CHAPTER 16: Jane vs Francois

1.4K 40 0
                                    

CHAPTER 16: Jane vs Francois

"Giro bakit mo ba binato yung cellphone ko? Baliw ka ba?!" Naiinis na sabi ni Zico kay Giro.

"Sorry na. Kunin mo na lang, dun sa hagdan naglanding e!" Natatawang sabi ni Giro bago tumakbo palayo.

"Aish." Napahawak na lang si Zico sa kanyang batok habang tinitingnan ng hindi makapaniwala si Giro na tumatakbo papalayo.

Wala na siyang nagawa kung hindi pumunta sa hagdanan para kunin ang cellphone niya.

Dadamputin na sana niya pero nagulat siya dahil may iba ng kumuha nun. "Sayo ba 'to?" Tiningnan niya ng masama si Arian.

"Akin na 'yan!" Sigaw niya at kukunin na sana pero inilayo ni Arian ang cellphone ni Zico.

"Sinabi-" 

Hindi na naituloy pa ni Zico ang sasabihin niya dahil bigla na lang may nagsalita sa gilid niya.

"Grabe Zico, umalis lang ako, kinakausap mo na ang babaeng ito." Saad ni Athena habang nakatingin ng masama kay Arian na nakangisi na ngayon.

"Athena-"

"Huwag mo akong kakausapin. Ang kapal mo." Hindi makapaniwalang sabi ni Athena bago tuluyang umalis.

"Athena!" 

Mabilis naman na tumakbo papalayo si Athena kaya naman hindi na siya nahabol pa ni Zico. 

Tiningnan ni Zico ng masama si Arian at hinablot dito ang cellphone niya.

"Kahit anong gawin mo hinding-hindi kita magugustuhan. Ipapa-kick out kita dito sa Alpha Academy kapag napuno na ako sayo. Huwag mong asahan na close tayo. Masyado kang papansin, nakakasuka ang mga katulad mo." Naiinis na sabi ni Zico tsaka nilagpasan si Arian.

Magiging akin ka rin Zico.

Sa kabilang dako...

"El---este Bella ito nga pala brownies niluto ko. Tikman niyo nina Lia." Nakangiting sabi ni Francois kayna Bella na nandito sa canteen.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Bella.

"BELLA!" Napatingin naman sina Bella at Francois kay Althea ng sumigaw ito at lumapit sa kanila na may kasamang isang babae.

"Oh Althea andito ka na pala." Nakangiting sabi ni Bella kay Althea.

"Ay oo nga pala! Bella! Francois! Si Jane Yna Lauren nga pala yung pinsan ko." Saad niya atsaka tiningnan ang babae.

"Hi, nice to meet you. My name is Bella." Sambit niya.

"Ah, Jane."

Napatingin naman si Francois kay Jane. Halatang-halata na mahilig ito sa pink dahil halos lahat ng gamit niya ay kulay pink.

"Uy, ito nga pala brownies gawa ni Francois, tikman niyo." Sabay abot ng brownies kayna Althea.

"Wow! Ang sarap ang galing mo naman Francois!" Sigaw ni Althea.

"Salamat."

Napatingin naman silang lahat kay Jane ng sumigaw ito. "Eww! Ang pangit naman ng lasa! Nasira tuloy lipstick ko!" Maarte niyang sabi kaya naman bumulong si Francois kay Bella.

"Ella parang awa mo na pigilan mo ako. Masasabunutan ko talaga ang babaeng ito, napakaarte." Naiinis na sabi ni Francois kaya naman binulungan siya ni Bella.

"Kalma lang oppa. Babae yan ano ka ba."

Hindi niya pinansin si Bella at sinamaan lang ng tingin si Jane.

"Hmm... Pangit pala lasa ng luto ko?" Sarkastiko niyang tanong at tumango naman si Jane habang inaayos ang lipstick niya.

"Ikaw babae ka! Napakaarte mo! Akala mo napakaganda mo!" Sigaw ni Francois kaya naman pinigilan siya ni Bella.

"Uy kalma lang. Babae yan Francois, babae." Saad niya habang inaawat si Francois.

"Hey you! Huwag mo akong sigawan! E totoo naman ah! Ang pangit ng lasa and excuse me FYI ang ganda ko kaya." Sagot naman ni Jane bago umirap at nag-walk out.

Tinignan naman ng nag-aalala ni Althea sina Francois.

"Guys sorry pagbigyan niyo na siya. Sadyang maarte lang talaga ang pinsan ko. May trust issues kasi yan e." 

"Fine, nakakainis lang e." Ani naman ni Francois bago umalis.

Napahampas na lang sa noo niya si Althea.

"Siguro ang ipakilala sila sa isa't isa ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay." Hindi makapaniwalang sabi ni Althea habang bumuntong-hininga.

Natawa naman si Bella kaya napatingin sa kanya si Althea.

"Huwag kang mag-alala love-hate relationship pa lang sila." Natatawa niyang sabi.

Napatingin naman sa cellphone niya si Bella ng biglang tumawag si Zico.

"Oh bakit?"

"Tulungan mo ako nag-away kami ni Athena!"

"Ano na namang gagawin ko?"

"Basta tulungan mo ako! Bwisit na Arian na yan e. Ang gwapo ko kasi."

Napangisi na lang si Bella sa sinabi ni Zico.

"Grabe ang yabang ah. Oh ano kakalbuhin ko na ba?"

"Basta! Bahala na."

"Ewan ko sayo, kuya."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon