CHAPTER 40: The Truth
"Ate Athena!" Masayang bati ni Ella ng makarating sa bahay nina Athena.
Siya lamang ang pumunta ngayon dahil may mga ginagawa ang iba pang miyembro ng ALPHA. At isa pa, wala naman siyang gagawin ngayon kaya naisipan niyang puntahan na lamang dito si Athena.
Kaagad naman siyang pinagbuksan ng pintuan ni Athena. At nagulat siya ng makitang naandun sina Lia, Althea, Jane, Hannah, at si Irene.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya ng makapasok.
"Alam mo na, busy yung mga gangster eh. Kaya naisipan namin na matipon-tipon na lang dito." Nakangiting sabi ni Althea.
"Hays, buti na lang pumunta ako dito."
Umupo naman ang dalaga sa gilid nina Irene at Althea. Lahat sila ay nakaupo sa pabilog na sofa nina Athena.
"So anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Ella.
"Lets talk about... hm..." Pag-iisip ni Irene.
"Sandali ano nga ba ang magandang pag-usapan?" Tanong naman ni Athena.
"I don't know. Manood na lang kaya tayo ng TV?" Ani naman ni Hannah.
"Eh ang boring naman!" Angal ni Jane.
"Hindi ko alam." Saad ni Althea.
"Not me. Wala akong alam." Agad naman na sagot ni Lia ng tingnan siya ng lahat.
Napabuntong hininga naman sina Ella.
"Magluto na lang kaya tayo?" Tanong ni Ella.
"Great! May mga ingredients ako diyan gawa tayo ng hmm... carbonara!" Nakangiting sabi ni Athena at napangiti naman silang lahat.
Nagtipon sila sa kusina at nagsimula ng magluto.
Maya-maya pa ay nakarinig ng putok ng baril si Ella magmula sa labas at tiningnan niya ito sa bintana.
Kaagad siyang pumasok sa kusina. "Magtago kayo! Bilis! Magtago kayo!" Sigaw niya.
"Anong-"
"Shut up! Magtago kayo!" Sigaw ni Ella at hinila sila sa isang kwarto para magtago. "Magtago kayo sa closet. Parang awa niyo na, andito sina Mike. Please magtago kayo."
"Ano ba naman kasing problema-"
"Papatayin nila tayo! Magtago na kayo diyan! Huwag kayong lalabas kahit na anong mangyari." Inis na sabi ni Ella at ini-lock ang pinto tsaka lumabas.
Her heart is beating fast.
I am sacrificing myself again for the second time.
She's scared.
Pero mas natatakot siya kapag ang mga kaibigan niya pa ang nasaktan.
Mas pipiliin niyang magsakripisyo ng paulit-ulit at masaktan ng masaktan kaysa makita ang mga kaibigan niya na nasasaktan.
She picked up her gun na nakatago lamang sa kanyang bulsa.
Ella Crest
Iyan ang pangalan na naka-engrave sa kanyang baril.
It's now or never.
Itinago niya sa kanyang likod ang baril at dahan-dahan na bumaba.
"Sino ka?" Tanong ng isa sa mga tauhan ni Mike.
Ngumiti siya ng inosente.
"I'm your nightmare dressed like a daydream."
She fired the gun at tumama ito sa balikat ng lalaki.
Agad naman na nagsipasukan ang iba pa nitong kasama.
"Anong nangyari sa'yo?!" Sigaw ng kasamahan nito at napatingin sa kanya.
"Sino ka ba talaga?! Bakit andito ka sa bahay ng Athena na 'yun?! Nasaan sila?"
"Hindi ko alam!"
Tatakbo na sana siya ngunit may humawak sa kanyang braso at ibinato palayo ang baril niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng nakitang pumasok si Arian. "Woah, ano namang ginagawa ng Bella na 'to dito?" Nakangisi niyang tanong at lumuhod.
Ngayon ay magkapantay na sila ng mukha ni Ella.
"Sino ka ba talaga Bella Alvarez?" Tanong niya.
Ngumisi naman si Ella.
This is it. This is dead end. Kung mamamatay man siya pagkatapos nito, kailangan na niyang sabihin lahat.
I can't hide and run forever.
"I am Ella Crest. Nakababatang kapatid ni Zico. Ang girlfriend ni Kiro Minlay at ang Alpha's Princess." Nakangisi niyang sagot at napaatras naman si Arian. Nilakasan niya ang sagot para marinig nina Athena.
"BUHAY KA?!"
Yes, pretty much.
"Yeah, at bilang kapatid ni Zico sa tingin mo papayag akong maging sa 'yo siya? Keep on dreaming!" Galit niyang sigaw.
"Asan na si Athena?!"
"Wala siya! Kaya pwede ba? Manahimik na nga yung bunganga mong ang sarap pasakan ng bala." Inis niyang sabi kay Arian.
"How dare you!" Malakas niyang sinampal si Ella kaya naman napangiwi ang dalaga.
"Akin si Zico! Akin lang! Dalhin niyo na 'yan, kalimutan niyo na 'yung Athena. Mas maganda itong kapatid niya. Sigurado ako na babalik agad ang future husband ko." Nakangiting sabi ni Arian.
"Lumaban ka ng patas! Mahina ka! Pakawalan niyo ako at lumaban ka! Coward!" Inis na sigaw ni Ella habang hinihila siya papalabas ng bahay at isinakay sa van.
Once again, she sacrificed herself. And this time its gonna be a bloody fight.
Nang makaalis na ang lahat ng tauhan nina Arian ay lumabas na sa pinagtaguan nila sina Athena at nagtungo sa sala.
Narinig nila. Lahat.
"So, all this t-time... buhay ang bestfriend ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Irene.
"She lied to us!" Galit na sigaw ni Jane.
"Oo nagsinungaling siya. Pero alam niyo ba ang pinagdaanan niya ng isang taon? Ako ang kasama niya magmula ng nawala siya." Ani naman ni Lia.
"Alam mo?!" Sigaw ni Hannah.
"Ako rin alam ko. At alam na rin ng buong ALPHA. This is the second time na nagsakripisyo siya. She loves putting herself in danger." Nag-aalalang sabi ni Athena.
"Paano na ito? She's gone." Ani ni Althea.
"Tawagan niyo sina Kiro."
"Magagalit 'yun-"
"Its best for them to know! Kaysa naman mamatay si Ella at wala pa tayong ginagawang kilos! I swear ako ang tatapos sa Arian na 'yun!" Sigaw naman ni Athena. "Ako dapat ang nakuha, hindi siya." Naiiyak niyang sabi.
"Ella Crest? Diba ito yung baril niya?" Napatingin sina Athena kay Jane na may dinampot mula sa sahig.
"Yeah at kailangan nating ibalik 'yan sa kanya."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017