CHAPTER 28: Explanation

1.1K 31 1
                                    

CHAPTER 28: Explanation

"Sandali, bakit mo ba gustong malaman kung bakit?" Tanong ni Althea kay Francois.

Napayuko na lamang si Francois.

"I'm feeling guilty." Diretso niyang sabi kaya mahinang natawa si Althea.

"Sige na nga. Ako rin baka maguilty kapag 'di ko sinabi sa'yo. Kahit alam kong magagalit siya sa akin." Ani niya at sinimulan ng magsalita ulit.

"Kasi dati, NBSB si Jane. As in No Boyfriend Since Birth. Tapos hindi siya mahilig sa mga girl stuff. Nakilala niya 'yung first boyfriend niya when she was 20 which is her current ex. He was her first love. Kaya nung nagbreak sila dahil pinagpalit siya ng ex niya sa mas magandang babae, she really broke down. Ipinadala pa nga namin siya sa rehab because of her depression. Isang taon rin ang itinagal nila. So when she got out of rehab doon na niya inisip na kailangan niyang mas maging maganda para hindi na siya masaktan ulit. Nagsimula na siyang mag-ayos at mag make-up. Naging maarte na rin siya. Kahit apat na taon na ang nakakalipas, alam kong masakit pa rin ang lahat para sa kanya... Kaya nung nakita ka niya nung una, sinadya niya talagang umarte ng ganon. Sorry Francois, kung ikaw ang napagbungtungan ng galit ni Jane." Saad ni Althea at mabilis na yumuko.

"Ayos lang 'yun ngayon at alam ko na ang sitwasyon niya. Pero ganun ba talaga kami magkaugali ng ex niya?" Tanong niya.

"Oo. Lagi kasi siyang inaaway nung ex niya at sinasabihan na maarte kapag ayaw niyang sumama na mag-bar at magdamit ng maayos. Kaya ayun, nagbreak. Nabaliw naman ang pinsan ko." Natawa silang parehas.

"Sige salamat Althea mauuna na muna ako." Saad naman ni Francois at dumiretso ng umuwi.

1:40 AM

Nagising si Francois dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya. Inabot niya ito para tingnan at nakita niyang tumatawag sa kanya si Althea.

"Hmm? Ang aga naman ata ng tawag mo?" Tanong niya habang nakapikit.

"Francois pwede ba humingi ng favor?" Tanong ni Althea.

"Ano 'yun?"

"Pwede mo bang bantayan si Jane? Hanggang 7:00 ng umaga bukas. May gagawin pa kasi ako sa bahay. E wala naman mga magulang niya at may business trip sa London. Please?" Pagmamakaawa ni Althea.

"Bakit ako?" Gulat na tanong ni Francois.

"Wala na akong choice. Ikaw lang 'yung pinakamaayos na pwede kong mapagkatiwalaan. So please? Huwag kang mag-alala, tulog na naman siya." Sambit niya.

Napabuntong hininga na lamang si Francois at tumango.

"Sige sige. Pero kapag ako ay sinabunutan o sinaktan ng pinsan mo, papatulan ko talaga 'yan." Saad niya.

Natawa na lang si Althea. "Sige salamat. Hintayin na lang kita dito. Magdala ka na lang ng jacket kasi medyo malamig pero malaki naman 'yung couch." Ani niya.

Napatango na lamang si Francois at ibinaba na ang tawag.

Mabilis siyang nagbihis at nagsuot ng jacket atsaka dumiretso sa ospital.

Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit nga rin niya ito ginagawa pero wala na siyang magagawa dahil um-oo na siya.

Pumasok siya sa kwarto ni Jane ng dahan-dahan at nakita niya si Althea na nakaupo sa couch at naghihintay.

"Althea."

"Oh andito ka na pala. Salamat talaga ah? Huwag kang mag-alala maaga akong dadating bukas. Atsaka pwede na rin siyang iuwi bukas."

Nginitian na lamang niya si Althea at tinignan itong lumabas.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang humiga na lamang sa couch.

"Maganda ka naman ah. Kahit walang make-up, pero ano bang nagkulang sa utak ng ex mo?" Tanong niya habang nakatitig kay Jane.

"Aish huwag na nga. Good night na lang arts." Natawa na lamang si Francois sa itinawag niya kay Jane.

Arts? Ayos, short for maarte. 

Humiga na lamang siya at nagpahinga. Mukhang magiging mahaba ang gabing ito.

5:24 AM

"Ahh!" Agad naman na nahulog si Francois sa pagkakahiga sa couch at agad na tinignan ng masama si Jane.

"Ang aga-aga ang ingay mo. May kailangan ka ba?" Tanong sa kanya ni Francois pero umiling lamang si Jane.

"Kung ganon matulog ka na. Limang oras palang halos ang tulog ko 'no." Saad ni Francois at mabilis na humiga pa ulit sa couch.

"Yah! Ano bang ginagawa mo dito? Nasaan si Althea?"

Tinakpan naman ni Francois ang tenga niya bago magsalita.

"May kailangan lang siya tapusin at wala siyang choice kaya ako yung nagbabantay muna sa 'yo. Huwag kang maarte dahil babalik na rin siya mamaya." Sambit ni Francois.

Magsasalita pa sana si Jane ngunit napansin niyang nakapikit na si Francois.

Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang natutulog nitong mukha.

"Nakamove-on na naman ako sa kanya, ewan ko na lang ngayon."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon