CHAPTER 20: Safe

1.3K 40 0
                                    

CHAPTER 20: Safe

"Make sure to eat properly and take the medicines, okay?" Sambit ni Bella.

"Yes, thank you." Ani naman ng lalaki.

Isang araw na lamang ang natitira nila dito sa Africa. Marami na rin silang pasyente na natulungan pero hindi pa rin magawang manahimik ng isipan ni Bella tungkol sa mga nangyari nung isang araw.

Pilit niyang tinatanong sa kanyang isipan kung alam na ba ng RAZEN na siya at si Ella ay iisa.

Kinakabahan na siya ngayon sa mga pwedeng mangyari pero lagi niyang binabantayan si Althea.

"Gorgeous here. Alpha's Princess are you there? Over."

Kinuha niyang walkie talkie niya at sinagot ito. "Yep. Alpha's Princess here. Where are you gorgeous? Over." Nakangiting sabi ni Bella.

"Alpha's Princess... I'm here at the stock room. Kumukuha lang ako ng mga gamot."

"Gorgeous, copy. Mag-ingat ka."

Mabilis na pinatay ni Bella ang walkie talkie at tumayo tsaka naginat-inat. Iyon na ang huli niyang pasyente sa araw na ito. Kaya wala na siyang masyadong gagawin.

"Are you done already?" Napatingin siya sa staff.

"Ah yes, that was my last patient. I'll go ahead." Saad niya atsaka yumuko.

Dumiretso agad siya sa tent at umupo sa upuan. Hinilot niya ang kanyang leeg dahil medyo nangawit siya.

*beep beep*

Kinuha niya ang cellphone niya ng marinig niya itong tumunog. Agad siyang napangiti ng makita niya na si Kiro ang nag-text sa kanya.

From: Gangster❤

How are you? May masama bang nangyari? Narinig ko na may mga nagpaputok daw ng baril d'yan. Call me when you can, ASAP.

Nanlaki naman ang mga mata ni Bella dahil sa sinabi ni Kiro. Mabilis niya itong tinawagan.

"Kiro—"

"Anong nangyari?! Maayos ka lang ba? Kayo?! Tell me!" Nagpapanic na sigaw ni Kiro kaya naman napangiti agad si Bella sa kanya.

"Gangster pwede bang mag-chill ka? Maayos lang naman kami ni Althea dito alam mo naman na girl scout 'to. Atsaka isa pa, gangster rin." Natatawang sabi niya.

"Good to know that you're safe. Aatakihin ako sa puso sa pag-aalala sa inyo!" Hingal na saad ni Kiro.

"Don't worry. Anyways, pagbalik ko d'yan may kailangan akong sabihin sa 'yo. Don't be mad at me." Ani ni Bella kaya naman medyo kinabahan si Kiro.

"B-Bakit? May problema ba? Huwag mong sabihin na makikipag-break ka sa akin? Isang taon akong nagdusa, may trauma na ako." Mabilis na sagot ni Kiro.

Medyo natawa si Bella dahil sa sinabi ni Kiro kaya naman ngumiti siya.

"Hindi ako makikipagbreak sa 'yo..." Bulong niya dahil baka may makarinig. "Kakausapin lang kita. Atsaka isa pa, isang taon akong naging stalker mo. Ngayon pa ba ako susuko?" Sambit niya.

Bumuntong hininga naman si Kiro.

"Good."

"Sige gangster bye na. Uuwi na kami bukas kaya huwag na kayong mag-alala. Sabihin mo kay Ethan na poprotektahan ko si Althea baka umiyak na naman e." Natatawa niyang sabi.

"Fine, pero protektahan mo rin 'yang sarili mo."

"Yes, gangster."

Pagkatapos ng tawag na 'yun ay mabilis siyang napangiti. Ewan ko ba sa lovestory namin. Bakit ayaw pa kasing maging happily ever after?

Ngunit...

"Bro, ano ng gagawin ko? Ayaw akong kausapin ni Athena." Angal ni Zico kay Ron na nagbabasa ng libro dito sa library.

"Bakit ako ang  tinatanong mo? Bakit hindi si Giro? Problema ko ba 'yang love story niyo?" Masungit na sabi ni Ron habang binubuklat ang kabilang pahina.

"Alam mo naman na hindi maayos kausap 'yun e. Please!" Saad pa niya.

"Hindi nga pwede. Gusto mong sigawan ako ni Hannah? Aish." Sambit ni Ron at tumayo na para lumabas. 

Wala ng nagawa pa si Zico. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Mababaliw na siya dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Athena.

"Napakaselosa... Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko." Bulong niya sa sarili niya habang nakasimangot. "Should I just give up dating?" Nakangisi niyang tanong sa sarili niya.

"Sayang, ang gwapo ko pa naman... Tsaka, mahal na mahal ko 'yon." Nakangiti niyang sabi.

Tapos na ang klase ngayong araw. Mag-isa lamang na naglalakad si Zico papalabas ng Alpha Academy.

Balak niya sanang dumiretso sa bar at uminom.

Nababaliw na siya dahil kay Athena.

"Wow, ang ganda mo naman miss." Napatingin si Zico sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Malapit ito sa bar kaya naman agad siyang nagtungo doon.

"Bitawan niyo ako pwede?" Naiinis na tanong ng babae.

Sumilip si Zico at nanlaki ang mga mata niya ng makita si Athena na pinapalibutan ng dalawang lalaki. Napaisip siya kung ano bang ginagawa ni Athena sa lugar na ito. Masyadong madilim at walang tao.

"Ano ba kasi ang ginagawa ng isang magandang katulad mo dito sa lugar na ito? Alam mo naman pa lang delikado." Nakangising sabi ng lalaki.

Sinamaan siya ng tingin ni Athena.

"Andito ako para basagin mga mukha niyo. Gusto niyo?"

 Saad niya. Medyo napangiti si Zico dahil sa inasal ni Athena. "Thats my girl." Bulong niya.

Alam niya na kahit mukhang matapang ngayon si Athena ay sa kaloob-looban niya ay natatakot siya.

"May pagkamatapang ka pala?" Tanong ng lalaki.

Inirapan siya ni Athena.

"Pwede ba? Huwag niyo akong inisin ngayon lalo na't LQ kami ng pandak kong boyfriend. Baka mailabas ko lahat ng galit at inis ko sa inyo!" Naiinis niyang sabi.

Napangisi si Zico atsaka umiling-iling. "Okay na sana e, tinawag pa niya akong pandak. Hays." Saad niya atsaka tiningnan si Athena.

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakaupo sa sahig si Athena at para bang tinurukan ng kung ano para manghina siya.

Mabilis naman na lumabas si Zico at sinigawan yung dalawang lalaki. "Mga walanghiya kayo! Anong ginawa niyo sa kanya?" Tanong ni Zico.

"Ikaw ba boyfriend niya? Pandak nga." Nakangising sabi ng isang lalaki.

"Aba! Sapakan na lang oh!" Sigaw ni Zico mabilis naman siya tumakbo para sipain ang isang lalaki.

Umikot siya. Ituturok na sana sa kanya nung isa yung tinurok nila kanina kay Athena pero itinurok niya ito agad dun sa dalawa kaya nakahilata na sila ngayon.

Agad naman na nilapitan ni Zico si Athena na nakaupo sa sahig.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Zico.

"Z-Zico... inaantok ako." Saad ni Athena.

"Takte pampaantok lang pala 'yun." Bulong ni Zico at mabilis na binuhat si Athena. "Iuuwi kita sa mansion muna. Para mabantayan kita." Ani ni Zico.

"Zico... Sorry... I miss you..." Sambit ni Athena.

Napangiti naman si Zico.

"Alam ko."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon