CHAPTER 8: New Friend

1.4K 54 4
                                    

CHAPTER 8: New Friend

Mabilis na tumakbo si Bella papuntang garden dahil nakarinig siya ng maraming sigaw.

"Anong nangyayari?" Tanong niya sabay tingin sa mga estudyante.

"Ah Ella---este Bella! Nahulog kasi itong babaeng mula sa puno. Wala siyang malay." Lumapit si Bella doon sa babaeng nakahilata sa sahig at walang malay.

"Ah sige, ako na bahala dito. Dadalhin ko siya sa clinic. Gagamutin ko ang sugat niya." Sagot naman ni Bella.

"Pero-" Hindi na pinasalita pa ni Bella ang estudyante. "Basta sumunod na lang kayo! Gusto niyo bang mamatay itong babaeng ito?!" Sigaw niya pero umiling lang ang mga estudyante.

"Pero bakit mo ba siya tinutulungan hindi mo nga manlang kilala ang taong 'yan." Saad naman ng isang estudyante kaya medyo nainis si Bella.

"Pwede ba? Alam ko ang pakiramdam na tulungan ng taong hindi naman ako kilala. Kaya magsitahimik kayo!" Sigaw niya at mabilis na dinala ang babae sa clinic.

Sa hindi naman kalayuan ay nakatingin lamang kay Bella ang lalaking nagtatago dito sa likod ng poste.

"Kahit kailan wala ka pa ring pinagbago. Kailan ka ba babalik?" Napabuntong hininga na lamang ang lalaki at mabilis na umalis.

Sa kabilang banda naman ay dinala ni Bella ang babaeng walang malay sa clinic at ginamot ang mga sugat nito.

"Hays, kakaiba talaga ang mga tao ngayon." Sambit niya habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama at walang malay.

Napatingin naman si Bella sa I.D ng babae at kinuha niya iyon. "Althea Jai Alonzo? 22 years old?" Napangiti na lamang si Bella at medyo nagulat dahil iminulat ni Althea ang kanyang mga mata.

"Teka asan ako? Sino ka? Anong ginawa mo sa akin?!" Mabilis na napaupo si Althea at sumandal sa kama.

"Sandali huwag kang maingay. Ginamot ko lang ang mga sugat mo at dinala ka sa clinic. Hindi ako doktor pero marunong akong gumamot. Nahulog ka daw kasi sa puno. Ano bang ginagawa mo sa puno?" Tanong naman sa kanya ni Bella.

"Ah ganun ba? Salamat. Bago palang kasi ako dito pero hinabol kasi ako ng mga aso kaya ayun napadpad ako sa puno. Teka, 'diba ikaw yung sinasabi nilang kamukha ni Ella? Walang pinagbago ang ugali mo sa kanya."

Napakunot na lamang si Bella sa sinabi sa kanya ni Althea.

"Oo nga pala nabasa ko sa I.D mo na Althea Jai Alonzo ang pangalan mo? Tama ba ako?" Tumango si Althea bilang sagot.

"Pero ito ang sasabihin ko sa'yo ah. Hindi ako si Ella kamukha ko lang."

"Ah, okay. Ang bait mo naman. Bakit mo nga pala ako tinulungan e hindi mo nga manlang ako kilala?" Biglang tanong sa kanya ni Althea kaya naman bahagyang natawa si Bella.

"Kanina pa nga nila ako tinatanong d'yan e. Wala naman talaga akong rason. Sadyang nakikita ko lang ang sarili ko sa'yo dahil nung kinailangan ko rin ng tulong... May tumulong sa akin kahit na hindi naman niya ako kilala." Sagot naman ni Bella sabay nginitian si Althea.

Yung mga ngiting hindi niya ipinakita ng ilang buwan.

Yung nginiting hindi niya ibinigay kay Arian.

Yung mga totoong ngiti niya na nagsasabi na masaya siya. Ngunit hindi naman. Bakit ba ganun ang mga tao? Hindi na nga sila masaya pinipilit pa nilang ngumiti. Tsk.

"Ganun ba? Kawawa ka naman."

Nginitian na lamang niya ulit si Althea.

"Since bago ka lang naman dito. May kaibigan ka na ba?" Tanong sa kanya ni Bella pero malungkot naman na umiling si Althea.

"Well turns out... wala. Loner ako e tapos lagi pang binubully." Nakasimangot na sabi ni Althea kaya naman hinawakan ni Bella ang kanyang ulo at mahina itong tinapik.

"Gusto mong maging kaibigan ko?" Tanong niya.

Nginitian naman siya ni Althea. "Talaga? Ang bait mo naman! Buti talaga at nahulog ako doon sa puno kasi kung hindi baka hindi kita magiging kaibigan ngayon." Natawa na lamang si Bella sa sinabi ni Althea.

"Basta sa susunod mag-ingat ka."

"Yes ma'am!"

Binuksan ng dahan-dahan ni Kiro ang pintuan sa kwarto ni Ella dito sa mansion ng AHQ. Hindi siya pumasok ngayong araw pero narinig niya ang ginawa ni Bella.

Matagal na rin magmula ng pumasok siya dito sa kwarto ni Ella.

Kahit walang gumagamit nito lagi pa rin nilang pinapalinis. Hindi niya ito kayang ipagamit sa iba dahil marami siyang ala-ala ni Ella ang nakadugtong dito sa kwartong ito.

Hindi niya ito maipagamit sa iba dahil sa isa pang dahilan. Dahil sa pag-asa na babalik pa si Ella balang araw. At magmamahalan na sila ulit... pero mukhang malabo ng mangyari ang lahat ng iyon.

"Ella, hihintayin kita. Nahintay ko ngang mahalin mo ako. Ngayon pa kaya? Atsaka isa pa, hindi ko pa nasasagot ang tanong mo kaya hindi pwedeng mamatay ka. Mabubuhay ka. Alam kong buhay ka. Babalik ka sa akin."

Napangiti siya ng mapait.

"Atsaka, nasa iyo kaya yung susi ng diary ko kaya hindi ko mabuksan at masulatan. Kapag bumalik ka masusulatan ko na iyon. Kaya please lang bumalik ka na? Please..."

Magsasalita pa sana siya pero nagulat siya dahil may tumawag sa kanya sa baba.

"Kiro! Halika dito sa baba! May mga nagpadala ng mga impormasyon." Sigaw nina Francois.

"Importante ba 'yan?" Sigaw ulit ni Kiro pero sumigaw ulit si Francois.

"Oo kaya bumaba ka na dito kung ayaw mong ipatadyak kita kay Ethan!"

Napailing na lang si Kiro na naiinis.

"Kahit kailan ang wrong timing nila."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon