CHAPTER 9: Athena's Career
"Akala ko ba may gagawin ka? Bakit kasama mo si Mark?" Nang-aasar na sabi ni Bella kay Lia habang kumakain dito sa canteen.
"Sorry na. Ano kasi, uh... siya 'yung partner ko."
Ngumiti ng nakakaloko sina Althea atsaka Bella atsaka nang-aasar na tumango.
"Wushu! Sige, sabi mo e." Natatawa nilang sabi at itinuloy na ang kanilang pagkain.
Lunes ngayon at may pasok na naman. Balak nga sana nilang maggala ngunit hindi maganda ang panahon at madalas ng umuulan.
"Sandali Bella, so asan parents mo?" Tanong ni Althea.
"Hindi ko rin alam..." Nakangiting alanganin na sabi ni Bella.
"Ahh.."
Maya-maya pa ay pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Lia na aalis siya dahil may gagawin pa sila ni Mark.
Minsan nga ay nagtatampo na sina Bella dahil lagi na lang kasama ni Lia si Mark. At isa pa, nag-aalala siya. Dahil unang-una miyembro ng ALPHA si Mark at leader pa.
Laking pasasalamat na lamang ni Bella dahil andito si Althea.
Parehas pa silang walang lovelife.
"Bella mag-ikot kaya tayo?" Tanong ni Althea.
Tumango si Bella. "Sige, sa rooftop tayo?"
Tumango si Althea kaya dumiretso sila sa rooftop.
Naglalakad pa lamang sila sa hallway pero bigla na silang hinarang ni Ethan.
"Ahm... May problema ba?" Tanong ni Bella kay Ethan pero umiling lang si Ethan.
"Pwede ko bang mahiram si Althea?" Nag-aalangan niyang tanong kaya naman napataas ang kaliwang kilay ni Bella.
Ngayon lang niyang nakita na nagseryoso si Ethan. At sa babae pa.
"Tsk. Ingatan mo 'yan. Kapag iyan niloko mo, mananagot ka." Sagot ni Bella at tiningnan si Althea. "Goodluck."
Yumuko naman si Althea para itago ang mukha niyang pulang-pula.
Napailing na lamang si Bella habang nakangiti at dumiretso sa rooftop.
Lahat sila may partner. Ako na lang wala.
Nakasimangot niyang isip.
"Andito ka ulit?"
Napatingin siya sa taong nakatayo sa likuran niya.
"Oh bakit? Sasabihin mo na naman na ganito ganyan ako si Ella? Huh?" Masungit na tanong ni Bella.
"Nope. Andito lang ako para kuhanan ka ng DNA test."
Napaatras naman si Bella sa sinabi ni Kiro. "Anong—"
"Kidding." Nang-aasar na sabi ni Kiro kaya naman binato siya ni Bella.
"Nakakainis ka!"
Lumapit naman agad si Kiro kay Bella na ikinagulat niya.
"Mukhang..."
"Mukhang nagsisimula na akong magmove-on. Salamat."
Nanlaki ang mga mata ni Bella sa sinabi ni Kiro.
"Ha?"
"Ang sabi ko salamat. Kasi dahil sa 'yo, handa na akong magmove-on. Hindi dahil sa kamukha mo si Ella. Kasi masyado na akong umaasa na babalik pa siya kahit na wala naman ng pag-asa."
Napayuko na lang si Bella at tiningnan ng diretso sa mata si Kiro.
"Kiro sabihin mo nga."
"Ano?"
"Anong gagawin mo kapag nakita mo ulit si Ella?"
Napaatras ng konti si Kiro.
Wala siyang masabi. Umurong ang dila niya. Bakit naman kasi naitanong iyon ni Bella e nagmomove-on na siya 'di ba?
"I'll kiss her... At babatukan pagtapos."
Nanlaki ang mata ni Bella sa sinabi ni Kiro.
"Bakit mo naman babatukan?!" Naiinis niyang sigaw.
"Babatukan ko siya at itatanong sa kanya na bakit niya nagawa ang bagay na 'yun. Sasabihin ko na napakatanga ng ginawa niya para hindi na niya ulitin ulit."
Napangisi si Bella.
"Ows? E akala ko ba nagmomove-on ka na?"
Tinignan siya ng masama ni Kiro.
"Don't push me. Maging ako man... naguguluhan sa nararamdaman ko."
Sa kabilang dako naman...
Naglalakad si Athena dito sa hallway dahil magkikita pa sila ni Zico sa may garden.
Napatingin na lamang siya sa babae na humarang sa kanya. Ang babaeng walang ginawa kundi pakelaman ang buhay niya.
"Oh ano na naman bang problema mo?" Naiinis niyang sabi at lalagpasan na sana si Arian pero hinablot nito ang buhok niya.
"Bwisit ka! Nakakainis! Kaya hindi ako magawang mahalin ni Zico ay dahil sa 'yo at sa pesteng Ella na 'yun!" Galit na sigaw ni Arian habang sinasabunutan si Athena.
Mabilis na sinipa ni Athena ang tiyan ni Arian kaya napaupo ito sa sahig.
"Baliw ka! Mas nauna ako dito kaya wala kang karapatan! At anong sabi mo?! Si Ella peste? Gusto mong balatan kita ng buhay?! Huwag na huwag mong tatawaging peste ang kapatid ni Zico!" Galit na sigaw ni Athena at pinagsasampal si Arian.
Napatigil siya ng may makita siyang dugo sa kanyang palad.
Tinignan niya ng masama si Arian.
"Sa oras na ulitin mo 'to... Hindi na ako magdadalawang-isip pa na patayin ka. Sumosobra ka na." Naiinis niyang sabi at hinugasan ang kamay bago makipagkita kay Zico.
"Zico."
Mabilis naman siyang nilapitan ni Zico.
"Your hand is bleeding! Anong nangyari?!" Napatingin si Athena sa kamay niya at tumango kay Zico.
"Si Arian, inatake ba naman ako. Of course, lalaban ako pabalik."
Natawa na lamang si Zico kay Athena.
"Gwapo ko kasi."
"Ang layo."
Maya-maya pa ay bigla na lang sumeryoso ang tingin ni Athena kay Zico.
"Zico may sasabihin ako."
"Ano 'yun?"
"Aalis ako. Mawawala ako ng isang linggo dahil may mga aasikasuhin ako."
"Anong aasikasuhin?"
"Basta, malalaman mo."
Napabuntong hininga na lang si Zico.
"Fine. Bumalik ka kaagad ah? Stay safe and healthy."
"Sure. Pero may isa pa pala akong sasabihin."
"Ano?"
"I know ALL of your secrets."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017