanya 'no! Napakaarte ng babaeng 'yun!" Sigaw niya.
Nagulat na lamang silang lahat ng biglang nilapitan ni Ella si Francois at hinampas ito ng kaldero sa ulo.
"Isa pa talaga oppa! Wala akong pakelam kung mas matanda ka sa akin pero pinapatagal mo lang kami. Kapag hindi ka pa kumilos d'yan, yung rice cooker na ang ipanghahampas ko sa 'yo!" Pananakot niya kay Francois.
"Aray naman! Grabe ah!" Sigaw niya.
Natawa na lamang silang lahat. Bukod kay Althea na nagtanong.
"Sandali, close kayo?" Tanong niya kay Bella at Francois.
Napatigil naman sina Ella at Lia pati na rin ang buong ALPHA.
Hindi nila naalala na sila sila lang pala ang nakakaalam kaya biglang tumawa ulit ng alangan si Ella.
"Ah, oo. Hindi sila maka-move on kasi kamukha ko si Ella e, hahaha!" Sabay tawa ni Ella at pinandilatan sina Kiro.
"Umalis na tayo. Baka abutin pa tayo ng ulan. Ang dami pa kasing kaartehan nitong si hyung." Umiiling-iling na sabi ni Kiro na nauna sa labas.
Sinundan naman siya nina Ella.
Tatlong minuto na ang nakakalipas magmula ng makarating sila dito sa ospital kung saan naka-confine si Jane.
"Jane may dala kaming prutas para sa 'yo." Sambit ni Althea atsaka inilagay sa side table ang dinala nilang prutas.
"Thank you." Saad naman ni Jane atsaka tinignan si Francois ng nakataas ang isang kilay.
"Althea bakit mo pa sinama ang lalaking 'yan? Maayos naman kahit wala siya." Naiinis na sabi ni Jane kaya naman sinigawan siya ni Francois.
"Ikaw! Bakit ang bait mo sa kanila tapos sa akin hindi? May mali ba akong nagawa?! Ha?!" Galit niyang sigaw kaya naman natawa sa kanya si Jane.
Bumulong naman si Ethan.
"Who will win? Francois vs. Jane? Fight!" Binatukan naman siya ni Mark kaya siya napatigil.
"Masakit huy."
"Manahimik ka kasi." Naiinis na sabi ni Mark.
"Simple lang. Kasi ayaw ko sa 'yo." Diretsong sabi ni Jane kaya naman napangisi si Francois.
"Aba may sira ka rin pala sa utak! Kaya ganyan ugali mo. Baliw ka ba? Bago mo sabihin na ayaw mo sa akin, tanungin mo muna ako kung gusto kita!" Galit na sigaw ni Francois at napaupo na lang sa couch dahil sa gilid.
"Bwisit na babae 'yan! Babaliin ko na rin 'yung isa niyang paa!" Galit niyang sigaw kaya naman nilapitan siya ni Ella at binulungan.
"Francois oppa alalahanin mo babae 'yan. Tapos may sprain pa. Baka gusto mong ikaw ang mabatukan ko." Bulong niya kaya naman napabuntong hininga na lamang si Francois.
Wala na siyang magawa.
Ibang magalit si Ella.
"Matanong ko lang ha? Ano bang problema niyo sa isa't isa? Kapag kasi nagkikita kayo hindi na natitigil ang sigawan niyo." Tanong ni Zico kaya naman napairap si Jane.
"Basta. Ayoko sa lalaking katulad niya." Diretsang sagot ni Jane.
"Hindi ko rin hilig ang babaeng maarte katulad mo!" Sigaw sa kanya ni Francois.
"Bakit nga kasi?" Tanong ni Athena pero bigla na lamang sumagot si Althea.
"Kasi naaalala niya 'yung ex niya kay Francois." Saad niya kaya napabuntong hininga na lamang si Jane at lahat sila napatingin sa kanya pati si Francois.
"E-Ex niya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hannah.
"Oo, yung ex niya na dahilan kung bakit siya nagkaganyan." Sagot naman ni Althea kaya napairap na lamang si Jane.
"Kung wala na kayong iba pang sasabihin pwede na kayong umalis. Maayos naman ang lagay ko." Masungit niyang sabi at humiga na lamang ulit para magpahinga.
Lahat naman sila ay lumabas.
Hindi pa rin makapaniwala si Francois sa mga narinig niya.
Naaalala niya ang ex niya dahil sa akin? At siya pa ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan? Isip niya.
Agad naman niyang nilapitan si Althea at binulungan.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya dito.
Mabilis naman na tumingin si Althea kay Ethan para magpaalam at tumango lamang siya.
Nagpunta naman sila sa lugar na tahimik.
"Anong itatanong mo Francois?" Tanong ni Althea.
Huminga muna ng malalim si Francous bago magsalita.
"Pwede bang kwentuhan mo ako tungkol sa ex ni Jane?"
Halata naman na nagulat si Althea sa sinabi ni Francois pero wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang.
"Maraming Salamat." Nakangiting sabi ni Francois kay Althea.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017