CHAPTER 26: Water Gun

1.1K 36 1
                                    

CHAPTER 26: Water Gun

Nakatitig lamang si Lia dito sa hawak niyang libro. Wala siyang magawa kaya naisipan na muna niyang magbasa ng paborito niyang libro.

Math.

Isa siya sa mga taong mas pipiliin magbasa ng mga ganong libro.

"Busy ka?" Napatingin siya sa taong nasa bintana.

"Anong ginagawa mo d'yan? May pinto naman!" Sigaw ni Lia at binuksan ang bintana para kay Mark.

"Mas malapit." Napairap si Lia dahil sa sinabi ni Mark at itinabi ang libro nito.

"Ano bang ginagawa mo dito sa bahay? Diba may lakad kayo?" Tanong niya.

"Bukas pa 'yun tsaka kasama ka."

Napangiti na lang siya.

"Gusto mo ba ng juice?" Saad ni Lia pero umiling si Mark.

"Water will do."

Maya-maya...

"Seryoso ka? Ang astig." Sabi ni Mark habang pinapanood si Lia na magcomputer.

Ipinapakita kasi sa kanya ni Lia kung paani siya mag-code sa computer. At iba pa, na pwede nilang magamit sa pagkuha or paghack ng ibang websites para sa impormasyon.

"Huwag mong sabihin na ngayon mo lang nalaman 'to? Diba lagi kang top 1?" Tanong ni Lia.

"Ah oo. Pero specialty ko talaga ang math." Sambit niya.

"Ah, ako kasi math at computer."

Napayakap na lamang si Mark kay Lia.

"Ang swerte ko naman sa girlfriend ko, matalino na, maganda pa."

Napangisi na lang si Lia.

"Mahina naman makipaglaban. Si Ella pa nga ang nagtuturo sa akin kung paano mag-arnis dati." Natatawa niyang sabi.

"Maayos lang 'yun. Lahat naman ng bagay pinag-aaralan... Pati ang magmahal."

Sa kabilang banda...

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Ella na nakaupo dito sa gilid ng fountain. Naiinis siya kay Kiro dahil sa naganap kanina sa haunted house.

Alam naman kasi ni Kiro na takot siya sa multo ngunit pinilit pa rin niya ito.

Ngayon lang siya natakot ng ganito sa buong buhay niya. Takot siya dati sa gangsters pero hindi na ngayon. Ngunit ang takot niya sa multo ay kailan man hindi magbabago.

Takot siya sa multo. Bata pa lamang.

Naisipan niyang sundan kung saan dumaan si Kiro. Napadpad siya sa harap ng mga restroom ag nakita niya sa gilid si Kiro na may kasamang dalawang babae.

"Babaero." Bulong niya.

"Wow so Kiro pala name mo? Diba ikaw yung maknae ng Alpha Gang? Ang astig mo, grabe." Maarteng sabi ng babae habang nakahawak sa braso ni Kiro.

Napapangisi na lamang si Ella habang pinapanood sila.

Hindi naman siya napapansin dahil sobra silang busy.

"Tsk. Loyal pala ah?" Hindi makapaniwalang bulong ni Ella.

"I heard na patay na pala girlfriend mo? Last year pa? Yung Alpha's Princess? Diba siya yung kapatid ni Zico?" Tanong nung babae habang nagpapabebe sa harap ni Kiro.

Hindi naman nila makikilala si Ella dahil may suot itong face mask. Na sakop lang ang labi niya.

"Uh..." Si Kiro na hindi makasagot.

Lagot ka sa akin Kiro! Akala ko ba, masungit 'to?!

Napairap na lamang siya at naglakad papalayo upang kunin ang kailangan niya.

Dumiretso siya sa isang shooting game at humiram ng water gun.

"Ah miss peram muna. Ibabalik ko na lang mamaya." Paalam niya at tumango na lamang ang babae.

Bumalik si Ella sa lugar nina Kiro. Nandun pa rin sila at nilalandi pa rin ng mga babae si Kiro kaya naman napangisi siya.

Lagot kayo ngayon.

Dahan-dahan siyang lumapit kayna Kiro at sumigaw.

"Ahh!"

Binugahan niya ng tubig yung dalawang babae at nabasa rin ng konti si Kiro.

Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawang babae at sinigawan.

"Yah! What's your problem?" Maarte nilang tanong.

Tiningnan naman ni Ella si Kiro na pigil na pigil ang tawa.

"Oops sorry. Nadulas kasi kamay ko. Bye!" Mabilis naman na tumakbo si Ella para ibalik ang water gun.

Tumakbo agad siya sa parking lot at sasakay na sana ng kotse ng maalala niya na wala sa kanya ang susi.

Argh nakakainis.

Humanap siya ng kahit anong pwedeng buksan ang kotse pero wala siyang makita bukod sa isang malaking kahoy.

"Hindi ko naman pwedeng sirain sasakyan ni Kiro..." Panghihinayang niya.

Nagulat na lamang siya ng may humila sa kanya tsaka siya isinandal sa kotse.

"Argh! Ano bang problema mo?!" Galit niyang sigaw kay Kiro.

Napangisi naman si Kiro bago ilapit ang noo nito kay Ella.

"Selos ka?" Tanong ni Kiro.

Malamang girlfriend mo ako! Baliw ka ba?! Isip ni Ella ngunit umiling lang siya kaya mahinang natawa si Kiro.

"Sigurado ka? Kung ganon, bakit mo binasa yung dalawang babae? Nabasa rin tuloy ako." Sabay ngisi.

Napayuko na lamang si Ella.

"Gaya nga ng sabi ko, nadulas kamay ko."

Tutulak na sana ni Ella sa Kiro pero hinawakan ni Kiro ang parehas niyang kamay.

"Alam mo namang mahal kita diba? Ikaw lang. Girls like that will never be a threat to your place in my heart." Pagmamalaki niya.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Ella. "Yabang." Angal niya.

"Huwag ka ng magalit sa akin. I told you I'm sorry... Hindi ko sinasadya. Masyadong madilim pero hinanap naman kita agad. Ikaw kasi... ang sungit mo." Kiro sighed. "Bukas pala aalis tayo kasi bibisitahin natin sina Jane daw? Basta."

Tumango na lamang si Ella.

"Sa susunod talaga ink na yung ise-spray ko." Ani niya bago pumasok ng sasakyan kaya natawa naman si Kiro.

"Aasahan ko 'yan."


Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon