CHAPTER 33: Traitor

1.1K 34 1
                                    

CHAPTER 33: Traitor

Nagsimula na ang masquerade ball. Everyone is having fun, they're having the time of their life. Dahil isang beses lang mangyari ang masquerade ball sa buong highschool-college life, hindi nila ito pwedeng palagpasin.

Sama-samang nakaupo sa isang lamesa ang buong ALPHA kasama ang mga babaeng mahal nila.

Bukod na nga lamang kay Jane at Francois na patuloy pa rin ang pagbabangayan.

"Puwede na bang kumain?"

Napatingin silang lahat kay Ethan ng magtanong ito. Hindi makapaniwalang tinignan ni Kiro si Ethan.

"Ano bang pinunta mo dito? 'Yung mismong party o 'yung pagkain? Ha, hyung?"

Napa-pout si Ethan sa tanong ni Kiro na tila ba nag-iisip ng isasagot. "Yung pagkain." Nakangisi niyang sabi at hinila si Giro para kumuha ng pagkain.

"Kukuhanan ba namin kayo?" Tanong ni Giro pero walang pumansin sa kanila kaya naman patuloy silang dumiretso sa buffet.

Napahawak sa ulo niya si Irene habang si Althea naman ay hinahagod ang ilong nito. "Para akong nag-aalaga ng bata dahil sa kakulitan ng dalawang iyon." Pagod na sabi ni Irene.

"I feel you. Sobra nang sumasakit ang ulo ko sa pagka-childish ni Ethan."

Nagsitawanan sila para naman mawala ang mga alalahanin at puro good vibes lang ang maramdaman nila.

Limang minuto na ang lumipas ng dumating sina Giro at Ethan na may dalang isang malaking cart habang puno ito ng mga pagkain.

"Woah, sana naman nanggaling 'yan?" Tanong ni Francois.

"Walanghiya rin talaga kayo 'noh? Hindi ba kayo nahihiya?" Natatawang sabi ni Mark.

"Buti nga kinuhanan namin kayo! Magpasalamat na lang kayo ah!" Sigaw ni Ethan.

Tinawan siya nina Ella at kasabay naman 'non ang pagbibigay nila ng pagkain sa kanila. "Haha, may bago na tayong mga waiter." Saad ni Zico.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Giro kaya nag-aalangan siyang tumawa.

"P-Pero syempre j-joke lang 'yun." Pahabol niya tsaka ngumiti si Giro.

Nagsimula na silang kumain.

Hindi mapigilan ni Ella ang magulat ng maramdaman niyang hinawakan ni Kiro ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

"May problema ba Bella?"

Umiling siya sa tanong ni Mark at sinamaan ng tingin si Kiro. Ngumisi lang ito sa kanya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkapit sa kamay ni Ella.

Palihim na sinipa ni Ella sa paa si Kiro kaya naman nabitawan nito ang kamay ni Ella. Kinuha niya iyong opurtunidad para makaalis.

"Guys alis muna ako."

"Saan ka pupunta?" Ani ni Zico.

"Chillax! Mag-CR lang ako. Babalik rin agad, promise."

"Siguraduhin mo lang."

Mabilis na kumaripas ng takbo papaalis doon si Ella. Hindi niya magawang tignan si Kiro lalo na't alam niya na baka galit ito sa kanya. Lalo na ng dahil sa ginawa niya.

Pumasok siya sa loob ng CR at sinara ang isang cubicle.

Napasandal siya sa pintuan habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pagtibok nang kanyang puso sa kaba.

Lalabas na sana siya ngunit may biglang pumasok kaya naman nanahimik lang muna siya.

"Ah yeah kuya. Andito na kami. Hunter is waiting for me outside."

Naangisi agad si Ella ng mapagtanto niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yun.

Boses na sobra niyang pinagkakainisan.

Traitor. Arian.

"What the heck kuya? Anong bomba?"

Tahimik lamang na nakikinig si Ella sa usapan ng dalawa para hindi siya mahalata ni Arian.

Bomb.

May bomba?!

"Anong- Hey kuya! Anong bobombahin niyo itong gym ng Alpha Academy? Nababaliw na ba kayo! Pumayag lang ako na isama dito si Hunter pero hindi ko sinabi na bombahin niyo! What the-Yah! Hey kuya!" Galit na sigaw ni Arian.

Napasilip si Ella sa maliit na butas ng pinto.

Anong nangyayari?

"Bastos! Babaan ba naman daw ako ng tawag?! He must be crazy!"

Napalunok ng dahan-dahan si Ella. What is she doing is dangerous. Pero hindi na niya inalala ito.

I have to know.

"Uhm yah Hunter? Yeah. Ang sabi ni kuya umalis na daw tayo d'yan before the dance. Yep, bobombahin niya ang buong gym. Crazy right?!"

Napangisi si Ella.

I won't let that happen.

"K, bye."

Lumabas si Arian sa CR kaya naman napahinga ng maluwag si Ella at lumabas sa cubicle na pinagtataguan niya.

"I have to be fast."

Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader.

Its already 7:46 and the dance will start at 8:21. Marami pa siyang oras.

"I just have to find where that freaking bomb is."

Mabilis siyang lumabas sa CR at nag-ikot sa paligid. Pinuntahan niya ang lamesa nina Kiro at tinayo si Kiro.

"Saan kayo pupunta?"

"Babalik kami. May kailangan lang ayusin."

Hindi na umimik pa ang isa sa kanila at tumango na lamang. Alam na nila na seryoso si Ella dahil sa ekspresyon nito.

Tumigil sila ni Kiro sa labas ng gym.

"May problema ba? Why did you bring me here?"

"Wala ng oras Kiro. We need to find that bomb!"

He frozed.

"A-Anong bomba?"

"Naglagay sina Mike ng bomba dito sa gym at pasasabugin nila when the dance starts. We have to find it!"

"Are you crazy?!" Sigaw ni Kiro at tinignan ng diretso sa mata si Ella. "Sacrificing your life for a not sure situation, seriously?"

Bumuntong hininga si Ella bago tanggaling ang kamay ni Kiro sa kanyang mga balikat.

"Yes. At kung hindi mo ako tutulungan, pare-parehas tayong mapapahamak." Ani niya at nag-ikot na.

Hindi na nakasagot pa si Kiro.

Ayaw niyang masaktan si Ella.

Ayaw niyang... maulit pa ang dati.

Takot lang siya na mawala ulit sa kanya ang babaeng minamahal niya.

"Kiro!" Agad naman na napatakbo si Kiro sa direksiyon ni Ella.

"How to deactivate this bomb?"

Muntikan ng mapasampal sa kanyang mukha si Kiro ng dahil sa itinanong ni Ella. "Hindi ka marunong?"

"Kiro, 2 and a half minutes na lang!"

"What the f-"

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon