CHAPTER 5: Closer

1.7K 58 0
                                    

CHAPTER 5: Closer

Nandito si Bella sa rooftop. Ngayon niya lang napuntahan ang lugar na ito kaya naman sobra niyang saya. Lalo na't medyo malakas ang hangin dito.

"Ella... Ella... Ella..." Pag-uulit niya.

Napasimangot na lamang siya habang nakatingin sa kawalan.

"Hays, kailan kaya matatapos ito? Gusto ko na magbagong buhay." Ani niya at ngumiti ng mapait. "But still... I chose this." Sambit pa niya.

"Hey." 

Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Kiro na nakatayo sa likuran niya at agad na umupo sa tabi niya.

"Bakit ka andito?"

"We own this school. You got a problem with that?" Maangas at nagbibirong sabi ni Kiro. 

Napailing si Bella.

"Alam mo? Sobra talaga kayong magkamukha." Saad ni Kiro. Inirapan lang siya ni Bella.

"Nakita ko 'yung picture niya, alam ko. Ganoon mo ba siya minahal? To the point na isasakripisyo mo buhay mo?" Ani ni Bella kaya natawa ng mahina si Kiro.

"It should've been me. I was suppose to sacrifice myself. Pero wala e, siya 'yung nabaril. Alam mo ba na ikaw lang ang taong nginitian ko pagkatapos ng isang taon ng pagkawala niya?" Huminga ng malalim si Kiro.

"Weh?"

"Oo. It feels so weird, I don't know why. Hindi dahil sa magkamukha kayo pero may kakaiba akong nararamdaman sa 'yo e. Paano nga talaga kung ikaw si Ella at nagka-amnesia ka lang? But if you're not Ella... Would I be cheating right now?" Tanong ni Kiro.

"Hindi pwede na maging ako si Ella. Hindi ko nga nakilala ang mga magulang ko. Si Lia lang ang kasama ko dati pa." Sagot ni Bella at tumayo. "And please, you're not cheating dahil walang namamagitan sa atin. Be loyal to your girl and stop pestering me."

"Sige, d'yan ka na. Aalis na ako." Saad niya kay Kiro at umalis.

Napatingin si Kiro sa panyo na nahulog galing kay Bella kaya naman kinuha niya iyon.

E:C

What the heck? Isip ni Kiro.

Napailing si Kiro at tumayo tsaka hinanap si Bella. Napaisip siya kung ano ang ibig sabihin ng nakatahi na letra doon sa panyo.

"Hey, nakita niyo ba si Bella?" Tanong ni Kiro sa mga mag-aaral na nakakasalubong niya pero ang tanging sagot lamang na nakuha niya ay 'hindi'.

Dumiretso na siya sa AHQ dito sa school para tanungin ang kanyang mga hyung.

"Hyung! Nakita mo ba si Bella?" Tanong niya. Napatingin naman sa kanya si Giro na busy sa paglalaro ng computer game.

"Ewan ko. Tanungin mo si Zico! Naglalaro ako dito." Iritado niyang sabi atsaka pinagpatuloy ang paglalaro.

Napatingin naman si Kiro kay Zico na nakatingin lang sa kanyang cellphone.

"Zico nakita mo ba si Bella?" Tinignan siya ni Zico. 

"Oo nasa library siya kanina. Bakit, anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Zico.

"Ibabalik ko lang yung panyo niya. Nahulog e." Sambit ni Kiro at ipinakita kay Zico yung panyo na hawak niya.

"Ahh..."

Mabilis na tumakbo papunta sa library si Kiro at nakita niya doon si Bella na kausap si Lia.

Nagtago siya muna sa likod ng mga book shelf.

"Hoy Bella Alvarez. Umayos ka ng kilos mo. Alam kong nahihirapan ka pero kailangan mo itong gawin diba?" Ani ni Lia at tumango naman si Bella.

"Pero hindi naman kasi biro e. Sobra na akong nahihirapan. Lia, alam mo naman na hindi ako magaling magtago ng sikreto. Parehas lang tayo. Paano kung—" napatigil sa pagsasalita si Bella ng takpan ni Lia ang labi niya.

"Just shh... Gawin mo kung ano ang tama. Para sa mga magulang mo." Saad ni Lia.

"E wala na nga diba?" Sagot naman ni Bella kaya umiling si Lia.

"May paraan sa lahat ng problema kaya huwag ka munang sumuko. Choice mo 'yan kaya alam mo kung anong gagawin." Napabuntong hininga si Bella sa sinabi sa kanya ni Lia.

"Fine kaya ko 'to. I don't have a choice, do I?" Napangiti parehas sina Lia at Bella.

Napatingin naman ng nakakunot ang noo ni Kiro sa kanilang dalawa.

Ano bang sikreto? Ano ba ang totoong katauhan mo? Bella Alvarez?

Napatingin siya sa panyo na hawak niya.

"Hoy Bella!" Napatingin sa kanya si Bella at nanlaki ang mga mata. 

"B-Bakit?"

"Naiwan mo!" Sabi ni Kiro sabay bato kay Bella ng panyo niya.

Ngumiwi si Bella.

"Salamat Kiro. Bye!" Sagot niya atsaka hinila paalis si Lia.

Napatingin si Kiro kay Bella.

"Paano nga kung ikaw si Ella? Kailangan kong mapalapit pa lalo sa 'yo. Kailangan kong malaman lahat ng tungkol sa iyo... Bella Alvarez."

Napangisi si Kiro.

"Bakit ba naging kamukha mo pa si Ella?" Frustrated na tanong ni Kiro at umiling.

"Sino ka ba talaga Bella Alvarez?"

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon