CHAPTER 17: Doctor
"Kiro, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Bella kay Kiro sa telepono.
"Pupuntahan kita sa bahay niyo?" Tanong ni Kiro.
"Sige..."
Maya-maya pa ay dumating na si Kiro habang may dalang mga pagkain.
"Ella?"
Mabilis naman na pinagbuksan ni Ella ng pintuan si Kiro pero nagulat siya ng bigla na lang siyang niyakap ni Kiro.
"Namiss kita."
Napangiti na lang siya. "Ako rin."
Dumiretso na sila sa sala. Wala ngayon dito dahil may lakad sila ni Mark. Lagi na lang. "Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong ni Kiro habang kumakain.
"Bakit ayaw mo akong makita?" Nakasimangot na sabi ni Ella.
"Don't do that, you're cute. It's my weakness." Natawa ng mahina si Ella sa sinabi ni Kiro.
"Oo na."
"Bakit mo nga ako tinawag? May sasabihin kang importante?" Tanong ni Kiro at tumango si Ella.
"Ah... Kiro kasi..." Panimula niya.
"Ano 'yun?"
"Nakausap ko na sina mama at papa tungkol dito kaya sasabihin ko na sa 'yo." Saad naman ni Ella kaya medyo kinabahan si Kiro.
Hinawakan niya ang parehas na balikat ni Ella at tinignan ng diretso. "Bakit may problema ba? May umaaway ba sa 'yo? Nasan na? Harapin niya ako." Matapang niyang sabi kaya napangiti si Ella.
"Hindi 'yun. Napag-isipan ko kasi na gusto kong maging doctor."
Napaatras naman ng konti si Kiro at tinignan si Ella na hindi makapaniwala.
"Weh? Seryoso ka?" Tanong sa kanya ni Kiro.
"Oo nga. Sa isang taon na nawala ako pagdodoctor ang pinag-aralan ko. Madalas akong nagvo-volunteer kaya nga magpapaalam sana ako." Ani ni Ella.
"Ano?"
"Mawawala ako ng isang linggo dahil may volunteer work ako sa Africa." Mabilis naman na napahampas sa lamesa si Kiro dahil sa narinig niya.
"Seryoso ka ba?! Sa Africa? Isang linggo? Paano kung may mangyaring masama? Ha?" Tanong ni Kiro kaya napailing si Ella.
"Huwag kang mag-alala kasama ko naman si Althea. Kaso nga lang male-late yung flight niya at mauuna ako dahil delay." Sambit ni Ella kaya napahawak na lang sa batok niya si Kiro.
"Sige ikaw bahala. Basta, mag-ingat ka. Kapag may nangyaring masama na naman sa 'yo ako na mismo ang magbabantay sa 'yo." Biro niyang sabi.
Hinampas naman siya ng mahina ni Ella sa braso. "Childish gangster."
Ngumisi naman si Kiro at tinignan si Ella. "Ikaw rin naman." Nakangiti niyang sabi.
Medyo nagulat naman si Kiro dahil inilapit ni Ella ang kanyang mukha at tinitigan ang labi nito.
"Namiss ko yung mga ngiti mo." Saad ni Ella. "'Yung mga walang kwenta mong kayabangan, yung pagpapakipot mo. Namiss ko lahat." Dagdag pa niya kaya napangiti si Kiro.
"Mas namiss kita."
"Oo nga pala. Andito na ako. Nasa akin na 'yung susi ng diary mo. Nabuksan mo na ba?" Nakangising sabi ni Ella.
"Iniwan kong bukas 'yun nung ibinigay ko sa 'yo 'yung susi. Kaso ang tanga ko lang dahil nasara ko 'yun kaya di ko na mabukas. Pero maayos lang at least nabasa ko 'yung sulat mo." Nakangiting sabi ni Kiro kaya naman napatawa nag mahina si Ella.
"Oo na. Basta Kiro huwag kang lalandi ah! Atsaka hindi ko matutulungan si kuya sa problema niya kay Ate Athena. Kayo na lang bahala." Ani ni Ella at tumango si Kiro.
"Sandali kailan alis mo?"
"Bukas." Nakangiting sabi ni Ella.
"Alam mo? Ang ganda mo." Bulong ni Kiro pero narinig ni Ella.
"Alam ko. Ngayon mo lang nalaman?" Tanong ni Ella at napangisi naman si Kiro.
"Matagal ko ng alam. Pero mas maganda ka kapag nakangiti." Napailing na lang ng hindi makapaniwala si Ella.
"Good to know na alam mo. Tulungan mo akong mag-impake?"
"'Ge."
"Mukhang mahaba-haba ang gabi natin ngayon."
Ngunit...
"Anong pupunta sa Africa at magvovolunteer?" Hindi makapniwalang tanong ni Ethan kay Althea.
"Huwag kang mag-alala. Kasama ko naman si Bella e."
"Pero kahit na. Paano kung mapahamak ka?" Nag-aalalang tanong ni Ethan.
"Aish tigilan mo na ako sa pagka-OA mo Ethan. Alam ko naman na nag-aalala ka pero magiging maayos rin ako. Tiwala lang." Mahinhin na sagot ni Althea kaya naman wala nang nagawa pa si Ethan at tumango.
"Atsaka isa pa, manliligaw lang kita. Bakit ganyan ka?" Nakangising sabi ni Althea kaya napasimangit si Ethan.
"Grabe ka naman!" Umarte pa si Ethan na para bang nasasaktan kaya napangiti si Althea.
"Joke lang eto naman. Baka umiyak ka e. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017