CHAPTER 24: Haunted House

1.2K 37 3
                                    

CHAPTER 24: Haunted House

Ngayong araw naisipan ni Francois na pumunta sa mall. Wala naman siyang gagawin kaya naisipan niyang bumili ng groceries.

Since wala namang may gusto na gawin ang bagay na 'yun... Wala na siyang magagawa dahil siya na lang ang maaasahan. Wala naman si Ella para tulungan siya.

"Talagang walang nag-abala na tumulong..." Inis niyang sabi habang kumukuha ng cart.

Tiningnan niya ang listahan ng kanyang mga bibilhin. Ngayon ay pinagsisisihan na niya na tumira siya sa iisang bahay kasama ang anim na gangsters na napakatamad.

Nagsimula na siyang mag-ikot. Ngayon lang niya na isip na pwedeng pampatanggal ng stress ang grocery shopping.

Nakuha na niya lahat ng kailangan niya bukod sa isang bagay. Ang pinakamamahal niyang Mario. Dahil sinira na naman ito ni Mark noong isang araw.

Isa na lang ang natitirang Mario mug kaya naman aabutin na sana niya ito ng may bigla ring hahablot nito.

Agad niya itong kinuha upang hindi makuha ng kaagaw niya.

Napatingin siya.

"Anong ginagawa mo rito Jane?!" Sigaw ni Francois na gulat na gulat.

"Why would I answer you? Ako dapat ang nagtatanong niyan. Give me my Mario mug back!" Maarte niyang sigaw.

Nginisian siya ni Francois.

"I'm afraid you can't. As you can see mas nauna akong kumuha. Isa pa, limited edition kaya 'to." Ani ni Francois habang nakahawak sa mug.

"I really hate you Francois! Argh!" Saad ni Jane at nagwalk out.

Napangisi na lamang si Francois at tiningnan si Jane habang naglalakad papalayo. Mahilig rin siya sa Mario? And she's such a headache. Ang hilig magwalk-out.

Ibinaling naman ni Francois ang tingin niya sa hawak niyang Mario mug.

"Destiny sucks. Why do we always cross each other's path? Ang sama ng ugali ng babaeng 'yun, maarte pa." Ani ni Francois. "Mabuti na lang at hindi siya sa Alpha Academy nag-aaral. Mababaliw ako kung lagi kong makikita ang mukha niya."

Ngunit...

"Seryoso ako Kiro! Hindi talaga ako lalabas ng sasakyan mo!" Naiinis na sabi ni Ella kay Kiro na nakatayo lamang sa labas ng kotse.

Kasalukuyan na silang nandito sa Amusement Park. Gusto man bumaba ni Ella dahil mahilig siya sa mga rides ay hindi niya magawa.

Lalo na't dadalhin pa siya ni Kiro sa haunted house.

"Bilisan mo na. Ano bang meron sa haunted house? Gawa-gawa lang 'yung mga multo dun." Tanong ni Kiro kay Ella.

Sinamaan ni Ella ng tingin si Kiro. "Kasi takot po ako sa multo! Ang yabang mo, porket hindi ka takot sa multo. Saan ka ba takot ha?" Inis na sabi ni Ella.

Binuksan naman ni Kiro ang bintana ng kotse at lumapit doon para makausap ng mas malapitan si Ella.

"Takot akong mawala ka."

Inirapan naman siya ni Ella.

"Seryoso talaga ako Kiro! Kapag dinala mo ako sa haunted house sisipain ko ang mga multo dun!" Pananakot ni Ella.

"E 'di sipain mo. Basta huwag mo akong sasabunutan." Saad ni Kiro.

"Pero bakit ba kasi? Dati naman takot ka sa gangsters pero hindi na ngayon. Ganun rin 'yun sa multo." Ani ni Kiro.

"Malay ko bang may mga baliw na gangsters na katulad niyo! Lalo na si Giro at Ethan!" Naiinis na sigaw ni Ella.

"Oh isipin mo na lang na sila 'yung mga multo. We will overcome your fear of ghosts kaya halika na." Umiling si Ella.

Bumuntong hininga naman si Kiro atsaka tinignan si Ella.

"Hindi naman kita pababayaan. Trust me."

Inikot na lang ni Ella ang kanyang mga mata.

Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumama na lang kay Kiro.

Isa pa, ito ang una nilang bonding ng magkasama pagkatapos ng isang taon.

"Pasalamat ka at mahal kita, gangster. Kung hindi talaga, kanina pa ako tumakas." Bulong ni Ella.

Tumango-tango na lang si Kiro at pumasok na sila ng amusement park.

Few minutes later...

"Ayoko Kiro!" Sigaw naman ni Ella habang humahawak sa railings ng haunted house.

Kanina pa siya ganito.

"Ella, you're just embarassing yourself. Tara na, people are looking. I don't want them looking at us." Saad ni Kiro.

Sumunod na lamang si Ella kay Kiro. Pagpasok nila sa loob ng haunted house ay mahigpit siya nakakapit sa braso ni Kiro at nakapikit.

Ayaw niyang dumilat. Ayaw niya lalo pa at madilim kaya wala siya halos makita.

Mas lalo siyang napayakap kay Kiro ng may marinig na ingay.

Si Kiro naman ay kalmado lang habang ang iba pang tao dito sa loob ng haunted house ay sigaw ng sigaw.

"K-Kiro? Kiro!" Naramdaman na lamang ni Ella na wala na sa tabi niya si Kiro.

May nakasabay pa siyang limang babae na nagtatakbuhan. Wala siyang masyadong makita kaya napaupo na lamang siya sa isang gilid.

"Kiro! Kiro... Asan ka na?! Huwag mo akong iwan!" Iyak niya.

Gusto man niyang tumakbo at hanapin si Kiro ay hindi niya magawa dahil natatakot siya.

"Kiro!" Sigaw niya.

Pero wala siyang marinig na kahit anong sagot.

"Kiro huwag mo akong iwan. Please, natatakot ako." Bulong ni Ella habang nakayakap sa tuhod niya.

Marami siyang naririnig na sigawan at takutan pero wala siyang magawa kung hindi ang umiyak na lang.

"Kiro..."

"Shh, andito ako. Hindi kita pababayaan."

Naramdaman na lamang niya na may yumakap sa kanya.

"I hate you."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon