CHAPTER 35: Quarrel
"Hi."
Napatingin si Ella sa lalaking bumati sa kanya. Naglalakad lamang siya dito sa hallway ng Alpha Academy. Dalawang araw na ang lumilipas matapos mangyari ang plano ng RAZEN na pasabugin ang Alpha Academy.
Nginitian niya ang lalaki.
"Uhm, hi. Ngayon lang kita nakita dito, bago ka lang?"
Tumango naman ang lalaki. "Nice meeting you. My name is Evares." Napatingin si Ella sa lalaking nagngangalang Evares.
His handsome. Pero mas gwapo pa rin ang Kiro ko.
He's really cute.
"Anyway, my name is Bella Alvarez." Nakangiti naman na bati sa kanya ni Ella kaya napakunot ang noo ni Evares.
"Parang nakita na kita- oh right! Kamukha mo 'yung Ella Crest."
Mahinang natawa si Ella. "Yeah right, madalas na akong nakaka-encounter ng ganyan." Saad niya.
Napatingin siya sa kamay na iniabot ni Evares. "Anong gagawin ko sa kamay mo?" Kunot na noo tanong ni Ella kaya naman natawa si Evares.
"Hihilahin mo." Sinamaan siya ng tingin ni Ella. "Hindi, joke lang. Hahaha, so friends?"
"Yep, friends."
Hahawakan na sana ni Ella ang kamay ni Evares ngunit bigla na lamang niyang naramadaman ang isang kamay na humawak sa kanyang braso.
Tumingin siya kung sino ang nagmamay-ari 'non.
"Kiro, a-anong ginagawa mo dito?" Nagulat na sabi ni Ella habang nakatingin kay Kiro na sobrang sama ng tingin kay Evares.
"Stay away from her." inis niyang sabi.
"What's your problem 'cous? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa girlfriend mo."
Nag-igting ang panga ni Kiro dahil sa sinabi ni Evares. This guy has some guts, to mess up with him.
"I don't care kung pinsan man kita. Huwag na huwag kang lalapit sa kanya kung ayaw mong humiram ng mukha sa aso."
Natawa naman si Evares sa sinabi sa kanya ni Kiro tsaka ngumisi.
"Para namang aagawin ko siya sa'yo. Nakikipagkaibigan lang eh. Tsk, possesive." Inis na sabi ni Evares at tumingin sa akin.
"Sige aalis na ako Ella. Baka bugbugin pa ako ng 'boyfriend' mo. Bye!" Saad niya at tumakbo na lamang papalayo.
Nang makaalis na si Evares ay sinamaan naman ng tingin ni Ella si Kiro at hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito.
"Ano bang ginagawa mo? Nakikipagkaibigan lang naman siya sa akin! Argh! Kiro! Nakakainis ka!"
"What? Are you taking his side now? He's a guy!"
"So what?!"
"Anong 'so what?!' Hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa kanya!"
"Why?! Ha, why Kiro?!" Galit na sigaw ni Ella.
"Dammit! Nagseselos ako! Nagseselos ako!"
Umirap si Ella.
"Possesive! Huwag mo akong kakausapin! Napakababaw mo."
Maglalakad na siya palayo ngunit nagsalita si Kiro. "Wow, so you're really taking his side?" May halong sarkastiko ang pagsasalita niya.
Hindi na lamang siya pinansin ni Ella at pinagpatuloy nito ang paglalakad nito papalayo at dumiretso sa canteen kung nasaan sina Irene at ang ALPHA para makikain.
Tumabi siya kay Irene.
"Oh ba't lukot mukha mo? May problema ba?" Tanong ni Irene at umiling lang si Ella.
"Wala maayos lang ako."
"Sige, sabi mo eh."
Kumuha siya ng konting carbonara at naglagay sa pinggan niya.
Maya-maya pa ay dumating si Kiro. Nakabusangot ito at galit na galit ang awra. Hindi manlang nito pinansin si Ella at padabog na umupo sa tabi ni Zico.
"Woah Kiro. Anyare sa mukha mo?" Natatawang sabi ni Ethan kaso hindi siya pinansin ni Kiro at sinamaan lang ito ng tingin.
"Hmp! Sungit!"
Nagpalipat-lipat naman ang tingin nina Zico kayna Ella at Kiro at palihim na ngumisi.
"Kung titingnan niyo lang kami ng ganyan. Aalis na ako. Tsk." Inis na sabi ni Ella atsaka umalis.
Si Kiro naman ay nakapokus lamang sa kanyang pagkain at palihim na diniin ang pagtusok sa steak na kinakain niya.
Bwisit.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017