CHAPTER 6: Arian, The Flirt
Tahimik na naglalakad si Zico dito sa hallway ng Alpha Academy habang binabantayan ang buong paligid.
"Hays, kamusta na kaya si Athena ko?" Hindi mapakali niyang tanong.
Busy kasi ngayon sa pag-aaral si Athena kaya naman minsan na lang silang magkita ni Zico. Ngunit palagi naman silang magkausap.
Dumiretso si Zico sa AHQ dito sa school at umupo sa sofa habang hinahagod ang kanyang likod na nangangalay.
"Ang sakit ng likod ko."
*bzzt*
Napatingin siya sa cellphone niya na tumutunog at napangiti siya dahil si Athena ang nag-text.
From: Athena cutylove❤
Hey Zico. Sorry ngayon lang ako nakapag-text. Tumakas kasi ako sa prof ko.
To: Athena cutylove❤
It's fine. Haha, that's my girl😉 Pero huwag takas ng takas ha, baka mapagalitan ka.
From: Athena cutylove❤
Yes po, I'll be going na. Love ya, bye!
Napangiti na lang ng todo si Zico at kinagat pa ang kanyang labi para hindi siya sumigaw.
Nakakahiya man sabihin pero kinikilig siya. Mukhang malakas na nga talaga ang tama niya kay Athena.
"Oy Zico hinahanap ka ni Arian." Saad ni Giro habang kakapasok lang at dumiretso sa harap ng TV para magvideo game.
"Sabihin mo wala ako." Sagot naman ni Zico.
"Baliw ka ba? Gusto mo bang sabunutan ako 'nong baliw na 'yun? Sigurado ako kapag andito lang si Ella, kanina pa nasampal ang babaeng 'yun. Ang landi." Ani ni Giro at tinuloy ang paglalaro.
Tatayo na sana si Zico pero may biglang pumasok at si Arian iyon.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?! Lumayas ka! Hindi pwede dito ang katulad mo! Mga close lang namin ang pwede!" Galit na sigaw ni Francois kay Arian na lumapit kay Zico.
"Grr! Nakakabwisit ka na barney!" Hahampasin na sana ng kaldero ni Francois si Arian pero pinigilan siya ni Ethan.
"Hyung easy lang. Kung andito si Ella kanina pa nakabulagta ang babaeng 'yan." Ani naman ni Ethan.
"Ano bang problema niyo sa akin?! Wala na si Ella okay?! Atsaka magka-close naman kami ni Zico ah! Malapit na ngang maging kami e." Sagot ni Arian atsaka niyakap si Zico pero mabilis naman na tinulak ni Zico si Arian kaya napaupo siya sa sahig.
"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa 'yo na ayaw at hindi kita gusto! Mahal ko si Athena kaya manahimik at lumayo ka sa akin! Huwag kang magsalita na parang kilalang-kilala mo ang kapatid ko. Umalis ka dito!" Galit na sigaw ni Zico kay Arian.
Napaatras naman si Arian bago agad na tumayo. "You're rude."
"The heck I care? You act like you know everything. I don't like you, bury that on your mind." Madiin na sabi ni Zico.
Lahat ng miyembro sa Alpha galit na galit kay Arian isama mo na ang mga girlfriend nila.
Bakit? Simple lang.
Magmula ng mamatay si Ella, nakilala nila si Arian and turns out may gusto ito kay Zico.
Pero hindi siya gusto ni Zico. She's a flirt. Feeler, pabebe, at papansin. Kaya halos lahat ng babae dito sa campus galit sa kanya dahil lagi niyang pinagpipilitan at pinagdidiinan na wala na si Ella.
Napairap na lang si Arian sa sinabi ni Zico.
"Edi wow! Magiging akin ka rin Zico!" Sigaw ni Arian bago tuluyan ng umalis.
Napailing na lamang si Zico bago sumigaw. "Keep on dreaming!"
At...
"Hello kuya Mike? Nabibwisit na ako kay Zico dahil ayaw niya sa akin. Siguraduhin niyo lang na kapag nangyari na ang mga plano ay magiging kami." Nakangising sabi ni Arian.
"No problem sis. Pero kailangan maging maayos tayo. Kailangan natin na malaman kung buhay pa nga talaga si Ella."
Napakunot ang noo ni Arian.
"Huh? Bakit naman? E matagal na siyang wala ah!" Sigaw ni Arian.
"Hindi. Nagpadala kami ng detective at alam mo ang nakita sa bangkay?"
"Ano?"
"Wala."
Pagkatapos...
"Hello! Uhm... ako si Arian. Ikaw si?" Napatingin si Bella kay Arian at hindi ito pinansin.
"I don't talk to strangers." Sagot ni Bella kaya naman nainis si Arian.
"Kaya nga ako nakikipagkaibigan e!" Sagot naman ni Arian.
"Ayokong makipagkaibigan sa taong traydor. I know all your secrets." Nakangising sagot ni Bella kaya naman konting napaatras si Arian.
"A-Anong sinasabi mo?"
"Basta. Anyway, thanks but no thanks. I'll never be your friend dahil malaki ang galit ko sa 'yo."
"Bakit? Hindi mo nga ako kilala!"
"Mali ka. Hindi mo nga AKO kilala." Nakangising sagot ni Bella at umalis na.
What the?
BINABASA MO ANG
Alpha Academy 2: Chasing the Gangster
Fiksi Remaja(ALPHA ACADEMY #2) Matapos mawala ang kanyang pinakamamahal. Magawa pa kaya ni Kiro Minlay na buksan muli ang kanyang pusong wasak? "This time I'm the one chasing him, not them." -unknown *** Started: April 14, 2017 Ended: June 9, 2017