CHAPTER 18: Africa
"Basta mag-iingat kayo dun ah? Kapag may nangyaring masama sisiguraduhin kong bugbog sarado ang may pakana." Napatawa na lang si Ella sa sinabi ni Kiro.
"Oo na po."
"Kahit na may tampo ako sa 'yo ngayon li'l sis mag-ingat ka. Badtrip naman kasi mas pinili mo pa 'yan kesa tulungan ako." Nakasimangot na sabi ni Zico.
Mahina namang pinitik ni Ella ang noo ni Zico.
"Aigoo sorry na, basta bahala kang ayusin 'yan kuya. Nasan pala si Althea?" Tanong ni Ella sabay tingin sa paligid niya.
"Mamaya pa siya dadating kasama ni Ethan." Sagot ni Giro.
"Ahh ganun ba? Sige, aalis na ako. Baka malate pa ako sa boarding."
Tumango naman sina Zico.
"Ingat ka ah!"
"Kapag may problema tawagan mo lang ako. Isang tawag lang lilipad na talaga ako d'yan sa Africa." Seryosong sabi ni Kiro kaya naman tinawanan siya ni Giro.
"Grabe ang li'l bro ko ah, pumapag-ibig na." Natatawa niyang sabi kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Kiro.
"Joke lang, joke."
"Tss."
At...
"Athena!" Sigaw ni Zico habang hinahabol si Athena dito sa park.
"Athena!" Sigaw pa niya pero hindi siya pinapansin ni Athena at patuloy pa rin itong naglalakad.
"Isa! Kapag hindi mo ako pinansin break na tayo!" Sigaw ni Zico. Natigil naman sa paglalakad si Athena at lumingon sinamaan niya ng tingin si Zico.
"Sa tingin mo natatawa ako? Sige, magbreak na tayo. Akala mo matatakot mo ako." Saad niya at naglakad na palayo.
Nasapo na lang ni Zico ang kanyang noo.
Athena naman e. Ang selosa kasi. Isip ni Zico atsaka napailing.
"Ano ng gagawin ko?"
Sa kabilang banda naman...
"Althea anong oras ka makakarating dito sa Africa?" Tanong ni Bella habang tinitingnan ang orasan niya.
"Sorry Bella, mukhang bukas pa ang punta ko dyan. Delay kasi."
"Ah ganun ba? Nandito na ako sa tent natin ah? Nag-aayos na lang ako ng gamit."
"Ah, sige mag-iingat ka ah? Aalis na ako bye!"
"Bye..."
Agad na ibinaba ni Bella ang tawag.
Napatingin naman siya sa paligid niya. Medyo malaki ang tent na ito at kasya silang dalawa ni Althea.
Kaso nga lang mas nauna siyang dumating dito kaya naman mas maaga siyang magsisimula.
"Hello Ms. Bella Alvarez? Are you the one who volunteered with Ms. Althea?" Tanong sa kanya nung staff.
"Ah yes. But, she will be late because her flight is delayed."
"Yes, I've heard of it. Then shall we start? We will all meet up in the rescue area to check the patients." Nginitian na lang ito ni Bella atsaka tumango.
Maya-maya pa ay dumiretso na siya sa rescue area at nagsimula nang gamutin ang mga pasyente.
Volunteer lamang siya kaya naman pagbibigay lang ng gamot at iba pa ang ginagawa niya.
"Yes, I see." Saad ni Bella habang tinutignan ang kalagayan ng bata.
"So what's wrong with my daughter?" Tanong ng magulang ng bata.
Napangiti naman si Bella.
"Don't worry ma'am. She'll be fine, she just ate something that caused a problem digesting it. Anyways, I'll give you some medicines... And advice only, always drink lots of clean water okay?" Sambit ni Bella at tumango naman sila.
"Thank you."
"Your welcome ma'am, next patient!" Ani ni Bella.
6 hours later.
Tapos na ang pagcheck sa mga tao ngayong araw kaya naman pagod na pagod si Bella. Hindi naman niya inakala na ganitong karami ang mga taong pupunta.
"Okay naman ako huwag kayong mag-alala." Sabi niya.
Naka video call siya ngayon sa buong ALPHA.
"Sabihin mo sa akin kapag may umapi at nangbastos sa 'yo, babasagin ko mukha nila." Seryosong sabi ni Kiro kaya naman natawa si Ella.
"No worries guys. Buti nga nagkaroon ako ng ganitong experience e."
"Kamusta si Althea? Dumating na ba siya?" Singit ni Ethan pero umiling si Ella.
"Hindi pa pero malapit na. Bukas pa siya dadating kaya huwag kang mag-alala." Sagot niya. "Nga pala asan si kuya?"
"Li'l sis andito ako! Hindi mo ba ako nakita?! Nasa bungad na ako!" Maktol ni Zico.
"Paano kita makikita kuya e ang pandak mo." Natatawang sabi ni Ella.
"Nice one, Ella!" Pagsang-ayon ni Giro. Napairap na lang si Zico.
"Oh guys. Aalis na ako ah? Kailangan ko ng matulog. Bukas na lang ulit. Bye!"
"Sige, basta mag-ingat kayo dyan. Tawagan mo lang ako pupuntahan talaga kita agad." Seryosong sabi ni Kiro kaya naman napangiti si Ella.
"Oo na gangster. Bye!"
"Bye Ella!"
Agad na tinapos ni Ella ang tawag atsaka nag-ayos para matulog.
Mukhang mahaba-haba ang linggong ito...
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017