CHAPTER 12: Amnesia
"Gangster!" Sigaw ni Bella at inakbayan si Kiro.
Isang linggo na ang nakalipas at masasabi ko na sa isang linggo na yun ay mas lalong naging close sa isa't isa si Kiro at Bella.
Isang linggo na ring gangster ang tawag ni Bella kay Kiro. Sa isang linggo na rin na 'yun ay mas lalong naging close si Bella sa ALPHA.
Dahil nakikita nila ang ugali ni Ella sa kanya kaya mabilis naman na gumaan ang loob nila kay Bella.
"Oh, anong problema mo?"
"Grabe! Ang sungit mo naman gangster! Nasan na nga pala si Giro?" Tanong ulit ni Bella.
Close na rin siya kayna Irene.
"Ewan ko."
Hinampas naman ng mahina ni Bella si Kiro at inirapan.
"Uy Irene!" Mabilis siyang lumapit kay Irene. "Nakita mo ba si Giro? Pakibigay naman ito." Saad niya tsaka iniabot ang isang box ng papel kay Irene.
"Para saan 'to?"
"Ah, nagpabili kasi siya sa akin niyan. Alam mo naman 'yun... kaya hindi ko na lang tinanong kung para sa kanya." Natawa na lang si Irene.
"Buti alam niyo. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagpaligaw dun e."
"Kayo na diba?"
"Oo."
Napangiti na lamang si Bella at tumakbo sa kwarto ng AHQ. Pinayagan na rin siya ng ALPHA na pumasok dito.
Maraming mga nangyari sa loob ng isang linggo.
"Kuya Zico!"
Napatingin naman siya kay Zico. Sa isang linggo na rin na 'yun ay kuya na ang tawag ni Bella kay Zico. It was weird alright. Bakit naman niya ginagawa ang mga bagay na iyon?
"Uy, bakit ka andito? May kailangan ka ba?" Nginitian siya ni Bella.
"Kuya huwag mo naman akong tratuhin na parang hindi mo ako kilala." Natatawang sabi ni Bella kaya naman napangiti si Zico.
"Oo na, li'l sis."
"Kuya pwede ba akong pumunta sa mansyon nina Kiro?" Tanong ni Bella kay Zico.
"Alam mo naman na hindi pwede diba?" Sagot naman ni Zico kaya napasimangot na lang si Bella.
"Eh, gusto ko bisitahin yung kwarto ni Ella. Please?"
Zico sighed.
"Fine. Mamaya, sasabay ka sa amin."
"Pwede rin ba akong magpractice dun?"
"Oo na lang Bella. Kulit..."
"Yes!"
Ngunit...
"Paano na 'yan? Mukhang mas naging close pa ang Bella na 'yun sa ALPHA." Tanong ni Mike kayna Lei.
"Wala tayong magagawa. Atsaka, isa pa hindi niyo ba nararamdaman na parang ang weird ng babaeng 'yan? Bakit niya gagayahin ang ginagawa dati ni Ella? Diba?" Tanong ni Lei kaya napatango sila.
"Oo nga kuya. Hindi kaya si Ella at ang Bella na 'yan ay iisa? Pero kung ganon... hindi talaga totoong namatay si Ella?" Nagpapanic na tanong ni Arian kaya umiling si Mike.
"Hindi pa tayo sigurado. Pero ang alam ko lang ay buhay ang Ella na 'yan. And I know she is seeking revenge."
Napayuko si Arian.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017