CHAPTER 13: Solve

1.5K 55 1
                                    

CHAPTER 13: Solve

Kanina pa nakikinig si Bella mula sa taas tungkol sa pinag-uusapan ng ALPHA kaya naman napangiti siya. "Hindi pwede."

Inikot niya ang tingin niya atsaka tinignan ang mga kwarto. "Hays, nakakamiss." Bulong niya. Dumiretso naman siya sa isang kwarto na sa pagkakaalam niya ay kwarto ni Ella.

Pumasok siya sa loob at sinara ang pinto tsaka ito nilock.

"Grabe, wala pa ring nagbago." Nakangiti niyang sabi.

Bigla siyang napatingin sa isang diary.

Hindi lang ito isang diary.

Diary ito ni Kiro.

Kinuha niya ito at bubuksan na sana ngunit hindi ito mabukas dahil naka-lock.

"Aish nakalock."

Napatingin naman siya sa necklace na suot niya atsaka kinuha iyon. Hindi halata na may suot siyang necklace dahil masyadong mataas lagi ang damit niya.

Kinuha niya iyon at tinitigan.

"Hindi ko pa kaya... Hindi ko pa kakayanin." Saad niya atsaka tinignan ang susi na naecklace na nasa kanyang kamay.

"Sorry Kiro."

Someone knocked on the door.

Napatingin siya sa pinto at mabilis niyang itinago ang necklace at ang diary.

"Bella andyan ka ba?" 

"Ah oo, K-Kiro. Bakit?" Tanong niya.

"Bumaba ka na. May gusto lang kaming sabihin." Sambit niya kaya naman bigla na lang kinabahan si Bella. "Ah s-sige. Sandali lang."

"'Ge."

Narinig naman niya na umalis na si Kiro kaya naman nakahinga siya ng maluwag.

"Sorry guys hindi pa ngayon ang tamang oras." Saad niya atsaka lumabas na ng kwarto ni Ella.

Pagkababa niya sa sala ay nakita niya ang buong ALPHA na nakaupo lahat sa sala at mukhang hinihintay siya.

"Sup guys? Anong sasabihin niyo? Sandali asan yung training area?" Tanong ni Bella.

"Ella."

Nagulat naman siya sa sinabi ni Giro at tiningnan ito ng masama. "Hindi nga ako si Ella! Ano ba naman ang nakain niyo? Magkamukha lang kami noh." Sambit naman ni Bella kaya napatawa na lang ng sarkastiko si Mark.

"Huwag ka nang magsinungaling. Ikaw si Ella, imposible naman kasi na magka-amnesia ka dahil sa binti ka nabaril at hindi sa utak."

Napangisi na lamang si Bella at tiningnan sila ng seryoso.

"Diba-"

"Please lang Ella, huwag ka nang magsinungaling. Please." Nagmamakaawang sabi ni Kiro pero umiling lang si Bella.

"Hindi ako si Ella kaya tigilan niyo na ako."

Nagulat naman si Bella dahil nakita niya si Lia na kakapasok lang ng bahay kasama si Mark.

Tumingin sa kanya si Lia na para bang natatakot.

"Ella umamin na sa amin si Lia." Ani naman ni Mark. 

"A-Anong..." Hindi na naituloy ni Bella ang kanyang sasabihin ng magsalita si Lia. 

"Sorry Bella hindi ako magaling magtago ng sekreto."

Alpha Academy 2: Chasing the Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon