CHAPTER 15: Fountain

1.5K 44 7
                                    

CHAPTER 15: Fountain

"Kiro!" Nakangiting bati ni Bella sa kanya.

Napatingin naman si Kiro sa gawi ni Bella habang tumatakbo ito papunta sa kanya.

Bigla siyang nilapitan ni Bella at bumulong. "Sumunod ka na lang. Huwag kang mag-alalala, relax." Bulong sa kanya ni Bella kaya naman napangiti siya.

"O sige, anong meron?" Nakangiti niyang sabi.

"Wala lang. HAHAHA! Bye Kiro!" Nakangiting sabi ni Bella bago tumakbo sa kanyang klase.

"Kahit kailan talaga..." Napapailing na sabi ni Kiro habang nakatingin kay Bella na tumatakbo.

"Hi Kiro!" Napatingin si Kiro sa babae na lumapit sa kanya.

Pero hindi niya ito pinansin at nilagpasan na lang. 

"Isa na naman sa fangirls ko. Nakakainis bakit ba ang gwapo ko?" 

 Napailing na lang siya at hinawakan ang batok niya.

Ngunit...

"Athena, kamusta ka na?" Tanong ni Zico sa telepono habang kausap si Athena.

"Maayos lang ako. Kayo?"

"Ganun rin. Nalaman na nila." Nakangiting sabi ni Zico habang nakatingin sa kawalan.

"Mabuti naman. Malapit ng matapos yung gawain ko kaya uuwi na ako agad d'yan." Excited na sabi ni Athena kaya naman mas lalo pang napangiti si Zico.

"Kailan?" 

"Secret! Bye!" Natatawang sabi ni Athena atsaka binabaan ng tawag si Zico.

"Ha... Kaya mahal na mahal ko e." Nakangisi niyang sabi atsaka ibinulsa ang cellphone niya.

Nagulat naman siya dahil tumunog ulit yun kaya naman napatingin siya.

Athena calling...

"Hays ang bilis mo naman akong mamiss... So kailan ka babalik?" Naangising sabi ni Zico habang pinipigilan ang ngiti niya.

"Secret pa rin. Tumawag lang ako para ipaalala sayo na lumayo ka kay Arian. Mananagot ka talaga sa akin."

"Paano kung ayoko?"

"E di ayaw mo. bahala ka sa buhay mo Zico-"

"Huy! Sandali lang!" Habol niyang tawag kay Athena.

"Ano ba yun?! Dun ka na lang sa Arian na yun! Argh!" Padabog niyang sabi.

"Uy sorry na. Oo na lalayo na ako may nakalimutan lang akong sabihin."

"Ano 'yun?"

"I love you." Nakangiting sabi ni Zico.

"Bahala ka sa buhay mo. Oo na I love you."

Pagkasabi nun ni Athena ay mabilis niyang tinapos ang tawag kaya naman napangisi si Zico.

"Selosa talaga..."

At...

Nakatayo lang dito sa harap ng fountain si Bella.

Kakatapos lang ng klase niya sa Alpha Academy kaya naman naisipan niya na pumunta dito.

"Alam mo ba na sabi nila kapag nagtapon ka ng bato dyan sa fountain at isinulat mo dun 'yung wish mo... magkakatotoo raw." Napatingin naman siya sa lalaking tumabi sa kanya.

"K-Kiro bakit ka andito?" Tanong ni Bella.

Lumapit naman si Kiro at binulungan si Bella.

"Para sabihin yung wish ko." 

Palihim naman napangiti si Bella dahil sa sinabi ni Kiro.

"Ella Crest..." Nanlaki ang mga mata ni Bella ng sabihin iyon ni Kiro.

"Bakit mo sinabi yun? Sabi ko naman sayo-"

"Walang tao dito na nakakakilala sa atin kaya ayos lang." Nakangiti niyang sabi.

Napatingin naman si Bella kay Kiro ng kumuha ito ng isang bato sa gilid ng fountain at iniabot kay Bella. "O-Oh, bakit?"

"Magwish ka."

"Ikaw, hindi ka ba magwiwish? May marker ako ditong dala, Kiro."

"Hindi ko na kailangan magwish..." Nakangiting sabi ni Kiro. "Dahil yung wish ko naman ay matagal ng natupad..... Ang makita kang buhay ulit at masaya." 

Tiningnan siya ng diretso ni Bella at bigla nalang napangiti.

"Ako kasi hindi pa natutupad wish ko."

"Ano ba wish mo?" Tanong ni Kiro.

"Secret." Sabi ni Ella atsaka nagsulat sa bato pero habang nagsusulat ay hindi niya pinapakita kay Kiro.

"Oy, ano ngang wish mo. Andaya mo." Angal niya.

"Di ko kasalanan, ang daldal mo kaya."

Bago pa man makuha ni Kiro ang bato ay ibinato na iyon ni Ella sa fountain at tinignan ng nakakaloko si Kiro.

"Ngayon, tingnan natin kung magkakatotoo nga." Nakangiting sabi ni Ella kaya napangiti si Kiro at hinawakan ang bewang niya.

"Sige ba."

Lumapit naman sa kanya si Ella atsaka syang hinalikan.

"Mahal na mahal kita... gangster."

"Mahal na mahal rin kita... Ella."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon