CHAPTER 19: LQ

1.3K 34 0
                                    

CHAPTER 19: LQ

Nakapila lamang si Athena dito sa canteen para kumuha ng pagkain.

Kanina pa siya naghihintay dito kaya naman gutom na gutom na siya. 

"Next!" Sigaw ng tindera.

Kukuha na sana siya ng pagkain pero nagulat siya dahil biglang sumingit si Zico. "Ah miss isang special meal." Nakangiti niyang sabi.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Athena. "Bastos ka rin e noh? Kita mong nakapila e." Saad niya. Napatingin naman sa kanya si Zico at nginitian siya.

"So, bati na tayo?" Inirapan naman siya ni Athena. "Ewan ko sa'yo." Sambit nito at tinulak si Zico para umorder.

"Ate–"

"Ay miss last na 'yun inorder ni Zico." Saad nung babae kaya naman umirap na lang siya at tinulak si Zico.

Kung kailan gutom na gutom pa siya tsaka pa mang-aasar si Zico.

"Uy! Athena!" Sigaw sa kanya ni Zico pero hindi siya pinansin ni Athena.

"Athena!" Saad ni Zico atsaka hinawakan siya sa braso at iniharap sa kanya.

"Kausapin mo naman ako..." Ani ni Zico pero sinamaan lang siya ng tingin ni Athena.

"Alam mo? Sumosobra ka na! Ano bang problema mo?! Kita mong gutom na gutom na ako tapos gaganituhin mo ako?! Pwede bang tigilan mo na ako Zico? Nakakainis na e! Sumosobra ka na!" Sigaw ni Athena at tumakbo paalis.

Paano ako makakapagexplain sa 'yo kung patuloy kang lumalayo? Isip ni Zico at naglakad na rin palayo.

"Bwisit." Ani niya atsaka sinipa ang lata na nasa harap niya.

Sa kabilang banda naman...

"Althea!" Masayang bati ni Bella habang niyakap si Althea na kakarating lang dito sa tent.

"Buti naman maayos kang nakarating dito. Kamusta?" Tanong ni Bella.

"Maayos naman ako. Nga pala, nadala ko na yung mga gamot na pinapadala nung mga staff." Sabay abot ni Althea ng mga gamot kay Bella.

"Sige, dito ka lang. Ibibigay ko lang sa kanila. Ito 'yung walkie talkie mo 'yung call name mo nakaregister na. Sa akin yung Alpha's Princess." Sambt niya kaya naman napangiti si Althea.

"Wow! Gagamit tayo nito? Call name ko... uhm... Gorgeous." Excited na sagot ni Althea kaya naman napangiti si Bella. "Hahaha, sige. Babalik ako agad. Mag-ingat ka, lagi mong isasara yung tent ha?" Tumango na lang si Althea atsaka nginitian si Bella.

Lumabas na si Bella ng tent at naglakad papunta sa opisina ng staff para iabot ang mga gamot.

"Grabe naman ang haba ng lalakarin ko." Ani niya habang naglalakad.

Napayuko na lang siya dahil sa narinig na putok ng baril.

"Shocks."  Nagtago siya sa likod ng pader at sumilip.

Bakit andito si Hunter?! Isip niya.

Nagtago na lamang siya ng magpaputok na naman sila ng baril. "Bro, wala kaming mahanap. Mukhang nakaalis na siya." Saad naman ni Lei.

"Bwisit. Halika na nga." Sambit ni Hunter.

"Pero bakit mo ba siya tinutugis, hindi naman siya si Ella? Kamukha nga lang." Ani naman ni Ski.

Napailing si Hunter.

"Ewan basta halika na. Baka may makakita pa sa atin lagot tayo kay Mike." Sagot ni Hunter at pumasok na sila sa van.

Mabilis naman na nakahinga si Bella at tumakbo papunta sa staff.

"Uhm... Here's the medicines you need. I'll go ahead."

"Thank you."

Ngumiti na lang si Bella atsaka naglakad pabalik.

"Gorgeous here. Alpha's Princess do you copy? Over." Napatingin si Bella sa kanyang walkie talkie at sinagot iyon.

"Yes, Alpha's Princess here. Gorgeous why? Over."

"Bella! Kamusta ka? May narinig akong putok ng baril banda d'yan sa inyo." Nagpapanic na sabi ni Althea.

"Ah, huwag kang mag-alala. Maayos lang ako. Pabalik na ako. Mag-ingat ka." Saad niya at tumakbo na pabalik ng tent.

"Bella!" Sigaw ni Althea.

"Anong nangyari sa'yo?!" Tanong ni Althea.

"Maayos lang ako. Walang nangyaring masama. Huwag mong sasabihin kayna Kiro." Sambit ni Bella kaya tumango si Althea.

"Sige matulog ka na. Nakapagpahinga naman ako kanina kaya hindi pa ako inaantok. Magbabantay lang ako."

"Sige. Ingat ka ha?" Tumango at nginitian ni Bella si Althea para hindi ito matakot.

Napatingin siya sa kamay niya.

Mananagot kayo sa akin. Ilang beses na kayong natalo pero ayaw niyo pa rin magpapigil.

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon