CHAPTER 22: OA

1.1K 32 0
                                    

CHAPTER 22: OA

"Nakakainis!" Iyak ni Francois habang pinaghahahampas yung lamesa. 

"Hyung pwede ba? Masisira 'yan!" Galit na sigaw ni Giro kayna Francois.

"Nakakainis lang talaga. Kasama pa si Althea!" Iyak ni Ethan.

"Sinong kasama?" Napatingin silang lahat sa pintuan ng makita na nakatayo sina Althea at Bella.

"Mga multo ba kayo?!" Sigaw ni Giro at itinuro ang daliri kayna Bella. 

"Mga baliw ba kayo? Hindi niyo na nga kami sinundo kaya umuwi na kami. Nakakainis, tatlong oras kaming naghintay!" Naiinis na sigaw ni Bella.

"Hindi ba't bumagsak 'yung eroplanong sinasakyan niyo?" Tanong ni Mark.

"Huh? Anong eroplano? Hindi mo ba nakuha yung text ko sa 'yo Kiro? Ang sabi ko lilipat kami ng eroplano kasi hindi na kasya. My ghad! Magbasa-basa nga rin kayo!" Angal ni Bella.

"Naman kasing balita yan! Argh! Nasayang 'yung paghampas ko sa lamesa." Ani ni Francois.

"Ewan ko sa inyo." Saad ni Bella at umakyat sa itaas. Sinundan naman kaagad siya ni Kiro kaya naiwan silang lahat sa baba.

Pagkarating na pagkarating ni Ella sa kanyang kwarto kasunod si Kiro ay mabilis siyang humiga sa kama at tinakpan ng unan ang mga mata.

"Kiro. Anong ginagawa mo dito? Sumunod ka pa. Pagod ako." Walang gana niyang sabi.

Lumapit naman sa kanya si Kiro at tinanggal ang unan na nakatakip sa kanyang mga mata.

"Aish, Kiro." Inis na sabi ni Ella at sinamaan ng tingin si Kiro.

"Tumayo ka nga d'yan. Sorry na, hindi ko kasi nabasa text mo kasi nakamute cellphone ko. Atsaka, ang ingay pa nila." Saad ni Kiro.

Umupo naman si Ella at tinignan siya ng diretso. "Sabihin mo nga sa akin Kiro.... Kung magkatotoo man 'yung hindi nangyari ngayon. Anong gagawin mo?" Diretsong tanong ni Ella.

"Wala." Mabilis na sagot ni Kiro kaya naman kumunot ang noo ni Ella.

"Wala? As in wala kang gagawin?" Tanong ni Ella.

Sumandal naman sa pader si Kiro at tiningnan si Ella tsaka tumango. "Oo. Wala akong gagawin."

"Baliw ka ba?" Saad ni Ella.

"Hindi." Lumapit si Kiro kay Ella atsaka nito inilapit ang kanyang mukha sa dalaga.

"Hindi talaga?" Ulit pa niya kaya mas lalong inilapit ni Kiro ang mukha niya atsaka siyang tinignan ng diretso sa mata.

"Wala akong gagawin dahil hindi mangyayari ang bagay na 'yun. Hindi ko hahayaang mangyari iyon." Ani ni Kiro.

Kaya naman namula ang mukha ni Ella at mabilis na tumakbo palabas habang sumisigaw. "Nakakainis ka Kiro!" Napatawa na lamang si Kiro sa naging reaksiyon ni Ella.

Kaya mahal kita kahit ganyan ka. Nakangiting isip niya.

Ngunit...

"Bakit ang aga niyong umuwi? Nakita niyo ba siya?" Tanong ni Mike kayna Hunter na kakarating lang galing sa Africa.

"Nakita namin. Kaso nakatakas nga lang." Sagot naman ni Hunter.

"Hindi niyo sinaktan?" Tanong ulit ni Mike. Napatingin naman si Hunter kayna Lei. "Muntikan na."

Napayuko na lamang si Mike habang umiiling. "Pero bakit mo ba gustong pasundan siya? Atsaka inutusan mo pa kaming sirain yung engine ng eroplano. Pero hindi pala 'yun ang sasakyan nila." Saad naman ni Hunter kaya tinignan siya ng seryoso ni Mike.

"Dahil ang kahinaan ng ALPHA ay ang mga babaeng mahal nila." Sagot niya.

Nagkatinginan naman sina Lei, Ski, Klein, at Hunter.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nila.

"Sikreto muna sa ngayon." Nakangising sabi ni Mike.

Sa ibang banda naman ay nagtatago si Arian habang nakasilip at nakikinig sa usapan nila.

Ano bang meron sa Bella na 'yun at lagi na lang siyang habol nina Kuya? Ganon ba siya ka-espesyal? Tanong ni Arian sa isipan niya.

"Miss Arian may kailangan po ba kayo?" Agad naman na napatayo at kinakabahan na tiningnan ni Arian ang maid na nagtanong sa kanya.

"A-Ah, wala. Sige mauuna na ako." Saad niya

"Sige po ma'am." Nakangiting sagot nung maid pero hindi na siya pinansin ni Arian at tsaka siya dumiretso agad sa kanyang kwarto.

"Kung sino ka man Bella Alvarez at kung ano man ang kailangan sa 'yo ng kuya ko... Malalaman ko rin."

Sambit niya habang tinitingnan ang imahe ni Bella na puro dugo sa kanyang kwarto.

Isa siyang maldita.

Wala siyang kwenta.

Kapatid lang kita sa ama.

Hindi kita gusto!

Napaluha na lamang si Arian. Kahit na anong pigil niyang huwag na umiyak nagagawa pa rin na makatakas ng mga luha niya.

"Papatunayan ko sa inyo balang araw... Pagsisisihan niyo ang mga ginagawa niyo sa akin."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon