CHAPTER 42: Save Me
"Sigurado ka ba na hindi tayo matitigok nito? Ayaw ko pang iwan si Althea!" Sigaw ni Ethan kay Zico na nagmamaneho ng van na sinasakyan nila ngayon.
"Shut up."
"Naman Zico-"
"Manahimik ka nga sabi eh!" Galit niyang sigaw.
Hindi na nakapagsalita pa muli si Ethan. Ngunit si Kiro naman ay nasa pinakalikod. Panay ang tingin sa kanya nina Giro para masiguro kung maayos lamang ang lagay nito.
Kung titignan mo siya sa panlabas na anyo ay hindi mo mahahalata na nag-aalala pa ito. Pero sa kaloob-looban noya ay minumura na niya sina Arian.
Saktan mo lang ang babaeng mahal ko. Wala akong pakelam kung masira pa ang pangalan ko.
Enough is enough.
Masyado na nilang sinisira ang buhay nila. Una palang.
"Kiro uminom ka muna ng tubig." Ani ni Francois at inabutan siya ng tubig ngunit hindi niya ito pinansin at tumingin lamang sa bintana.
Please stay safe.
Bumuntong hininga si Francois at itinago ang tubigan. He needs space. Kailangan na kumalma ni Kiro dahil baka mamaya pagdating nila kayna Arian ay pumatay na agad ito.
Alam niya ang kayang gawin ni Kiro.
Lalo na't galit ito ngayon.
"Magpahinga ka muna Kiro. Ikaw rin Zico, pagdating doon huwag kayong papatay agad kung ayaw niyong magkagulo. Control your anger." Ma-awtoridad na sabi ni Francois.
Ni isa kayna Zico at Kiro ay hindi siya pinansin.
Damn.
Sobra siyang nag-aalala kay Ella. Ano na kayang ginawa sa kanya nina Arian? Sinaktan na ba siya? Pinahirapan? Inabuso? He keeps on worrying.
All of them are worrying.
Ito na ang pangalawang beses na nangyari ito. Hindi nila alam kung makakaya ni Ella.
She needs to endure.
At..."Aray!"
Napahiyaw si Ella sa sakit ng batuhin siya ng upuan ni Arian. Bwisit na babae ito! Kapag siya ay nakalabas dito sa pesteng kulungan na ito she swear na mapapatay niya talaga ang babaeng ito.
"I hate you! I hate you!" Sigaw ni Arian at sinampal-sampal siya.
"Dahil sa'yo ayaw sa akin ni Zico! Because of you!"
Gusto na niyang umiyak.
She's hurt!
Gusto na niyang sampalin ng paulit-ulit si Arian. She wants to kill this girl right infront of her right now.
When will this misery even end? May katapusan pa ba ito?
She keeps on slapping her. Nararamdaman na niya na marami na siyang bukol na natamo kaya naman napapangiwi na lang siya kapag natatamaan iyon.
Her cheeks are bleeding.
Hindi na rin niya maigalaw masyado ang kanyang mga paa.
Kiro, where are you? Save me.
Sana makatakas pa siya. There's hope.
"Sana namatay ka na lang! Sana hindi ka na nabuhay! Epal ka sa pagmamahalan namin! Epal ka!" Sigaw ni Arian at sinabunutan pa siya.
"Ako epal?! Ako ang kapatid ni Zico! Sa tingin mo mamahalin ka niya? At anong pagmamahalan niyo?! Hindi ikaw ang mahal niya. Saktan mo ako ng saktan! Patayin mo man ako, hinding-hindi mapapasa'yo ang kuya ko! Damn you bitch! Makatakas lang ako dito mapapatay kita! You don't know what my brother is capable of lalo na kapag galit. I swear mapapatay ka niya." Galit na sigaw ni Ella.
"Are you threatening me right now?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arian.
"Why? Bakit kaya hindi mo ako kalabanin ng patas? Free me! You coward! Malakas lang ang loob mo dahil nakatali ako. We'll see! Kapag nakalabas ako dito isusubsob ko 'yang mukha mo sa pader!"
"You-"
Sasampalin na sana siya ni Arian ngunit may pumigil dito.
"Stop! Huwag mo siyang saktan kung ayaw mong patayin ka sa galit ni Zico." Inis na sabi ni Hunter.
"Hunter-"
"Pinayagan ka lang ng kuya mo na hawakan ito. Pero hindi niya sinabi na pakelaman mo."
"Argh!"
Padabog itong lumabas ng silid kasunod si Hunter.
Please, please, save me.
Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkirot ng mga sugat niya.
It freaking hurts, so much.
Isa na lamang ang pag-asa niya. Si Kiro...
Please gangster. I'm waiting...
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017