CHAPTER 4: Ella Crest?
"Kamukha nga niya talaga si Ella. Jusko."
"Oo nga e! Akala ko nga nung una nagbibiro lang 'yung mga kaklase natin."
"Kaya naman pala lapit ng lapit si Kiro."
Napairap si Bella dahil sa mga naririnig niyang bulungan ng mga kaklase niya.
Ito lagi ang kanyang ginagawa. Dahil magmula noong dumating siya dito sa Alpha Academy, puro ganyan tawag nila sa kanya.
Minsan nga e nagkakamali pa sila at tinatawag siyang Ella. Hindi mo naman sila masisisi dahil magkamukhang-magkamukha sila. Para silang kambal. But still, it pissed her so much.
Tumayo si Bella at naglakad-lakad. Wala na siyang balak pa na makinig sa mga chismosa niyang kaklase.
"Oy! Ella!" Napatingin siya sa lalaking sumigaw sa kanya.
"Uhm... Sandali nakita na kita nung first day e..." Isip niya.
"Nga pala ako si Giro, kapatid ni Kiro. Ito si Irene... girlfriend ko." Natatawang sabi ni Giro habang inakbayan si Irene.
"Tss... Giro." Angal ni Irene.
Napatingin si Irene kay Bella. "Kamukha mo best friend ko." Saad naman ni Irene.
Napailing si Bella. "Kamukha lang. Hindi ibig sabihin ay ako at siya ay iisa. Tsk."
Natawa si Irene. "Pasensyahan mo na sila ah? Magmula kasi ng mawala si Ella na bestfriend ko... Nagluksa na silang lahat. Muntikan pa ngang magpakamatay si Kiro."
Nanlaki ang mga mata ni Bella.
"Ganun niya talaga kamahal yung Ella? Pwede bang kwentuhan niyo ako tungkol kay Ella?" Tanong ni Bella.
Nagtinginan naman sina Giro at Irene at parehas na tumango.
"Sige ako na bahala sa 'yo. May gagawin pa kasi sina Giro." Tumango si Bella at sumunod kay Irene papunta sa garden. Parehas silang umupo dito sa bench.
"Sa totoo lang kinuwento na sa akin ng prof ko kung sino si Ella. Gusto ko lang malaman ulit. Ang gulo ng explanation e." Natatawang sabi ni Bella.
"Sige." Panimula ni Irene. "Si Ella Crest ang nakababatang kapatid ni Zico Crest. Siya rin ang Alpha's Princess magmula ng dumating siya dito sa Alpha Academy. Una pa lang ayaw na nina Ella at Kiro sa isa't isa pero gaya nga ng sabi nila... opposite attracts. Kaya ayun naging sila. Basta komplikado 'yung love story nila. Ako rin 'yung unang kaibigan ni Ella dito sa Alpha Academy. Kaya naman ako ang naging bestfriend niya." Ani ni Irene.
"Salamat." Ani naman ni Bella at umalis na doon.
Tiningnan lamang ni Irene si Bella habang naglalakad papalayo.
"Hindi siya pwedeng maging si Ella. Hindi seryoso si Ella at happy-go-lucky lang siya." Saad ni Irene at tumingala. "Bestfriend... miss na kita."
"Ako rin... miss na kita."
Nanlaki ang mga mata ni Irene at tumingin sa paligid pero wala siyang nakitang tao.
"Minumulto na ako ni Ella." Sambit ni Irene at tumakbo paalis.
"Ako rin, sobra ko na kayong miss."
Habang...
"Kiro..." Napatingin siya kay Giro na kakadating lang.
"Bakit ka na naman late hyung? Lagi ka na lang late!" Galit na sigaw ni Kiro kaya naman nag-peace sign si Giro.
"Sorry naman! Si Ella—este si Bella kasi. Tinanong niya kay Irene kung sino si Ella." Hingal na sabi ni Giro na kakagaling lang sa pagtakbo.
"Ang galing talagang magtago." Bulong ni Zico.
"Oh anong gagawin naman ni Kiro?" Masungit na tanong ni Francois kaya naman nag-pout na lamang si Giro.
"Ang harsh niyo. Bakit masama bang sabihin ko lang?!" Padabog naman na umupo sa couch si Giro at inagay kay Ethan ang chips na kinakain niya.
"Aba'y walanghiya ito! Balik mo sa akin 'yan!" Sigaw ni Ethan ngunit binelatan lang siya ni Giro.
"Immature."
Napailing na lamang silang lahat sa inaasal ni Giro. Kailan ba magiging mature ang lalaking ito? Once in a blue moon? Bipolar.
"Kiro ito ang sinasabi ko sa 'yo. Hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang Bella na 'yan. Porket kamukha niya lang si Ella." Ani ni Mark habang seryosong nakatingin kay Kiro.
"Alam ko naman 'yan hyung. Pero kasi ang hirap. Ikaw kaya ang mamatayan ng girlfriend tapos pagkatapos ng isang taon makakakita ka ulit ng kamukha niya? Hindi madali." Sagot naman ni Kiro kaya napabuntong-hininga si Mark.
"Ikaw bahala. Kapag kailangan mo ng masasandalan, andito lang kami." Nginitian ni Mark si Kiro atsaka umalis.
"Pero paano nga kung si Ella at Bella ay iisa?" Tanong ni Francois.
"Imposible. Nakita natin siya sa kabaong hindi ba?" Tanong ni Ron kaya naman napatango silang lahat.
"Pero paano nga kung oo?" Tanong ni Ethan.
"Hindi 'yun pwedeng mangyari. Imposible talagang mangyari ang bagay na 'yun." Saad ni Zico.
"Pero nakakapagtaka. Bakit sa lahat ng pwedeng makita, si Bella na kamukha ni Ella sa sementeryo pa?" Tanong ni Francois kaya naman mas lalo silang nagtaka.
"Huwag mong sabihin na minumulto tayo ni Ella?!" Sigaw ni Ethan.
Binatukan agad siya ni Giro.
"Hyung naman. Imposible nga e." Inirapan lang siya ni Ethan.
"Ang gulo." Ani ni Kiro.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017